Day 281 & 282

51 1 0
                                    

Day 281

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay. 

Mga Awit 145:16 MBB05 


English:

You open your hand and satisfy the desires of every living thing.

Psalm 145:16 NIV



***

Ang ating Diyos kailanman ay hindi nagkukulang sa bawat isa sa atin. Ibinibigay Niya ang sapat sa lahat ng ating mga pangangailangan. Kahit na dumadaan tayo ngayon sa pandemya na nagdulot sa atin at sa buong mundo ng matinding pagsubok, kailanman ay hindi Niya tayo pinababayaan. 

Ang lahat ay Kanyang binibigyan ayon sa ating mga pangangailangan. Maging ang mga trabaho o mga pagkakakitaan ay Kanyang ipinagkakaloob sa atin. Kadalasan pa nga ay higit pa sa ating mga inaasahan ang mga pinagkakaloob Niya sa bawat isa sa atin. 

 #GodBlessUs 😇❤#day281 ❤#toGodbetheglory


================================================


Day 282

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

"Aming Panginoon at Diyos! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri, karangalan, at kapangyarihan; sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nilalang mo at pinapanatili."

Pahayag 4:11 MBB05 


English:

"You are worthy, our Lord and God,
to receive glory and honor and power,
for you created all things,
and by your will they were created
and have their being."

Revelation 4:11 NIV


***

Dakila naming Diyos na makapangyarihan sa lahat, marapat lamang na atin Siyang parangalang lubos. Siya ang may lalang ng lahat ng mga bagay sa mundong ito.

Kilalanin natin siya sa ating buhay at 'wag manghinawa na papurihan siya. Karapat-dapat lamang natin siyang papurihan at pasalamatan sa lahat ng oras. 

 #GodBlessUs 😇❤#day282 ❤#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon