Day 113
Tagalog:
At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.Mga Awit 147:3 MBB05
English:
He heals the brokenhearted
and binds up their wounds.Psalms 147:3 NIV
***
Tanging sa Panginoon natin hanapin ang ating pag-asa sapagkat Siya lamang ang kayang magkaloob nito na walang kasamang kabalisahan. Kung tayo man ay nakakararanas ng mga kabiguan o kasawian sa buhay ay huwag tayong mangamba sapagkat ang Panginoon ay nandyan at handa tayong tulungan at bigyang lunas ang ating mga pinagdadaanan sa buhay.
#GodBlessUs 😇❤#day113 ❤#toGodbetheglory
======================================
Day 114
Tagalog:
Ang sabi ni Yahweh, "Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan.Isaias 55:8 MBB05
English:
"For my thoughts are not your thoughts,
neither are your ways my ways,"
declares the Lord.Isaiah 55:8 NIV
Kailanman ay hindi natin matatarok ang kaisipan o kapamaraanan ng ating Panginoon. Maaring hindi natin naiintindihan ang mga nangyayari ngayon sa ating buhay ngunit darating din ang panahon na maiintindihan natin ang mga gusto Niyang iparating sa atin at upang mabigyan tayo ng mga aral sa buhay. Kaya't wag tayong mawawalan ng pa-asa at pagtitiwala sa Kanya.
#GodBlessUs 😇❤#day114 ❤#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...