Day 269 & 270

70 1 0
                                    

Day 269

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Anumang naisulat noon ay isinulat para sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakasan ng loob mula sa kasulatan, magkaroon tayo ng pag-asa. 

Mga Taga-Roma 15:4 

English:

For everything that was written in the past was written to teach us, so that through the endurance taught in the Scriptures and the encouragement they provide we might have hope.

Romans 15:4 NIV



***

Lahat ng mga turo at aral ng Diyos ay nakapaloob na sa bibliya, lahat ng gusto nating malamam o matutunan ay dito natin lubos na masusumpungan. Makapagbibigay ito ng pag-asa at ng inspirasyon kung paano maging matatag sa kabila ng mga pagsubok na ating mga kinakaharap. 

Tuturuan at gagabayan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mayayamang salita na magtiwala at lubos na umasa sa Kanya. 

Sapagkat sa Kanya ay magkakaroon tayo ng pag-asa at ang pagkilos Niya sa buhay ng bawat isa ay ating makakamtan. 

 #GodBlessUs 😇❤
#day269 ❤
#toGodbetheglory

==============================

Day 270

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.
Mga Taga-Filipos 2:12‭-‬13 MBB05


English:

Therefore, my dear friends, as you have always obeyed—not only in my presence, but now much more in my absence—continue to work out your salvation with fear and trembling, for it is God who works in you to will and to act in order to fulfill his good purpose.
Philippians 2:12‭-‬13 NIV


***

Nawa maging mga ulirang anak tayo ng Diyos. Atin nawang isapamuhay ang lahat ng mga aral at turo Niya. Buong puso tayong manangan at sumunod sa lahat ng Kanyang kalooban.

Ating ilagak sa ating mga puso ang pagsunod at paggalang sa ating Panginoong Diyos upang patuloy na maging ganap ang ating kaligtasan mula sa Kanya.

Sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa ating mga buhay, kung tayo ay buong pusong mananangan sa Kanya at masunod nawa lahat ng Kanyang kalooban sa bawat isa sa atin.

#GodBlessUs 😇❤
#day270 ❤
#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon