Day 309
Tagalog:
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.
Mga Awit 138:3 MBB05
English:
When I called, you answered me; you greatly emboldened me.
Psalm 138:3 NIV
***
Makakaasa tayong Kanyang tutugunin ng lahat ng mga panalangin at hinaing natin sa Kanya. Kanya tayong pinalalakas kapag tayo'y pinaghihinaan ng kalooban.
Maging ang katawang pisikal at mga kahinaang ispiritwal ay Kanya ring pinapalakas at makakaasang tayong hindi Niya bibiguin kailanman.
#GodBlessUs 😇❤#day309 ❤#toGodbetheglory
=======================================
Day 310
Tagalog:
Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling? Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.
Mga Awit 121:1-2 MBB05
English:
1 I lift up my eyes to the mountains— where does my help come from? 2 My help comes from the Lord the Maker of heaven and earth.
Psalm 121:1-2 NIV
***
Sa mga nangyayari sa ating buhay ang Diyos ang Siyang sumasaklolo sa lahat ng ating mga pinagdadaanan. Sa Kanya ay walang hindi nababatid. Ang pagtulong Niya sa atin ay hindi lingid sa atin kaalaman.
Mga pagkilos Niya ay tunay ngang kahanga hanga. Hindi mo kailanman pinababayaan ang mga anak mong sayo'y lumalapit. Ikaw lamang ang Diyos na buhay mula noon, ngayon at magpakailanman ang habag at awa mo sa amin ay hindi kayang sukatin.
#GodBlessUs 😇❤#day310 ❤#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...