Day 279
Tagalog:
Tanging sa Diyos lang ako umaasa; ang aking pag-asa'y tanging nasa kanya.
Mga Awit 62:5 MBB05
English:
Yes, my soul, find rest in God; my hope comes from him.
Psalm 62:5
****
Panibagong araw, panibagong pagkakataon. Ating ilagak ang ating pagtitiwala at pag-asa sa ating Panginoong Diyos.
Hindi man nagbabago ang sitwasyon ngayon sa ating paligid bungad ng pandemya, lalo na at ito ang simula ng araw ng pagbabalik eskwela. Hindi man ito madali lalo pa at malaki ang pagbabago ng uri ng pagtuturo. Tanging sa Panginoon pa rin natin ilagak ang ating pagtitiwala na magiging maayos din ang lahat.
#GodBlessUs 😇❤
#day279 ❤
#toGodbetheglory==============================
Day 280
Tagalog:
Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.
Mga Kawikaan 21:2 MBB05
English:
A person may think their own ways are right, but the Lord weighs the heart.
Proverbs 21:2 NIV
***
Kadalasan talaga sa ating mga tao, hindi natin alintana na nakakagawa tayo ng mga kamalian at kasalanan sa buhay.
Maaring lihim man o hayag, ngunit hindi pa rin natin inaamin ang ating mga nagagawang pagkilos na hindi wasto. Ang lahat ng ating mga nasa isip at lahat ng mga ginagawa natin ay sa tingin natin ay tama.
Ngunit tayo'y lubos na nasisiyasat ng ating Panginoong Diyos. Alam Niya ang lahat ng nilalaman ng ating isipan at maging nilalaman ng ating puso.
#GodBlessUs 😇❤
#day280 ❤
#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...