Day 169 & 170

44 1 0
                                    

Day 169

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.1 Mga Taga-Corinto 10:13 MBB05



English:

No temptation[] has overtaken you except what is common to mankind. And God is faithful; he will not let you be tempted[] beyond what you can bear. But when you are tempted,[] he will also provide a way out so that you can endure it.

1 Corinthians 10:13 NIV


***

        'Wag nating isipin na hindi natin kaya o mahina tayo kapag may mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Kailanman ay hinding hindi tayo bibigyan ng Diyos ng isang pagsubok na hindi natin kaya. Kaya't sa halip na panghinaan tayo ay lumapit tayo sa Panginoon at sa Kanya humingi ng tulong at lakas na malampasan natin ang mga pagsubok sa buhay natin. Sa Kanya lamang tayo magtiwala sapagkat lahat ng mga pangako Nya ay tapat kailanman at mainam na gabay sa ating buhay.


#GodBlessUs 😇❤#day169 ❤#toGodbetheglory


==================================


Day 170

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Tingnan ninyo ang mga bulaklak sa parang at unawain kung paano sila lumalago. Hindi sila nagtatrabaho ni humahabi man. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon, sa kabila ng kanyang kayamanan, ay hindi nakapagdamit ng kasingganda ng isa sa kanila. Kung dinaramtan ng Diyos ang mga damo sa parang na buháy ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!Lucas 12:27‭-‬28 MBB05


English:

"Consider how the wild flowers grow. They do not labor or spin. Yet I tell you, not even Solomon in all his splendor was dressed like one of these.

Luke 12:27 NIV


***

           Paulit-ulit na sinasabi ng ating Panginoon 'wag tayong mabalisa sa lahat ng mga bagay. Sikapin natin na ilagak ang ating pananampalatay at pagtitiwala sa Kanya. Ano man ang pangangailangan natin sa ating buhay mapapagkain man o daramtin, gamot o anumang bagay o problema na meron tayo, tanging sa Diyos Ama natin ito ipagkatiwala at Siya na ang bahalang kumilos sa ating buhay. #GodBlessUs 😇❤#day170 ❤#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon