Day 293
Tagalog:
Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay." Ito ang sinabi ni Yahweh.
Isaias 54:17 MBB05
English:
no weapon forged against you will prevail,
and you will refute every tongue that accuses you.This is the heritage of the servants of the Lord,and this is their vindication from me,"declares the Lord.
Isaiah 54:17 NIV
****
Kailanman ay panghawakan natin ang mga pangakong ito sa atin ng ating Panginoon. Siya ang ating kalasag na magtatanggol sa atin sa lahat ng oras. Hindi Niya tayo pababayaan bagkus ang pagtatagumpay ay igagawad Niya sa atin.
Patuloy lamang tayong maglingkod at magtapat sa Kanya sapagkat walang sandang makapanlalaban, laban sa atin bagkus bibigyan Niya tayo ng kaunawaan at karunungan upang ating mapaglabanan ang lahat ng mga masasama na naghahatak sa atin pababa.
#GodBlessUs 😇❤
#day293 ❤
#toGodbetheglory==============================
Day 294
Tagalog:
Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan, at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan.
Mga Kawikaan 16:4 MBB05English:
The Lord works out everything to its proper end— even the wicked for a day of disaster.
Proverbs 16:4 NIV***
Lahat tayo ay may kadahilanan kung bakit tayo nilalang ng Diyos at isinilang sa mundong ito. May mga plano at ninanais Siya sa buhay natin na gusto Niyang matupad para sa atin.
Ngunit sadyang hindi maiiwasan ng tao ang magkasala ngunit kung tayo'y patuloy na magpapasakop sa pagiging masama ang Diyos ay mamumuhi at tiyak na kaparusahan ang kahahantungan.
Kaya't nawa'y masunod ang kalooban ng Diyos sa ating buhay at patuloy na magtapat sa Kanya hanggang wakas.
#GodBlessUs 😇❤
#day294 ❤
#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualitéBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...