Lap 1

218 22 5
                                    


Napuno ng nakakabinging hiyawan ang buong paligid. Malalim akong bumuntong-hininga habang pinagmamasdan ang babae na nasa harapan namin na may hawak na puting flag.

'Go, Xross!'

'Galingan mo, Kairo! Malaki ang balato ko sa 'yo!'

Napasulyap ako sa kalaban kong si Xross, gano'n din siya sa akin. Kapwa pa kami nagsukatan ng tingin. If only glare could kill, kapwa na kami patay. Ako na ang unang umiwas ng tingin saka nag-concentrate.

Kailangan kong manalo sa illegal drag racing na ito dahil sa premyo. The prize was half a million and I couldn't afford to lose such money. It's mine, mine only.

"You guys are ready?" Tanong ng tumatayong announcer nitong paligsahan. Mas lumakas ang hiyawan ng mga manonood. May mga naglilibot pa ngang dalawang babaeng naka-two piece para kunin ang taya nila.

"Simulan na ang karera, at the count of three!"

Hinanda ko na ang aking sarili. Mahigpit ko nang hinawakan ang manubela ng kotse ko. Ang sasakyan ko ay isang Aston Martin Vanquish pero mas tinatawag ko itong 'Aston.'

Paano ako nagkaroon nito?

Premyo ko lang naman sa huling laban. Ang kotse naman ni Xross ay Bentley Mulsanne.

Nagsimula na silang mag-count down.

Three.

Two

One.

"Go!" As if on cue, sabay naming pinaharurot ni Xross ang kotse namin at dumiretso. Mas pinaharurot ko pa si Aston para mas lalo akong bumilis. Daig pa naming hangin habang dumadaan sa madilim na kalsada.

"Too slow, Kairo!" Sambit ni Xross na nasa gilid ko na pala. Niliko niya pa ang sasakyan niya at binunggo sa kotse.

Fuck!

How dare him to do that?!

Hindi biro ayusin ang damage no'n kay Aston!

I heard him chuckle saka pinaharurot nang mabilis ang kanyang Mulsanne.

"Fuck you," I hissed, binilisan ang pagmaneho. Sisiguraduhin kong matatalo kita, hayop!

Paliko na ang kalyeng dinadaanan namin, mabilis kong pinatagilid si Aston at tinapakan ang break, making a smooth drift. Nang matapos ang pag-drift kong 'yon ay mabilis ko namang pinaharurot ang aking kotse.

Pumasok ako sa isang tunnel at naabutan ang sasakyan ni Xross. Nanggigigil kong nilapit si Aston sa kotse niya at binunggo ito.

Not just once, but twice!

"The heck, Kairo!" I heard him shouted.

Niliko ko ang kotse at tumabi sa gilid ng Mulsanne niya.

Sisiguraduhin kong durog ang sasakyan mo.

Niliko ang manubela at binunggo ang kotse niya na tumama sa matigas na pader.

Oh!

FUEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon