KAIRO ROSALES
Week later...
Pagkatapos ng school festival at final round, everything went back to normal. Normal na ulit ang schedule ng lahat ng mga studyante rito sa school- except for me.
Dahil ako ang isasalang sa ph racing cup, puspusang training ang pinapagawa sa'kin nila Winston. I understand, kailangan 'yon. Hindi birong karera ang racing cup na 'to, kaya kailangan kong seryosohin ang training ko.
Hindi na ako nakakapasok sa afternoon classes ko. Excuse naman ako. Pero nagbibigay pa 'rin ng special tasks sa'kin ang mga professors na kailangan kong i-comply para makapasa. Kahit na racer na ako, kailangan ko pa 'rin atupagin ang pag-aaral ko.
For my dream.
Malalim akong bumuntong-hininga. Para sa pangarap ko, gagawin ko ang lahat.
"Yo, Kiddo! Tapos na ang break mo, go back to the field," tumango ako at tumayo na patungo sa sasakyan ko. Dahil intense na ang training, intense na 'rin ang pagte-train sa'kin ng trainor ko— which was Winston.
"Last record mo 195 km/h, bumaba 'yon sa normal speed mo. Galingan mo para mataasan mo 'yon at mahigitan ang normal speed mo, i know you can do it," sambit n'ya habang nag-aayos ako ng helmet. What? Bumaba ang bilis ko? Tsk. I have no choice kundi pag-igihan pa lalo.
"Ready?"
Hinawakan ko ang manubela at gear lever.
"Go!"
Mabilis kong tinapakan ang gas pedal, at sa isang iglap lang, gumuguhit na ang sasakyan ko sa buong field.
Hindi ko namalayan ang araw, magsisimula na pala ang semestral break. Ngayong araw na ang alis ng mga studyante pabalik sa kani-kanilang mga tahanan. 'Buti pa sila.
Ako kasi ay kailangan kong mag-stay dito hanggang sa huling sa dumating ang araw paligsahan. Ilang linggo na lang ang natitira bago sumapit 'yon, kaya mas naghahanda na kami.
Luckily, my body was physically fit for different kinds of training kaya hindi ako masyadong nahihirapan at nakakasabay ako.
Lumabas ako ng sasakyan at umupo sa may bench. Basang-basa ang suit ko at nang tanggalin ko ang helmet ko, parang naligo na sa basa ang buhok ko. I took the water bottle from my side at ininom.
Ngayong araw na ang alis ng mga studyante. Bigla akong may naalala. Nakaalis na kaya sila? S'ya? Sayang naman ibibigay ko na sana 'tong bracelet na nahulog n'ya noon. Dinig ko kasi ay importante ito sa kanya- a gift from her mother.
"Yo, Kiddo," Winston jogged toward my direction. "May sasabihin ako sa'yo. Good news."
"Hmm?" good news, huh?
"Naurong na ang official date ng ph racing cup."
"Kailan na?"
"Month of January."
Nilingon ko 'to ng kunot ang noo. "Bakit naman naurong sa January?"
Kumibit-balikat ito, "I don't know. Hindi naman nagsabi ng rason ang committee." Umupo ito sa tabi ko. "Kaya naman, pwede ka ng makauwi sa inyo at magpahinga."
"Good, aayusin ko na-"
"Hep! Geez, Kairo! Let me finish my words," what? Sapat na 'yong narinig ko. Baka mapag-iwanan pa ako ng eroplano.
"Kailangan mo munang tapusin ang tapusin ang training mo for this week and after that pwede ka ng bumalik."
I frowned. Akala ko pwede na akong umuwi. Tsk.
"Ahm, Winston?"
"Yes?" tanong n'ya.
"Tapos na ang training ko 'di 'ba?"
"Oo, bakit-" hindi ko na narinig ang sunod nitong sinabi ng maglakad na ako palayo.
Tumungo ako sa shower room para makapagbanlaw at makapagpalit ng damit. My suit was soaked with my own sweat. Pagkatapos kong magbanlaw, sinuot ko ang spare clothes kong white t-shirt and red pants saka tumakbo patungo sa hellipad.
Sana maabutan ko pa sila.
Malayo-layo ang tinakbo ko mula field hanggang dito sa hellipad. There, naabutan ko pa ang mga studyante na isa-isa ng sumasakay sa eroplanong maghahatid sa kanila pauwi.
"Hey!" I shouted. Nahinto naman sila at napalingon sa akin. Nang una nga'y kumunot ang noo nila. Maybe nagtatakha ba't ako narito.
"Oh, Kai? Bakit?" tanong ni VJ. Should I say, 'I just want to say goodbye?' Malamang ay magtatakha sila noon. Hindi ko na lamang sinagot ang tanong ni VJ at lumapit kay Samantha.
Nagulat ito sa paglapit ko. "Bakit?" takha nitong tanong.
I took out the bracelet from my pocket at inabot sa kanya.
"Oh."
"Ano 'yan?" her forehead creased.
"Tsk. Just look at it!" Tinarayan n'ya ako, the usual thing she do kapag nabu-bwisit. Matapos 'yon ay tumingin s'ya sa nakalagay sa palad ko.
"Hala!" kinuha n'ya ang bracelet. "Ito 'yong bracelet na nawala ko ng nakaraan! Hindi na ako lagot sa nanay ko!" halos magtatalon ito sa tuwa. Hindi naman halatang importante sa kanya ang bracelet.
"Pero teka," hinarap n'ya ko habang naniningkit ang mata. "Paano 'to napunta sa'yo?"
Fuck? Iniisip n'ya bang ninakaw ko 'yan? Aanhin ko naman 'yang bracelet na 'yan.
"Napulot ko ng inutusan n'yo akong kunin 'yong drinks kaso—" I paused. Dapat ko bang sabihin. Nakita kong namula ang pisngi n'ya at umiwas ng tingin.
"Kaso, ano, Kairo?" asked Eunice. Malalim akong bumuntong-hininga at namulsa. "Nothing," plain kong sagot. But I could sense na hindi sila kontento sa sagot kong 'yon. Bahala sila.
"Sige na alis na ako. Have a safe trip," tumalikod na ako at nagsimula ng humakbang palayo ng tawagin ni Sam ang pangalan ko.
"Kairo!"
Kunot-noo ko 'tong nilingon.
"T-Thank you," pulang-pula ang pisngi n'ya at ang likot ng tingin n'ya.
"Sige," sagot ko na lamang saka umalis. Pagod ako sa training ngayong araw, kailangan ko ng pahinga. Good thing kasama si Theodore at ang aso n'yang lumilipad kaya malaya akong makakapagpahinga.
Magpapalakas ako para sa ph racing cup. Magte-training ako ng magte-training para maging mas compatible ako sa pangangarera.
You will see, I'm going to win this race again!
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
ActionStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...