"How's your first day?" Tanong ni Winston nang tumabi sa akin. Nasa Dining Hall na ulit kami, eating our supper.
"Good," tipid kong sagot sabay subo ng pagkain. Nakakabingi ang ingay ng mga studyante dito, sinabayan pa nang maiingay na kalansing ng mga kubyertos.
Kinuha ko ang baso sa tabi ko at ininom.
"Okay lang ba 'yung pag-tour sa'yo ni Sam?" Muling tanong ni Winston.
Muli ko tuloy naalala 'yung touring session sa akin ni Samantha kanina.
"Ang patay-gutom na 'yon," naiiling kong bulong saka muling kumain.
Para kasing mauubusan siya ng pagkain kanina habang kumakain kami sa Lunch Hall.
"You were saying something, kiddo?"
"Wala," mabilis kong sagot. Tumango naman si Winston saka bumalik sa pagkain.
"Uy, si Kairo 'yon, o! Kairo!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Oo nga, si Kairo nga!" It was Jerson with his twin brother Paul kasama sila James at VJ.
Lumapit sila sa akin.
"Nandyan pala si Coach Winston. Hi, Coach!" Magalang na bati nilang apat saka bahagyang yumuko.
"Oh, nandyan pala kayo," utas ni Coach Winston ng mapansin ang presensiya nilang apat.
"Mind if you join us?" Aya ni Winston sabay lahad ng bakanteng pwesto na kasya silang apat.
"Sure, Coach! Kaso, okay lang ba sa 'yo, Kairo?" VJ asked, asking for my permission.
Good thing he asked because my answer will be...
"No —" tinakpan ni Coach ang bibig ko na agad kong inalis.
"Sabi niya 'yes'. Sige na mga bata, maupo na kayo," sambit ni Coach saka pinaupo ang apat.
Umupo naman sila.
"Paano ka magkakaroon ng kaibigan dito kung ayaw mong may kasamang kumain?" Bulong sa akin ni Coach. Kaibigan. I frowned at that thought.
"I don't need friends," kaswal kong sagot habang nakatingin sa apat. "I need money."
"Ang sarap talaga ng pagkain dito!"
"Sinabi mo pa!"
"Teka, kukuha lang ako ng mushroom soup. Nasarapan ako e."
"Hoy, James! Mamaya ka na niyan. Makumpiska pa yan ng mga androids!"
"Oo na, teka —wala na defeat na!"
Nabuhay ako ng walang mi-isang kaibigan, kaya hindi ko na kailangan no'n.
"Tsk!" Utas ni Winston.
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
AcciónStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...