Lap 9

32 7 0
                                    

Nagulantang ako sa sinabi niya. Para nga akong binuhusan ng malamig na tubig at nanigas.

Tanging palihim na hagikgik na lang ni Theodore ang naririnig ko.

Siya... ang dormmate ko?

Muli kong ineksamina ang katawan niya.

Ang inaakala ko'y isang maarteng mayaman na lalaki tulad ng iba ang makakasama ko sa kuwarto. Iyon kasi ang karamihan sa mga ka-dormmate ng mga studyante rito.

But this guy...

Ang dungis.

Sabog ang buhok.

Ang dumi ng damit.

Para siyang basurero na napadpad sa school na ito.

Pinapayagan pala ang gantong studyante sa Raceworth Academy?

"Hindi naman na ako magugulat sa reaksyon mo na 'yan," utas ni Theodore saka umupo sa sofa at kinakalikot ang mga basurang nakahain sa center table.

Aanhin nya naman ang mga 'yan?

"Hmm, ano bang maaring gawin sa mga piyesang 'to?" Bulong niya habang ineeksamina ang mga piyesa.

"Madalas kasi akong nasa mechnical room. You know, helping to repair damaged cars na pwede pang i-revive and minsan creating and repairing androids," kwento niya. Napuntahan na namin iyon ni Sam ng tinour niya ako, pero hindi pinasok.

Ayaw daw kasing maistorbo ng mga tao doon.

So, totoo nga.

He was the one who invented those floating robots roaming here at RA?

"I see," patango-tango kong sagot saka umupo sa katapat niyang sofa.

"Dahil madalas nga akong nandun, late na akong bumabalik dito," tumango-tango na lang ako kahit sa totoo'y hindi ako nakikinig sa kanya.

Kung ano-ano pang nonsense na bagay ang mga kinuwento niya, na as usual, wala akong pakialam.

Madaldal ang isang 'to.

Magre-request nga akong palitan ang dormmate ko.

Habang dumadaldal ito, hindi niya napansin na pumasok na ako sa kwarto.

Sinara ko iyon at mabilis na nagpalit.

It was already seven in the evening.

Oras na ng dinner.

Lumabas ako ng kwarto ng nakabihis na. Nando'n pa nga rin si Theodore, talking about his invention.

What the hell?

Hindi pa pala siya tapos sa pagdadaldal?

"It's already seven. Hindi ka pa ba baba?" Kunwari'y concern kong tanong.

Nahinto naman ito sa pagdadaldal at lumingon sa akin. S

Saglit pa nga itong nagulat ng makita akong iba na ang suot.

Umiling ito, "Naparami ang kain ko kanina sa Lunch Hall e. Grabe nakakabusog kaya. Ang sarap pala ng mga pagkain dito no? Tapos daig pa ang buffet, dahil eat all you want —" I just cover my ears using my finger before I left our dorm.

Damn.

Ang daldal!

Ang sarap salpakan ng kung ano sa bibig.

Iritado at poker face akong nadatnan ng mga naghihintay na studyante ng bumukas ang elevator.

You're now at the ground floor, wika pa ng tinig bago ako lumabas ng elevator at nakapamulsang naglakad palayo. I could hear them, secretly talking about me.

FUEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon