Lap 5

37 8 0
                                    

Ding!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ding!

Nang marinig ko ang tunog na iyon, agad na bumukas ang elevator.

Mabilis kong hinatak si Kairo na para bang walang pake sa ginagawa ko.

'Yong totoo? Ano bang meron sa isang 'to?

Nakailang liko din kami bago marating ang huli naming destinasyon, ang lugar na gustong-gusto ko.

"We're here," sambit ko ng mahinto kami sa malaking pinto na automatic na bumubukas. May nakalagay na sign sa itaas:

Training room.

"Tara," muli kong hinatak si Kairo Rosales papasok ng training room. Dito madalas pumupunta ang mga studyante na nais mag-training para maging magaling silang racer. It also served as a gym for everyone.

Kaya minsan, tambay kami rito ng mga girls, hehe.

"So, alam kong alam mo na ang tawag sa lugar na ito dahil nabasa mo na," mabuti ng unahan ang isang to. I cleared my throat for the nth time. Nakakatuyo ng lalamunan pala ang masyadong pagsasalita.

"Uminom ka kaya muna tubig," sambit ni Kairo saka nilahad ang kamay niya na may hawak na baso ng tubig na malamang ay galing sa despenser sa gilid namin.

"Thank you," nahihiya kong inabot ang baso at uminom. Ramdam ko ang ginhawa ng humagod sa lalamunan ko ang tubig.

Nice. May pagkamabait naman pala s’ya.

Bumalik na ako sa page-explain.

"As you can see, dito nagte-training 'yung mga studyante na sasali sa mga competition or kung sadyang trip-trip nila," paliwanag ko. "Katulad ito ng simpleng gym. May mga equipment na ginagamit pangpa-lakas ng katawan katulad ng dumbell, barbell at kung ano-ano pa. Pero ang kinaibahan nitong training room," naglakad pa ako na sinundan naman ni Kairo.

Good, kung ayaw mong maligaw just follow me.

"This," nakangiti kong tinuro sa kanya ang ilang mga specialized training equipment para sa mga racer tulad namin. Binili pa 'yan from canada kaya siguradong worth it ang paggamit.

He didn't speak but I could see amusement on his eyes. Tinuro ko pa sa kanya ang mga equipment na yun at binanggit ang kanilang purpose.

"Ano 'to?" Wala sa sariling tanong ni Kairo saka nilapitan ang bagay na iyon.

"Iyan ba?" Lumapit ako sa kanya.

He nodded.

"Yan ang virtual racing simulation," banggit ko. "As you can see, mayroon comfortable chair dito, syempre dito uupo ang user. Mayroon din itong kaharap ng steering wheel, gas at break pedal at syempre ang gear stick. Then susuotin niya itong Virtual-reality helmet o kilala sa tawag na VR helmet. Once na nasuot ang VR helmet. Bubuksan ng operator ang switch doon sa dulo para gumana ito. Once it's activated, maari ka ng maglaro," mahabang litanya ko. Hu! I guess, I need water again.

FUEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon