Final Lap

79 5 4
                                    

KAIRO ROSALES

"Summer is here!"

"Ang sarap ng tubig!"

"Natikman mo?"

"Weh, ang corny!"

"Hoy, wag mo akong wisikan ng tubig!"

The heat of the summer sun; the cooling air of the forest; the smell of the salted sea. Summer is indeed, really here.

Nakakapayapang tignan ang napakagandang tanawin mula sa kinauupuan ko. Ang puting buhangin at ang alon na humahampas rito, ang mga ibong naglilipiran; ang mga pumapagaspas na puno.

Hm, maganda nga rito sa vacation house ng kambal. Nagkaroon pala sila ng pangako na dadalhin kami rito kapag nanalo ako. I think I could live here alone; a paradise.

"Hindi ka magsu-swimming kasama nila?" Napalingon ako sa nagtanong. It was VJ. He was scrubbing a lotion in his skin; maybe to protect it from damage.

"I'm good here," I said. Mas ayos na sa akin tignan ang paligid kesa sa magtampisaw sa tubig. 'Though it was tempting to jump on the water.

"Bahala ka," he shrugged his head. Pagkatapos n'yang maglagay ng lotion sa katawan ay nakisama na s'ya sa iba na lumangoy. Para silang mga batang ngayon lang nadala sa dagat. Palihim na lamang akong natatawa sa kalokohan nila.

Ilang saglit pa, dumating sila Monalyn at Samantha dala ang mga pagkain nila. Good, I'm hungry.

Nagsiahon na ang iba sa tubig at sama-sama kaming kumain sa nilabas nila Paul na mesa.

"Kain na-!" Akma na sanang kukuha si James ng pagkain ng paluin s'ya ni Beatrice. "Aray, inaano ka ba?"

Beatrice gave him a deadly eye roll, "Pray, first!"

And so, she led the prayer. Kitang-kita sa itsura ng mga ito na hindi na makapaghintay kumain habang nagdadasal. Hilarious!

After that silent prayer, nag-umpisa na ang matinding agawan sa harapan ng mesa. Kanya-kanyang hablot at nguya ang bawat isa, nagkakainitan pa kapag sabay na napupulot ang pagkain.

"Hoy, pahingi!"

"Akin na 'to!"

"Wah, akin 'yan e!"

"Hmm, sarap!"

Nagkakagulo ang lahat sa mesa. Well, I can't blame them. Masarap ang mga nakalatag na seafood, gusto ko 'rin makiag-agawan sa kanila. I need to look cool.

Natanaw ko ang nag-iisang alimasag na walang gumagalaw.

This one's mine.

Akmang kukunin ko na 'yon ng mabilis 'yong hablutin ng isang kamay. Hinanap ko ang may ari ng kamay na 'yon . . . Samantha.

She looked at me with that deadly look, as if saying to not touch any of her food. S'ya ang may pinakamaraming pagkain sa mesa, plus the fact na lumulubo na ang pisngi n'ya dahil marami 'ring lamang pagkain.

Natawa na lamang ako. I really never regret calling her 'Miss PG' before. That suits her very well.

Isang wirdong pakiramdam ang namutawi sa akin.

"Oh, Kairo, gusto mo?" Tanong ni Eunice sabay abot sa akin ng kamay ng lobster na mukhang dumaan sa massacre.

"Hindi na," agad kong sagot. Ayos na pala ako sa kinakain ko.

After that crazy food fight in the seashore, we headed back to the vacation house.

Nakaupo lamang ako sa sofa habang pinagmamasdan ang mga kasama kong ngumingiwi sa pamimilipit ng t'yan. Ang ilan ay pabalik-balik sa cr.

FUEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon