KAIRO ROSALESWeek have passed, finally, I can now go back home and rest my tired body after a long intensive training. Nag-impake na ako ng ibang gamit at nag-ayos. Ngayon na kasi ako kasi uuwi sa'min.
“See 'yah after the sembreak! Don't forget to keep yourself healthy!” Winston said as he wave his hands. Tumango na lamang ako at sumakay sa eroplano. Pagkapasok ko ay agad akong naupo at sinandal ang likod sa cushion. Lulubos-lubusin ko na talaga ang pagpapahinga ko kahit na isang linggo lang.
I heaved a heavy sigh. Darn, bakit sila dalawang linggo ang sembreak, ta's sa akin ay isa lang? Mabuti pa sila mahaba-haba ang pahinga. Oh well, it's better kaysa hindi ako makauwi, right?
Ilang saglit pa, unti-unti ng umaangat ang eroplano. Mas minabuti ko na lang na matulog buong biyahe.
After some hours, the plane finally landed. Bumaba ako dala-dala ang bag ko.
Ito ang nakakainis sa raceworth academy, sagot nila ang eroplano paalis at palabas ng eskwelahan pero 'di nila sagot ang pamasahe sa taxi pauwi sa bahay. Tsk. Kanino ba kaseng ideya na itayo sa secluded ang island ang Academy?
“Tsk,” what a brilliant stupid idea. Mabuti na lang talaga at mayroon pa akong pera. Sumakay ako sa humintong taxi at sinabi kung saan ako dadalhin. Dahil sa matinding pagod sa nagdaang training, muli na naman akong nakaiglip sa byahe.
“Sir, nandito na po tayo,” nagising ako ng magsalita ang driver. Nagbayad ako sa kanya bago lumabas ng sasakyan. Hinatid ko muna ito ng tingin palabas ng subdivision bago hinarap ang bahay namin.
Ah, finally home!
Hahakbang nasa ako papasok sa gate ng biglang lumabas sa pintuan si Li'l Josh at nakita ako. Dito muna ako kila Tita, mabo-bored lang ako kapag do'n ako sa apartment. Pupuntahan ko na lang 'yon the other day. For sure that place is now full of cobwebs. Alam kaya ng landlady kung bakit 'di na ako umuuwi roon?
“Kuya Kaiwoo!” sigaw nito at nagmamadaling binuksan ang gate para yakapin ako. Tsk, this kid. Bulol pa 'rin.
“Kuya Kaiwo, 'buti nakauwi ka na! Na-miss ka namin—” at hindi na naman natigil ang bibig nito kakasalita. Napangiti na lamang ako at hinaplos ang buhok nito.
“Si Kairo?! Nasaan si Kairo?!” sambit ng lumabas sa bahay. Si Tito Stewart. Parang ngang nagmamadali ito na ewan. “Kairo!” bulalas n'ya ng makita ako. Lumapit ito sa'kin at inakbayan ako. “Umuwi na pala ang kampeon namin! Ano, may pasalubong ka ba? Ha?”
Natatawang nailing na lamang ako. “Uncle, you're old enough para sa mga pasalubong,” sambit ko, nginusuan ako nito. “Ano ba 'yan, Kai! Maski lupa man lang galing sa R.A!”
“Mokong,” bulong ko. Lumuhod ako sa tapat ni Li'l Josh. “I have something for you,” sambit ko at may kinuha sa bag.
“Ano po 'yon, kuya?” tanong nito. Narinig ko pa ang reklamo ni Tito na kesyo hindi ko 'raw s'ya binigyan ng regalo. Tsk. Mas isip bata pa 'to sa anak n'ya.
“Here,” sambit ko sabay abot sa kanya nito. “Woah! Wahh! Wobot-dog! Cool!” tuwang-tuwa nitong utas habang pinagmamasdan ang binigay kong robot-dog. Yeah, Theodore made it— as what'd promised to him last time.
Pagkatapos no'n ay pumasok na kaming tatlo sa loob. Pagkaupo ko sa sofa ay pinaulanan na agad ako ni Tito ng mga tanong n'ya.
“Kamusta ang raceworth academy? Maganda ba 'ron? Grabe, sobrang laki n'on, ano? Maganda ba ang dorm do'n? May mga chicks ba? Ano? Kairo, sagutin mo ako!” sunod-sunod nitong tanong na halos ikasabog ng utak ko. Tsk. Ang sarap tapalan ng kung ano sa bibig!
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
ActionStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...