KAIROS ROSALES
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock na nasa gilid ko.
Tamad ko iyong inabot at in-off. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, unang bumungad sa akin ay ang kulay-puting kisame.
Panibagong araw na naman.
Sandali pa akong nagtagal sa paghiga. Tinatamad akong kumilos. Tsk.
Kung pwede lang talaga 'wag munang pumasok. I stretched my arms bago bumangon at pupungas-pungas na pumasok ng banyo.
I took off my clothes and turned on the shower. I let the cold water touch my naked body. Inabot ako ng sampung minuto sa pagliligo.
"Sigurado ako, boring na naman ang klase," I said while glancing at myself on the mirror.
Bahagya ko pang inayos ang necktie ko saka sinuklay ang buhok ko.
Nang sa tingin ko'y maayos na akong tignan, lumabas na ako ng kwarto.
Paglabas ko ng kwarto, unang bumungad sa akin ang isang pamilyar na lumilipad na asong robot.
"Arf! Arf!" It barked.
"Ohayo, Kairo! Ang galing ng naisip ko, kapag inalis ang “ro” sa pangalan mo, kapangalan mo na 'yong member ng isang k-pop group!" Energetic na bungad sa akin ni Theodore.
Nandoon na naman siya at ang mga basura niya sa center table. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad tungo sa pinto.
Umaalingawngaw ang k-pop music n'ya. The song said something that sounded like dollar dollar or what.
"Pupunta ka na sa Breakfast Hall?" He asked. Tumango ako ng hindi man lang lumilingon.
Pinamulsa ko ang aking kanang kamay at naglakad muli.
"Okey, eat well, Kai!"
Tsk.
Ang ingay ng bunganga.
"Whoa, pare! Si Kairo, oh!"
"Napanood mo 'yung karera niya kasama ang mga lalaking classmates niya?"
"Oo, pre! Ang cool no'n!"
I continue walking at the wide corridor, not minding the gossips I could hear.
Parang nakaraan lang halos katakutan ako, ngayon halos hangaan na ako ng lahat. Funny how things could change people’s perspective about something.
"Oy, Kairo!" Pukaw ng atensyon ni Jerson sa akin. Nandoon ulit sila sa paborito nilang puwesto t'wing naga-almusal.
Nandoon din si Winston, busy sa pagkain niya ng pancake na halos maligo na sa honey syrup. Sometimes he act like a child more than us.
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
ActionStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...