THIRD PERSON“Nasa pagitan na ni Kairo at Xross ang karera,” sambit ni VJ. Lahat silang nanonood ay napapakapit sa kani-kanilang upuan. Walang makapagdidikta sa kanila kung sino ang mananalo ngayong gabi.
“Grabe, naiihi ako sa excitement!” James blurted.
“Bro, iihi mo na 'yan! Baka dito ka pa magkalat!” utos ni Jerson. Nagtawanan ang mga ito ngunit muli 'ring nabalik ang atensyon sa karera.
“Sa tingin n'yo? Sino ang mananalo?” Emerald asked. Nagkibit-balikat ang mga ito.
“Who knows? Basta nasa pagitan lang ni Kai at Xross ang mananalo para sa akin,” Monalyn said.
&•&
KAIRO ROSALESLAST 9 laps. Huling sampung laps na magdidikta kung sino sa aming mga racer dito sa field ang mananalo. Hindi ako pwedeng matalo ngayong gabi... I couldn't afford to slip this chance out of my hand. Hahawakan ko 'to ng maigi at hindi pakakawalan.
“Ibigay mo na ang best mo ngayon, Kairo,” nahinto ako sa pag-iisip ng magsalita si Coach sa harapan ko. Tsk! Kahit hindi n'ya sabihin gagawin ko pa 'rin. Inabutan n'ya pa ako ng tubig na agad kong ininom.
Nasa pit stop ako ngayon. The crew were repairing my car the fastest they could. Habang hinihintay sila, sinandal ko ang likod sa cushion ng upuan.
Last 9 laps, I thought. Bigla akong nakaramdam ng hilo at kaba. Unti-unti nabubuo ang doubt ko sa sarili. Can I make it?
I shrugged my head to remove that thought. Of coarse, I could make it! I'm not a Rosales for nothing. Sisiguraduhin kong ngayong gabi, ako ang magwawagi. Ako ang mag-uuwi ng tropeyo, ako ang isasalang sa ph racing cup.
And in order for me to do that.
I must crush 'em all!
“TITO KAIWO!” minulat ko ang mata ko at lumingon sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. There, I saw them. Li’l Josh, Tita, Tito— and my classmates. They were all cheering for me.
Isang bagay ang pumasok sa isip ko: hindi ko dapat sila biguin.
You could make it, Kairo! I know you could make it!
“The car's ready!” one of the crew shouted. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan at muling bumalik sa karera.
“Number 70 is back at the field,” I heard the emcee announced. Hindi ko na masyadong naririnig ang ingay ng mga spectators— maybe like us, tensyonado na sila dahil huling laps.
Ilang saglit pa, nasa kalagitnaan na muli kaming lahat ng pakikipagkarerahan. This time, halos lahat kami ay gumuhit na sa daan.
“Remain calm. Focus your attention at the race,” Winston reminded over the earpieace. Napailing na lamang ako. Paulit-ulit na lang n'ya 'yang sinasabi.
“Wala ka na bang pwedeng bukod d'yan?”
“S-Sorry na, ilang taon na 'rin kasi ang lumipas sa huli kong minentor,” natatawa nitong sabi. Yeah, whatever. Tss. Magsasalita pa sana ako ng isang sasakyan ang lumitaw sa kanan ko.
Lulan nito si Xross na nang-aasar na nakangisi sa'kin. “Mukhang kabado ka a?” pasigaw n'yang sabi para marinig ko. “'Wag ka kabahan, matatalo rin naman kita.”
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
حركة (أكشن)Stand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...