Lap 33

31 7 0
                                    

KAIRO ROSALES

Tuesday. Dahil sa wala akong magawa sa bahay, I decided to clean my apartment. When was the last time I cleaned this house? Can't remember. Umuuwi lang naman ako rito kapag matutulog o kakain. Sinimulan ko ang paglilinis sa kwarto ko. Punong-puno na kasi ito ng agiw at halos pamahayan na ng ipis. Pinalitan ko na 'rin ang pobre kama at punda ng unan ko.

Next was the kitchen. Kinuskos ko ng maigi ang tiles sa lababo na nangingtim; damay na 'rin ang mga hugasin ko kagabi. Matapos 'yon ay ang banyo at ang sala. Nilubos-lubos ko na. Minsan lang naman 'to mangyari sa akin.

Habang naglilinis pa nga ay ginulo ako ng landlady. Mukhang umabot na sa kanya ang balitang ako ang representative ng academy sa ph racing cup.

"Kahit kaunting paulan lang naman ng biyaya, Kairo! Baka naman!" She pleaded. Napapailing na lang ako sa kanya. She was not even sure kung ako ang mananalo. Kung ano-ano pa ang pinagsasabi n'ya na hindi ko pinakinggan, wala namang kwenta. Tch. Then finally, napagod na s'ya kadadaldal.

"Bayad mo sa upa sa susunod na buwan, ha!" I pouted. Ba't kapag sa singilan ang bilis n'ya?

"Wait," I paused. Did I just pout? I shrugged my head. "Weird," I whispered. Mukhang nahahawa na ako sa mga nakakasalamuha sa academy.

&•&

"Kamusta r'yan, Kai?"

"Doing fine, Winston," I replied, nonchalanty. "What's with the sudden call?" I blurted. Bigla-bigla na lang kasing tumatawag, naglalaro ako ng asphalt nitro 9: legend. Nasa kalagitnaan pa naman ako ng laro ng bigla s'yang tumawag.

"Hindi ba pwedeng na-miss ko lang ang trainee ko?" I rolled my eyes. So cringe. "Shut up."

Humagikgik lamang ito. "Sayang, tambak ang gawain ko, hindi kita r'yan mabisita."

"No need to visit. Hindi naman ako nakaratay," sagot ko, pinagpatuloy ko ang paglalaro kahit na katawag s'ya. Muli na naman s'yang humagikgik.

"Ay naku kang bata ka! Paano ka n'yang magkaka-girlfriend kung napakasungit mo," bulalas n'ya. I frowned. Who said that I need girlfriend?

Then suddenly, I remember something. A lopsided smile, "Sabi ng isang may lihim na pagtingin sa headmistress ng raceworth."

Hindi s'ya nakaimik ng ilang saglit. Maybe, gulat sa bigla kong sinabi. What? Obvious naman kasi. "Hoy, bata! Kung anong-anong sinasabi m-mo! Wala akong lihim na pagtingin sa headmistress!" Giit n'ya. Lihim akong natawa. Muli kong pinlay ang nilalaro ko habang katawag s'ya.

"Yeah, yeah," bagot kong sagot. Ngayon pa s'ya magde-deny e, huli na s'ya. Poor, Winston. He was such a pussy. I bet, he was  blushing as fuck. "Wala nga kasi! Kung ano-anong nalalaman mo, 'di naman totoo."

Para s'yang babaeng high school student na panay ang deny na wala s'yang crush sa seatmate n'yang lalaki. "Hmm, sabi mo e," tango ko na lang. Sunod-sunod pa ang giit n'ya hanggang sa wakas ay magsawa s'ya.

Tch. Ba't ba ako nangingialam ng lovelife ng iba?

"Anyways, name-maintain mo ba ang kalusugan mo r'yan?"

"Yeah," I replied, nonchalantly. Hindi naman ako tanga para hayaan ang sariling mangayayat.

"Good, dapat ma-maintain mo ang pagiging physically fit. After sembreak ay babalik ka na ulit sa intense training."

"Okay..."

Nang magsawa ako kakalaro ng asphalt nitro, binuksan ko naman ang tv para manood ng balita. Hanggang sa mabagot ako at patayin ito. Tumayo ako at uminat-inat.

FUEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon