THIRD PERSON“Mamaya mo na ako pagalitan, babe. Na-miss mo ba talaga ako ng sobra?”
Tila sirang plakang nagpapaulit-ulit sa isipan ni Samantha ang sinambit sa kanya kanina ni Kairo. “Hoy, Sam!” napapitlag ito at napalingon kay Monalyn na kakatapos lamang asikasuhin ang costumer nila. “Kanina ka pa parang wala sa sarili,” kunot-noo nitong sambit. “Ayos ka lang ba?” tanong nito.
Tila natutop ang bibig ni Sam, tanging pagtango lamang ang kanyang nagawa. “A-Ayos lang,” sa wakas ay nasabi n'ya.
“Weh?”
Muling tumango si Sam. Naalala n'ya na naman ang sinabi ni Kairo dahilan para mamula ito. Shit! Mura n'ya sa isip. Bwisit ka talaga, Kairo! Asik n'ya.
Sa hindi n'ya malamang dahilan, apektadong-apektado s'ya binulong ng binata kanina. Sa hindi malamang dahilan ay may kung anong lumilipad sa t'yan n'ya.
Napailing na lamang s'ya. Anuman ang sinabi ng binata ay hindi s'ya dapat maapektuhan. But heck! Ang lakas n'yang man-trip!
Tinuon n'ya na lamang ang atensyon sa pagtitindi. May araw ka 'rin sa akin, Rosales!
“Ha! If you'd just saw his reaction!” tumatawang bulalas ni Darwin habang may kausap sa telepono. “See, I told 'yah! Nothing to worry about that piece of crap,” sabi nito saka umupo sa gilid ng kama.
Malalim na bumuntong-hininga ang kausap n'ya. “I see, I see. By the way, bumalik ka na nga dito sa Giovanni! Dapat ay naghahanda ka sa Ph racing cup!”
“Uuwi 'rin ako riyan,” Ryan said. “Gusto ko lang panoorin ang final round,” ani pa nito. “Yon kasi ang magiging basehan kung sino ang magiging representative ng school nila— isa pa, kasali 'ron si Kairo. Gusto ko s'ya makitang madurog.” Namuo ang ngisi sa labi nito. Muli na naman n'yang naalala kung paano n'ya dinurog ang anak ng dati n'yang kaaway. Hindi n'ya maiwasang hindi mapangiti, lalo na ng makita n'ya ang mukha nito ng natalo.
“O s'ya, o s'ya. Bumalik ka rin agad,” sambit ng kausap n'ya saka binaba ang tawag.
&•&
KAIRO ROSALESNatapos na ang school fest hour. Matapos magpalit ay agad na nauna na akong umuwi sa dorm. Hindi ko mapigilang hindi mapangisi habang naglalakad. Naalala ko 'yung epic n'yang mukha— that embarrased and red as tomato face. Damn, that was priceless.
“Ang weird ni Kairo ngayon,” bulong ni Paul — ngunit sapat na upang marinig ko — habang kumakain. Umayos ako ng tindig dahil at nagpatuloy sa pagkain. Kanina pa pala ako pangisi-ngisi.
“Ano nangyari sa 'yo, Kai? Kanina ka pangisi-ngisi,” puna ni Jerson dahilan para saglit akong mapalingon sa kanya. “Wala,” sagot ko. Nagpatuloy ako sa pagkain ngunit ang mga tingin nila sa akin ay nakatingin sa akin. Tila ba hindi sila makapaniwala sa nakikita. Hinayaan ko na lamang. Basta ako kumakain.
I must admit it, natuwa akong pag-tripan si Samantha kanina. Nawala na no'n ang pagka-badtrip kanina. Siguro ay dapat dalasan ko pa ang panti-trip sa kanya. Muli na naman akong natawa.
“See?! Something is wrong today!” bulalas ni VJ. Hindi ko na lamang 'yun pinansin.
Samantha... Samantha...
Ngunit agad 'ring nawala ang ngiti sa mga labi ko ng tumabi sa gilid ko si Ryan. “Hi, Kairo! Looks like you are having fun with your friends!” nakangiti nitong sabi ng maupo ito. Ang mga kasama ko naman at ang iba pang malapit sa amin ay nagulat sa biglang pagsulpot ni Dalton— who wouldn't. He is the ‘Darwin Dalton’ anyway.
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
ActionStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...