KAIRO ROSALES"Hmm, anong magandang movie ang magandang panoorin ngayon?" Jerson asked while looking at the movie list na pinapalabas ngayong araw.
"Ah, ito maganda!" Sambit ni Beatrice sabay turo sa isang poster ng romantic movie. I could see her eyes sparkling habang pinagmamasdan ang poster. She was really fund of romantic stuff e'.
But the sparks on her eyes faded nang pitikin ni James ang noo n'ya. "Ikaw na lang manood n'yan. Ikaw lang naman mahilig d'yan!" Banat nito.
Beatrice punched his chest as a revenge making him groan in pain. "Aray, masakit-"
"Walang may pake sa opinyon at sasabihin mo," asik ni Beatrice. And in just a snap, para na naman silang manok na nagsasabong. Agad silang pinagitnaan ni Paul para tumigil.
"Titigil kayo o ako mismo sisipa sa inyo palabas ng mall?!" Nanahimik ang dalawa pero pasimple silang nagbabatuhan ng masamang tingin. What's with this people.
"I think this one is better," wika ni Monalyn sabay turo sa poster ng isang action movie. "Hilig mo talaga ang bugbugan, ano?" Emerald grimaced.
"How about this one?" Turo ni VJ sa isang horror movie poster. They all nodded at his suggestion. Binaling ni Jerson ang tingin sa'kin, "Ikaw, Kai? Any movie suggestion?"
"Kung anong napili n'yo ayos lang sa'kin," kaswal kong sagot. Wala 'rin naman akong maisa-suggest na movie sa kanila.
"How 'bout you, Sam?" Lahat kami'y napalingon sa kanya. Kapansin-pansin ang pagiging tahimik n'ya simula kanina. "Sam?" She didn't reply. Oh, I see. Maybe she was still in a bad mood dahil sa pagiging late namin.
Lumapit sa kanya si Eunice. "Oy, Sam? Ayos ka lang?" She didn't reply again, binaling pa nito ang tingin sa iba. Eunice pointed her lips, painted with bright red lipstick. "Galit ka pa ba sa'min?"
Umiling lamang ito at walang sinabi. "Sorry na, oy! Ililibre na lang kita mamaya kapag kumain tayo." And it in just a snap...
"Kahit anong pagkain, libre mo?" Tanong nito. Eunice made a thumbs up then winked, "Malaki ang allowance na bigay sa akin ni Daddy ngayon ta's dinagdagan pa ni Mommy kanina kaya malilibre kita," she added.
"Sure, 'yan a!" And now, she's back to her usual self. Naalala ko tuloy ng sinabihan ko s'ya ng "patay-gutom."
"Nginingisi mo?" Nahinto ako ng bigla s'yang magsalita at masama ang tingin sa'kin. Mas pinalawak ko pa ang ngisi ko para mas mainis s'ya. Tagumpay naman ako dahil halos ikamatay ko ang matalim n'yang tingin.
Miss PG has back.
It was decided, horror movie ang papanoorin namin. Bumili kami ng ticket namin at bumili na 'rin ng pagkain habang 'di pa nagsisimula ang movie. Popcorn at soda lang ang binili ko dahil medyo nabusog ako ng ice cream. Nang napatingin kami sa mga pagkaing hawak ni Samantha...
"S-Sigurado ka bang kaya mo 'yang ubusin, Samantha?" Tanong ni Eunice habang nagbabayad. "Ako pa ba?" Yeah, she's really now back to her usual self. I wonder kung gaano kalaki ang bituka n'ya at kaya n'yang ubusin lahat 'yan- I mean, hey! 'Yong hawak n'ya ay pwede ng pananghalian at panghapunan.
This girl was really something.
"Kai, ayos ka lang ba?" I paused when VJ suddenly spoke. "Bakit?" Kunot-noo kong tanong.
"Kanina ka pa kasi nakangisi. I mean, it's not usual."
"No, I'm not," I denied. Hindi na lamang s'ya nagsalita. After some minutes, pumasok na kami sa loob ng sinehan dahil magsisimula na ang movie.
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
ActionStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...