SAMANTHA SAN JOSENakabusangot akong lumabas ng guidance office, sa likuran ko naman ay sina Donny at Kairo.
Napakamalas ko naman ngayong araw!
Kainis!
"Oh? Anong mukha 'yan, te?" Bungad na tanong ni Eunice.
Kasama n'ya ang mga kaklase namin.
"Mukha ng malas," tugon ko.
"Anong nangyari sa loob?" Tanong ni Mona.
"May parusa ba kayo?" Dagdag pa n'ya.
Malalim akong bumuntong-hininga at binagsak ang aking balikat.
'Yon na nga. Dahil sa lintik na mini-live show na 'yoln, naparusahan kaming tatlo. Actually, kami lang dapat ni Donny kaso sumali ang ugok na si Kairo. Pero ang dapat talaga, si Donny lang. Aba't s'ya ang bigla-biglang nagwawala!
"Ano?!" Gulat na utas nila ng mag-kwento ako. "Di ba dapat si Donny lang? S'ya ang nagpaumpisa e!" Utas ni Beatrice then pushed back her eyeglass.
"Kaya nga!" Segunda naman ni Em. "Wala na tayong magagawa," sagot ko na lamang.
Ikaw rin naman din kasi, Sam!
Ba't mo pa ginatungan!
"Eh... ano namang parusa sa inyo?" Tanong nila.
"Ayon, community service. Lilinisin naming tatlo ang botany garden," tugon ko.
Mas mabuti na 'to kesa sa maglinis ng cr ng mga lalaki right?
"Pero, Sam," singit ni Beatrice. "Nakakakilig kayo kanina ni Kairo," wika n'ya na halos ikapamilog ng mata ko.
Here we go again.
"Oo nga!"
"I agree!"
"Ah! Super!"
"Tantanan n'yo ako!" Bulyaw ko sa kanila.
"Anong nakakakilig don ha?" Inis kong tanong sa kanila.
"E 'di 'yong biglang sumulpot si Kairo ng akmang susuntukin ka na ni Donny!" Matapos sabihin ay halos tumirik ang mata ni Beatrice sa kilig.
Ang sarap n'yang hampasin ng kinababaliwan n'yang romance novel book.
Pero ang totoo, malaki rin ang pasasalamat ko kay Kairo.
If he didn't suddenly come out, baka may bangas na ako. I know Donny, wala s'yang sinasanto—kahit na isang babae.
Nilingon ko ang gawi ni Kairo. Tulad ko ay nakapalibot din sa kanyang ang mga kaklase naming lalaki.
Panay ang tanong nila dito pero hindi masyadong sumasagot.
Should I say... thank you?
Tsh!
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
ActionStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...