Lap 37

36 8 1
                                    

THIRD PERSON

"Malapit-lapit na ang philippine racing cup, so please! Um-attend ka na ng training! Ako kinakabahan sa'yo e!"

Tumawa lamang ito habang sumasalok ng wine sa baso. "Chill, Cristian! Parang hindi mo ako kilala. I'm Darwin Dalton, you know."

"I know, I fucking know that, asshole," asik ng nagngangalang Cristian na nakaupo sa couch. "But you still have to undergo training or else-"

"Or else, what?" Malutong itong tumawa. Tawa na may bahid ng sarkasmo. "Matatalo ako? Oh, men! Losing is not my game."

Napailing na lamang si Cristian. "Bahala ka nga," he forfeited. Wala namang magagawa kung magpupumilit pa s'ya.

A lopsided smirk formed on Darwin's lips as he drink the wine. Malapit-lapit na ang pagdurog ko sa anak ni Khiro Rosales.


&•&
KAIRO ROSALES

Days later...

My sem-break week went normal as it should be... I guess. Halos puro tulog at pahinga lang ang ginawa ko buong linggo. Luckily, hindi ko kailangan magtrabaho for I have some money plus 2 million prize I got last time. Magkagano'n pa man, pakiramdam ko ay nakukulangan pa 'rin ang katawan ko.

I'm not yet ready to go back on training. Gusto ko pa humilata sa kama. But unfortunately, it was time to go back in Raceworth Academy- the secluded racing school. Miss ko na 'rin ang screeching sound ng gulong sa racing field. 'Yon ay kung miss 'din ako no'n.

Corny. Kailan pa ako natutong bumanat ng corny jokes? I shrugged my head to remove that thought.

Pagkatapos kong mag-impake ng mga gamit ay nag-drive ako papunta kina Tita para magpaalam, although they already knew na ngayong araw ang balik ko sa academy.

"Take care of yourself there, okay?" Paalala ni Tita sa'kin. I gave her a nod.

"Pagawa ka naman ng wobot-cat kay Kuya Theodow pawa may playmate na si Wudolf!" I gave Li'l Josh an unsure nod. But I'm sure na gagawan s'ya ng dormmate ko.

"Tito," hinagis ko sa kanya ang susi ng Aston Martin Vanquish ko. "Take care of my car while I'm gone."

"Roger that."

Saglit pa akong nakipagusap sa kanila hanggang sa mapag-desisyunan ko ng umalis. Baka iwanan pa ako ng eroplano. I grabbed a taxi and went to the airport. In less than 30 minutes ay narito na ako.

Pumasok na ako sa aiport at pumunta sa lugar kung nasaan ang designated na maghahatid sa 'min sa academy. There, naabutan ko ang ilang mga studyante na hinihintay ang eroplano.

"Yo, Kai!" Agad na hinanap ng mata ko ang tumawag sa akin. Tch. Nasasanay na akong tawagin ng gano'n, a? I found him- Theodore, waving at me. Para nga s'yang kamag-anak ng OFW na kakauwi lang sa pilipinas kung makatawag at makakaway sa 'kin.

Napailing na lang ako at lumapit patungo sa kanya. "Kamusta ang sembreak, Kai- woah, looking fresh ka sa haircut mo, a!" Napansin n'ya pala. Nagpagupit na kasi ako kahapon since medyo makapal na buhok ko. "Pero mas cool ang una mong hairstyle, mukha kang k-pop idol," napailing na lang ako. Ito na naman s'ya sa pagiging k-pop addict n'ya.

Nagsidatingan pa ang ibang mga studyante, bakit ba kasi ang tagal ng susundo sa 'ming eroplano? Sa buong oras naming nakatayo ay halos maburyo ako sa pinagk-kwento ni Theodore tungkol sa iniidolo n'yang taga-south korea. Ganto pala talaga s'ya kadaldal. As if may pake ako sa mga kinu-kwento n'ya.

"Alam mo 'ba-? Oy, guys!" Napalingon ako sa kinakawayan n'ya. There I saw them entering the entrance. And our eyes met. Bigla akong kinabahan at nag-iwas ng tingin. It's been days since that moment happened.

"'Yo, Kairo! Yo, Theodore!" Bati nila sa amin. Doon ko lang napagtanto na close pala kay Theodore. Akala ko masyadong feeling close lang 'tong dormmate ko. As usual, bagong gupit kong buhok ang una nilang napansin sa 'kin.

"Ang gwapo mo lalo!"

"Oo nga! I'm sure kukuyugin ka na naman sa academy!"

"Nag-ready talaga para sa comeback n'ya sa academy!" With that, they all laughed. Habang nagtatawanan, pasimple ko s'yang tinapunan ng tingin. Nakikitawa pero alam kong naiilang s'ya sa akin. I unconsciously clenched my fist. It was my fault at the first place.

Nagustuhan n'ya kaya ang buhok ko?

Wait, what did I just say?

Something's wrong with me.

Dahil mas dumami kami, mas naging maingay ang buong paligid. Nagkakamustahan kung kumusta ang saglit nilang bakasyon, anong ganap sa kanila at kung ano-ano pa.

Malalim akong bumuntong-hininga. For sure, pagbalik na pagbalik ko sa academy, training agad ang sasalubong sa akin. The ph racing cup is coming kaya kailangan ko pang ipag-ibayuhin ang pag-eensayo...

So that, I could able to crush him.

Darwin Dalton. Wait for me.

"Si Xross 'yon 'di ba?" Bulalas ni Emerald sabay turo sa pumasok. Doo'y pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Si Xross Zeynard. 'Buti ay pinayagan pa s'yang pumasok sa academy. Wala na kasi akong balita sa kanya pagkatapos ng karerang 'yon. Ang huling narinig ko lang tungkol sa kanya ay 'yong kamuntik n'ya ng bugbugin sa mentor n'ya. Tch, sponsored lang naman s'ya ng city mayor. You see, our great mayor is too rich- daig pa ang presidente.

Sinamaan n'ya ako ng tingin ng magkita kami, sinalubong ko naman 'yon ng walang kaemo-emoston kong mata.

After a while, our plane came, finally. Akala ko ay mamanhid na ang paa ko kakatayo. Kinuha ko ang maleta ko at agad sumunod sa mga studyanteng papasok sa entrada ng eroplano.

Mababakas sa mukha ng bawat isa ang excitement sa muli naming pagbabalik. Panigurado, bagong mga pagsubok ang naghihintay sa amin doon- lalo na sa akin. Challenges that would test our abilities. Pagsubok na susubok sa amin sa daang tinatahak namin.

But hell I care, kahit anong pagsubok pa 'yan. Handa ko 'yon lagpas para sa pangarap. Wait and you'll see how I soar high inside the racing field.

A smile formed at my lips, I'm getting hyped and thrilled. Hindi na ako makapaghintay na makarating sa paaralang magiging daan ko sa aking tagumpay.

I'm going to crush 'em all!

FUEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon