THIRD PERSON
"GO!"
On cue, sabay-sabay silang humarurot papalayo. 'Sing bilis sila ng kidlat at halos gumuhit na sa kalsada. Umpisa pa lang, wala ng gusto magpatalo.
"Go, guys! Go!"
"For 2 million!" Sigawan ng mga manonood. Para sa kanila, ito na ang pinakamatinding drag racing sa buong siyudad.
Samantala, sakay ng isang aston martin vanquish, Kairo seemed calm while driving. Tila hindi alintana ang apat n'yang kalaban na pilit na nag-uunahan. Kampante s'yang s'ya ang mauuna sa finishline. A smirk plastered on his lips when he thought about that idea.
2 million pesos is definitely mine...
"Show map," with voice command, the map appeared on the smartphone-like device. Mahaba-haba ang iikutan n'yang ruta papuntang finishline. Good thing, malawak ang kalsada at tanging sila lang ang nandoon. The motherfucker has strong connection to close the road for this race, bulong n'ya sa sarili. Paano kasi, maski ang kahabaan ng National Road ay napasara para sa karera. It doesn't matter, anyway, he told himself. Ang importante sa ngayon ay manalo.
Gamit ang kaliwang kamay, hinawakan n'ya ang manubela, and his right hand in the gearstick. "Let's get started!" He stepped on the gas pedal, making his car flee faster.
"What the?" Gulat na utas ni Arjay —one of the five racers— nang malagpasan s'ya ng isang silver audi TT. "Anak ng butiki! Akin ang 2 milyon!" Asik n'ya saka mas pinabulusok ang sasakyan n'ya para mahabol ang sasakyan.
"Huh?" Utas ni Gabriel — the driver of silver audi TT — nang nadako ang tingin n'ya sa side mirror at nakita ang humaharurot na sasakyan ni Arjay. "Trying to surpass me, eh?" Binalik n'ya ang tingin sa kalsada. "As if you can," nang-uuyam n'yang bulong at mas binilisan ang pagmamaneho.
He made a smooth drift ng U-turn na ang daan. He whistled when he made it without wasting any sweat. Nang sumilip s'ya sa side mirror, nakasunod na sa kanya ang apat.
Jackpot kapag napanalo ko 'tong karera, he thought. With that he smirked, kaya hindi ko 'to pwede sayangin—
"Putangina?!" Malutong n'yang mura ng isang iglap, isang BMW 228i ang biglang sumulpot sa kanan n'ya. Sobrang lapit no'n sa sasakyan n'ya kaya natangay pati ang side mirror n'ya. Malutong s'yang napamura. "Bwisit! Ang maha-mahal nito sisirain mo lang—!" Hindi n'ya natuloy ang sasabihin ng isang mabilis na sasakyan ang bumangga sa likuran n'ya. Agad itong nawalan ng kontrol at nagpaikot-ikot sa kalsada.
"Buti nga," natatawang bulalas ni Arjay. "Ngayon, kailangan ko na lang unahan ang BMW 228i na 'yon." And he flee faster than before.
But before he could reach the leading car, a cadillac CT6-V bashed the back of his car. "Anak ng?!" Sumilip s'ya sa side mirror, there he saw the car with the driver grinning at him. Nagngingitngit ang ngipin n'yang binalik ang atensyon sa pagmamaneho.
'Tanginamo, brutalan pala ang nais mo ha!
Saglit n'yang minaniobra ang sasakyan para umatras at marahas na banggain ang sasakyan sa likod n'ya. Puta ka, 'yan bagay sa'yo! Sunod-sunod n'yang binangga ang sasakyang cadillac, hindi 'rin nagpatalo ang driver nito hanggang sa kapwa na sila nagbubungguan.
Patuloy pa 'ring nagpapaikot-ikot sa kalsada ang silver audi TT. Samantala, ang natitirang sasakyan sa likuran nila ay nilagpasan lang sila.
"Nagkakainitan na nga 'yong driver ng cadillac at ford," komento ng isa sa mga nanonood ng karera. Napapanood nila ang karera through a big screen na nandito sa plaza. Napapanood ng live ang karera dahil sa mga nakakalat na camera drone sa nagsisilbing racing field.
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
ActionStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...