THIRD PERSON
"Babalik na ako sa room," paalam ni Kairo at umalis. Nagkatinginan ang apat na naiwan pang kumakain. Nagkibit-balikat na lamang si Jerson.
"Ang iingay n'yo kasi e!" Asik ni James. Nagsisihan pa sila ni Paul at VJ kaya sa inis ni Jerson ay naihampas n'ya ang palad sa mesa. Natigil ang tatlo sa pagtatalo.
"Ang iingay n'yo! Para kayong mga manok!" Inis nitong sabi at binalik ang atensyon sa pagkain. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung paano sila tuturinging kaibigan ni Kai. Oo nga't madalas nilang kasama ang binata pero hindi pa rin magkalapit ang loob ni Kairo sa apat.
Habang kumakain, aksidente napadpad ang tingin ni VJ sa may pintuan ng Lunch Hall. Laging gulat n'ya ng makita doon si Kairo na kausap ang bagong salta sa school.
"Guys, close pala 'yong bagong transferee at si Kai?" Naisabi nito habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Huh? Saan?" Takhang tanong ni James.
"Ayun, o!" Bulalas nito sabay turo kay Xross at Kairo na noo'y nagtatagisan ng titig. Animo'y may kuryente namamagitan sa kanila.
"Parang nag-aaway," komento ni VJ.
Nilingon din ito Jerson.
Nagulat din s'ya sa nakita. Kausap nga ni Kairo ang transferee.
Inisip na lamang ng binata na magkakilala ang dalawa bago sila mapunta sa raceworth.
KAIRO ROSALES
"Good day, students!" Bungad sa amin ni Winston. Lumapit s'ya gitna ng may ngiti sa labi. Parang asong nakangisi.
Tsk.
"Alam kong alam n'yo na ito, but let me remind each of one again: Raceworth academy is conducting a elimination round... blah blah blah," sa sobrang haba ng sinabi n'ya, wala ako mi-isang naintindihan.
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
ActionStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...