THIRD PERSON
"Grabe naman 'yong Daren na 'yon!"
"Oo nga, hindi marunong tumanggap ng pagkatalo! What an idiot!"
"Ikaw 'din naman kasi, bro. Ba't hinayaan mo lang? Da't sinapak mo 'rin ng matauhan!"
Kairo mentally rolled his eyes. Kanina n'ya pa gusto magpahinga kaso nga lang nandito ang mga kaklase n'ya. Ang iingay . . .
"Here, let me clean your bruises and cuts," Emerald volunteered but Kairo insisted. "Ako na lang," sabay agaw nito sa medkit na hawak ng dalaga.
"I think you guys can now go home," he said. "Gabi na, baka hinahanap na kayo ng mga magulang n'yo."
"And what, leave you in that state? No way!" James grimaced. Mababakas sa mukha nila ang pag-aalala. Somehow, it made him flutter. For him, this was the first that someone's concern on him, except on his auntie's family.
"Ayos lang talaga ako," mahinahon n'yang giit. Actually, these bruises and cuts were nothing for him. Mas malala pa ang mga nararanasan n'ya sa drag racing noon. "Sugat at pasa lang 'to. Hindi nakamamatay. So you should go home now."
"Walang uuwi!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kasama n'ya. He secretly frowned. Bahala nga sila. Tch.
"Bahala kayo," he forfeited with a sigh. Masasayang lang ang laway n'ya kapag pinilit n'ya pang pauwiin ang mga 'to. Nang marinig 'yon ng mga kasama n'ya ay halos magtatalon ito sa tuwa.
"Yosh! Sleep over sa bahay ni Kairo!"
What?! Dito 'rin sila matutulog? Muli na naman s'yang bumuntong-hininga. Bahala na talaga sila . . .
Kinalkal n'ya ang medkit at mag-isang nilinis ang pasa at sugat n'ya sa mukha. 'Buti na lang at hindi s'ya masyadong napuruhan sa kamao ni Daren. Ayos lang, at least nasa akin pa 'rin ang dalawang milyon.
"Kai, you sure you don't need our help?" Nag-aalalang tanong ni Eunice. Napapangiwi ito tuwing nakikita ang pasa at sugat sa mukha ng binata. He nodded, nonchalantly. "Hindi naman baldado ang buo kong katawan."
"Okay, sabi mo e.'"
"Anyways, Kairo," singit ni Monalyn. "Ano gagawin mo sa napanaluhan mo? Masyadong malaking halaga ang 2 million."
It made him think. Kanina sa karera, ang nasa isip n'ya lang ay makuha ang premyo. Pero ngayong nakuha n'ya na, hindi n'ya na alam.
"Maybe will spend it for some stuffs," hindi n'ya siguradong sagot. O baka ibigay na lang kila Tita.
"Woah!" Halos kuminang ang mata ng kambal na Balagtas habang tinitignan ang mga nakalagay sa loob ng isang cabinet. "Hot wheels collection! Cool!" Tuwang-tuwang bulalas ni Jerson.
"Sana all binibilhan ng hot wheels!" Mangiyak-ngiyak na ani ni Paul. "Si Mommy kasi ayaw e!"
"Nagbabasa ka pala ng mga novel books?" Biglang tanong ni Beatrice habang pinagmamasdan ang shelf na puno ng mga libro. Binabasa n'ya ang mga librong ito t'wing walang ginagawa.
Nagsimulang halughugin ng mga bisita n'ya ang bawat sulok ng bahay n'ya. Akala mo'y pumasok sila sa isang art museum at lahat ng makikita nila ay gawa ng isang artist.
Maliban sa isa . . .
Nakaupo lang s'ya sa may sofa. Secretly glaring on him. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang pinagmamasdan n'ya ang binata na linisin ang pasa at sugat n'ya. Gusto n'ya tuloy lapitan ito para tulungan.
"Hoy!"
"Ay tinola!" Gulat n'yang sigaw ng biglang may tumawag si kanya. Nang lingunin n'ya, si Eunice pala ito. "D'yos ko na naman, Eunice! Mapapatay mo ako sa gulat!"
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
ActionStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...