Today's my first day as a student here in Raceworth Academy.
The day which my journey had started. Maaga akong gumising para maghanda. Pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot ang school uniform ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako tungo sa Dining Hall para doon mag-almusal. Isa na talaga sa patakaran ng R.A na dapat sabay-sabay kumain ang mga studyante sa Dining Hall.
Marami na namang pagkaing naka-handa pagdating ko roon. Nagkalat pa ang mga studyanteng nag-aalmusal.
I just took an egg and fried rice as my breakfast.
"Dapat matuto kang makihalu-bilo sa mga studyante dito sa RA," pasimple kong inikot ang aking mga mata.
Makipaghalu-bilo?
Wala ata sa bokabularyo ko 'yon. Pinagpatuloy ko ang pagsubo ko ng pagkain.
"By the way, anong section ang papasukan ko?" Tanong ko sa kanya.
"Section C-1," tugon ni Coach Winston.
Tumango na lang ako.
"Hindi na kita maihahatid kasi may gagawin pa ako, uutusan ko na lang si Chelsea na dalhin ka sa room mo," wika niya pa.
Ano namang gagawin niya?
Hindi ko na lang 'yon inintindi at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos ng lahat kumain ay sumakay kami sa mga yateng maghahatid sa'min sa school. Limang minuto lang ang ginugol ng aming biyahe bago makarating sa kabilang isla.
Pagkababa ko ng yate, agad akong pumasok ng school. Hindi na ako nagpagod hanapin si Chelsea dahil siya na ang mismong naghintay sa akin.
"Kanina pa kita hinihintay," bungad niya ng makita ako.
"Tara na, malapit ng magsimula ang inyong klase," utas niya saka nanguna sa aking maglakad.
"Okay," tipid kong sagot saka nakapamulsang sumunod sa kanya. Pumasok kami sa elevator na patungong 3rd floor.
Ding!
The door opened at unang lumabas si Chelsea. "Follow me." Umiiling akong lumabas at sumunod sa kanya.
Makapag-utos din 'tong robot na 'to, ah?
"Tanggalan kaya kita ng baterya."
"Sorry but we, androids, use solar energy to generate," bigla niyang sabi.
Agad na nakunot ang noo ko.
"Paanong -" nilingon ako ng robot.
"You said it so loud," then she continue walking.
Okay, I don't care.
Hindi ko binigyang pansin ang mga nagbubulungang studyante dito sa hallway at sumunod lang kay Chelsea. Pero deep inside, gusto ko silang balikan at bigyan ng tig-iisang sapak.
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
AksiyonStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...