KAIRO ROSALES
Walang kwenta 'rin pala ang pagpunta namin doon kanina. Physical activities lang ang pinagawa sa amin ni Coach Winston.
Akala ko nga magagalaw ko na 'yong stimulation machine.
Kainis.
Nasa Lunch Hall ako ngayon kasama ang apat kong kaklase na lalaki: James, Jerson, Paul at VJ. Actually, ayoko silang kasabay kumain, I prefer to eat alone.
Kaso, I had no choice, pilit silang sumusunod sa akin.
Just don't interrupt me.
What was the last time na kumain ako na may kasama bukod sa parents ko at kala Tito't Tita?
Walang gano'ng pangyayari sa 19 years ng existence ko dito sa mundo.
Kahit sa school, mag-isa lang akong kumakain sa ilalim ng puno ng mangga.
"Grabe kanina si Sam 'no? Ngayon ko lang talaga siya nakita na nagwala ng todo. Galing mo do'n, Kairo ha!" Pagbubukas ni VJ ng usapan.
Natawa naman ang iba naming kasama.
"Oo nga. Akalain mo 'yon, may pagka-dragona pala ang class president natin! She was usually calm, you got her so good!" Naiiling na komento ni James sabay inom ng tubig.
"Pero, teka. Ano ba talagang nangyari, Kairo? Ang alam ko, aksidente mo lang siyang nabunggo tapos natapon yung kinakain niya?" Curious na tanong ni Jerson.
"Ano ka ba, kambal? Guluhin mo na sa lahat ng bagay si Sam, 'wag lang sa pinakamamahal niyang pagkain," tugon ng kambal niyang si Paul. Ah, kaya pala.
'Mahal na mahal' niya ang pagkain.
Halata naman.
Obsess na nga ata.
"Oo nga," pagsang-ayon ni VJ.
"Pero, ano 'yung sinasabi niyang kahapon ka pa, Kairo?" Muling tanong ni James.
Prente lang akong kumakain,
"Tinawag ko siyang patay-gutom." Muli akong sumandok ng pagkain at sinubo.
"A-ANO?!" Sabay-sabay na gulat nilang apat.
"Totoo ba 'yon, Kairo?" Tanong ni VJ. Kaswal akong tumango habang pinupunasan ang bibig ko.
"Whoa!" Manghang-mangha nilang utas.
"Wala pa kahit isang nagsabi no'n kay Sam," saad ni Paul.
"Grabe ka talaga, Kairo. Ang lakas mo," wika ni Jerson.
"Una na ako," mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng Lunch Hall. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang 3rd floor.
Pagkatapos kasi nitong lunch break ay magsisimula na ang afternoon class namin, at ayaw ko ma-late.
BINABASA MO ANG
FUEL | Completed
ActionStand alone | completed language: filipino - english. A young aspiring racer has to face different obstacles on the road before he reach the finish line. *** Kairo Rosales knows that he is the king of the road- battling against the speed of light r...