Lap 28

34 8 2
                                    

KAIRO ROSALES

Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari. Ang natatandaan ko lang ay ang makukulay na fire display sa kalangitan, ang maiingay na sigawan ng mga manonood at ang pag-anunsyo sa pagkapanalo ko. It felt like everything were surreal.

For now, ang mahalaga sa akin ay ang pagkapanalo ko. Ito na ang umpisa ng karera ko... at marami pang susunod.

"CHEERS FOR THE FINAL ROUND WINNER!" Nabalik ako sa wisyo ng sumigaw si Winston sabay angat ng wine glass n'ya. Tinaas 'rin ng iba ang kanilang wineglass- ang iba ay juice ang laman- at saka nagsigawan ng, 'cheers.' Maski ako ay sapilitang ginawa 'yon.

Nandito kami ngayon sa Dining Hall ng campus para i-celebrate ang pagkapanalo ko. May kaliitan lang itong Dining Hall kaya kaunti lang ang mga nandito. Ang pamilya ko, ang section A-1, si Winston at ang pit crew at mga importanteng tao rito sa eskwelahan ang nandito para sa selebrasyon na 'to.

"Congrats, Kairo!" nakangiting bati sa akin nina Tito at Tita. Nginitian ko sila bilang tugon. Si Li'l Josh naman ay lumapit sa akin para batiin ako. "Congwats po, Tito Kaiwo!" mahina akong natawa sa kabululan n'ya. This kid. Ginulo ko ang buhok nito na kinatawa n'ya.

Sunod na bumati sa akin ay ang mga kaklase ko sa A-1. As usual ay halos ikabingi ko na naman ang ingay nila. Mga mokong talaga.

"Congrats!" sabay-sabay nilang sigaw. Ang iba ay lumapit pa sa akin para makipag-high-five, ang iba naman ay nakipag-fist bump sa'kin.

Napalingon ako kina Tita, I could see their smile. Maybe because nakikita nilang mayroon na akong circles of friends. Simula kasi ng mangyari ang bagay na 'yon, hindi na ako muling nakipag-close sa kahit na sino.

"Hey, Kai!" napalingon ako sa tumawag sa akin. There, I saw him waving at me with his wide smile. Si Theodore. Kasama n'ya si Xandra na nakapatong sa balikat n'ya.

"Congrats, dormmate hehe! Napanood kita kanina, ang galing mo pala!" wika n'ya ng makalapit sa akin. Umikot-ikot naman 'yong asong-robot n'ya sa'kin.

"Wah!" lumapit si Li'l Josh kay Xandra. Mukhang amaze na amaze s'ya ng makita ang asong-robot. "Ang cool! Wobot-dog!"

Xandra barked at him making him more amazed. Well, sino ba namang hindi mamamangha sa imbensyon ni Theodore. "Xandra can play with you if you want," Theodore told him. Mas lalo pa itong natuwa, kinuha n'ya ang aso at dinala sa sulok para maglaro. Kahit kailan talaga ang batang 'to.

"Woah, nice meeting you, Theodore Madrigal," sambit ni Paul. Nginitian s'ya ni Theodore bilang tugon. Ah, oo nga pala. Kilala n'ya ito dahil sa anak s'ya ng may-ari ng Cheetah automaker.

Nasa kalagitnaan kami ng pagku-kwentuhan ng may tumawag ulit sa akin. Akala ko kung sino na naman magko-congratulate sa akin- pero si Winston pala. Pagewang-gewang itong naglakad patungo sa'kin. Napailing na lamang ako. Must be drunk.

"Kiddo," inakbayan ako nito ng makalapit. Geez. I could smell beer on his mouth. Nag-iinuman kasi sila ng buong pit crew sa kabilang table. Inaaya pa nga nila ako but I refused. I hate the taste of beer.

"Coach!" wika ng mga kaklase ko. They also congratulated him. Well, kahit na kung ano-anong pinagsasabi n'ya during race- it helped me to win the race.

"Winston, you're drunk," tinangka ko pang alisin ang pagkakaakbay n'ya pero binabalik n'ya ulit. Tsk.

"No, I'm not," yeah, motherfucker. Lie to me. Amoy na amoy alak ka nga. Muli na naman itong nagsalita, "Alam mo ba? Naalala ko sa'yo kanina kung paano akong naging race mentor ng ama mo. It was a pleasure to mentor his son..."

FUEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon