Chapter 2

2.1K 40 1
                                    

Valeen's POV

"Doc, may naghahanap po sayo sa baba" sulpot ng nurse.

"Ha? Eh sino daw?" tanong ko tsaka inayos ang mga gamit at bag ko.

"Susundo daw po sa inyo doc" sagot nito tsaka umalis, tumango na lamang ako tsaka inayos ang sarili ko't nagtungo sa parking lot.

"Maam" tawag sakin ng hindi ko kilala. Napakunot na lamang ako ng noo nang mapansing sa akin palapit.

"Maam Valeen?" tanong nito sa akin, agad naman akong napatango habang nagtataka.

"Maam pinapasundo ka po ni boss Erroze" usad nito na ikinataas ng kilay ko. Napangisi na lang ako tsaka ito inirapan.

"May sundo ako, actually iyan na siya oh" asik ko sabay turo sa kotseng susundo sa akin.

"Eh maam malalagot po kami kay boss kapag hindi ka sumama" nag-aalalang saad nito sa akin.

Alam ko ang pag-uugali ni Erroze, maiksi lamang ang pasensiya nito at dimo gugustuhing magalit at para sa akin wala akong pakialam. Kung gusto niya akong patayin go lang, huwag lang akong makasal sa kagaya niya.

"Kuya, pakisabi diyan sa boss mo wala akong pakialam" asik ko. Bigla namang sumulpot ang isang lalaki na mukhang kasamahan nito tsaka bumulong sa lalaking kausap ko.

"Manong tara na" anyaya ko sa driver ko nang bigla akong hawakan sa braso ng lalaking kausap ko kanina.

"Anong ginagawa mo? Nasasaktan ako!" sigaw ko nang hawakan ng dalawang lalaki ang magkabilaang braso ko.

"Maam pasensiya na pero ito ang utos ni boss" usad ng lalaking may hawak sa braso ko.

"Nababaliw na ba kayo?! Ayokong sumama sabi eh! Bitawan niyo nga ako!" nagpupumiglas ako pero masyado silang malakas kaya wala din akong nagawa nang tuluyan akong ipasok sa van.

"Alam mo doc, hindi ka naman namin sasaktan kaya kung ako sayo sumama kana dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ni boss sayo kapag nagalit yon" inirapan ko na lang ang driver na nagsasalita tsaka tumahimik.

Humanda-handa talaga sa akin ang Erroze na yon pagdating ko doon! Akala niya matatakot ako sakanya? Oh ano papatayin niya ako dahil hindi ako kikilabutan sa kanya? Edi go! Patayin niya ako!

Kaisa naman maging magulo ang nananahimik kong mundo dahil sa letcheng kasal na yan! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaisa ang mawala ang nag-iisang kaibigan ko.

"Nandito na tayo" driver.

Agad kong inayos ang bag ko tsaka huminga ng malalim, kapag aawayin ko ito malamang huling araw ko na ito.

"Nasaan ang Erroze na yon, mag-uusap kami!" asik ko tsaka lumabas ng van tsaka nagtungo sa kung saan ko unang nakita.

"Doc, daanan po iyan papunta sa mga matatapang na alagang aso ni boss." agad akong napatigil sa paglalakad at mabilis na bumalik sa kanila.

"Dapat kay boss ka natatakot doc, hindi sa aso" usad ng isang lalaki sa likuran ko habang naglalakad. Agad naman silang nagtawanan.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon