Chapter 8

1.7K 38 3
                                        

Valeen's POV

Masaya kaming nagsasalo-salong kumain nang biglang mag ring ang cellphone ni Erroze, nang tignan niya ito'y hindi ko sinasadyang makita kung sino ang tumatawag.

Si Jaya.

Muli kong naramdaman ang malaking tinik sa puso ko, para ba akong hindi makahinga sa sakit at kirot ng aking puso. Gusto kong sabihin kay Erroze na nagseselos ako pero paano? Hindi ako ang mahal niy at mas lalong wala akong karapatan.

"Babe" bungad ni Jaya mula sa kabilang linya, makikita pa ang ngiti at saya ni Jaya habang nakikita nila ang isa't isa sa pamamagitan ng video call.

"Babe, musta?" tanong ni Erroze.

Ayoko silang pakinggan pakiusap sana lamunin na ako ng lupang kina tatayuan ko ngayon. Ayoko nito. Nasasaktan ako.

"Okay lang naman mahal ko, oh nasaan ka? Nasa restaurant kaba?" tanong ni Jaya.

"Valeen, pasyal tayo?" sulpot ni Kevin sabay lahad ng kanyang kamay.

Agad naman napatayo si Renzo at matalim na nakatingin kay Kevin.

"Valeen? Nandiyan ba si Valeen?" nagtatakang tanong ni Jaya. Mukhang narinig ata niya ang pagtawag sa akin ni Kevin.

Kinakabahan akong napatingin kay Erroze, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nalaman ni Jaya na magkasama kami.

"Wala babe. Kapangalan niya lang yon, huwag mo nang pansinin" pagsisinungaling ni Erroze.

"Tara?" muling tanong ni Kevin.

Muli akong tumingin kay Erroze na masamang nakatingin kay Kevin, ganon na din si Renzo kay Kevin. Bumaling ako sa kamay na nakalahad sa harap ko at para na din makaiwas kay Erroze at Jaya ay inilahad ko ang kamay ko.

Masuyo niya itong hinawakan at tsaka ako inalalayang tumayo tsaka kami naglakad palayo. Naglalakad lang kami dito sa gilid ng tubig nang tawagin ni Renzo ang pangalan ko.

"Valeen!" lumingon ako nang makita siyang patakbong palapit samin.

"Valeen" muli nitong tawag sakin tsaka kinuha ang kamay ko at hinila papuntang likuran niya.

"Ikaw gago ka! Huwag mong pagdidiskartehan si Valeen tarantado ka!" galit na usad nito. Naninibago lang ako sa inaasal ni Renzo ngayon,
"Renzo" suway ko dito ngunit hindi ako pinakinggan,

"Easy ka lang Renzo. Hindi ko naman sasaktan si Valeen e. Tsaka ano mo ba siya? Wala naman diba?" nakangising usad nito, may mali eh. Magkakilala sila?

"Girlfriend ko siya" usad ni Renzo.

"Girlfriend? Haha! Nung una pinakilala siya ni Erroze bilang asawa niya, at ikaw ganon ulit? Napaghahalataan na kayong magkapatid ah" asik nito na ikinataka ko. Alam niyang magkapatid sila?

"Teka nga, magkakilala kayo?" tanong ko ngunit hinila lang ako ni Kevin papuntang likod niya tsaka matamang nakatingin kay Renzo.

"Gago ka pala eh" usad ni Renzo at akmang susuntukin si Kevin nang humarang ako dahilan ng pagkatigil nito.

"Renzo ano bang nangyayari sayo?" malungkot kong tanong. Na-disappoint lang ako dahil akala ko magkaiba sila Renzo at Erroze pero ano ngayon?

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon