Chapter 17

1.5K 38 1
                                        

Valeen's POV

MAAGA akong nagising tsaka nag-ayos ng sarili para makauwi. Baka kasi magising si Erroze na nandito pa ako siguradong hindi ako makakauwi. Nang habang pababa ako ng hagdan nakasalubong ko si Jaya.

Nakaayos ito at mukhang may lakad pero anong ginagawa niya dito? napatigil ako sa pagbaba nang harangan ako nito habang nakangisi.

"So galing ka pala sa kwarto ni Erroze? Hindi ba't hiwalay na kayo?" tanong nito. Napalunok ako tsaka yumuko.

"Ano pabang binabalikan mo dito? Valeen tama na please. Akin na si Erroze bago kayo ikinasal. Nagtiis ako na may kahati sa kanya kasi ang usapan maghihiwalay kayo. Pero ano? tapatin mo nga ako Valeen, mahal mo ba si Erroze?" naluluhang tanong ni Jaya.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, hindi ako makahinga ng husto, hindi ako makagalaw at makaimik dahil iyon ay totoo.

Paano ko ba siya sasagutin ng hindi nasasaktan?

"I-im sorry-" Isang malakas at malutong na sampal ang natanggap ko mula sa mga palad ng kaibigan ko. Oo masakit, pero wala ng mas isasakit pa ang nararamdaman kong kalungkutan sa mga oras na ito.

Yung hindi mo alam kung sinong pipiliin mo sa kanila. Kaibigan ba o siya? Si Jaya ba o ang kumpanya ni dad. Ang hirap ng sitwasyon ko na wala ni isa sa kanila ang kayang umintindi sa nararamdaman ko.

"Lubayan mo si Erroze! naiintindihan  mo?!" usad nito tsaka ako nilagpasan.

Napaupo na lang ako sa hagdan tsaka umiyak ng tahimik. Ilang sandali lang at agad ko naman inayos ang sarili ko tsaka naglakad palabas ng bahay.

Pinigil pa ako ng mga tauhan ni Erroze pero sa huli wala din silang nagawa. Nag makaawa pa silang magstay muna hanggang tulog si Erroze sila daw kasi ang malalagot kapag pinakawalan ako pero mabuti na lamang at tumawag si Renzo kaya nagpasundo ako

Hinatid ako ni Renzo dito sa bahay at dahil hindi pa ako kumain ng agahan nagdecide na lang ako na magpaluto kay manang para makakain kami ni Renzo.

Masaya at masarap kasama si Renzo. Walang oras na hindi ka pinapatawa sa mga simple at corny niyang Jokes. Yung ugali ni Renzo kabaliktaran nang kay Erroze.

Ang pagiging tahimik at seryoso ni Erroze ayon din ang kaingayan at kakulitan ni Renzo.

"A-ahm Valeen. Huwag ka sanang magagalit sa itatanong ko" biglang sambit ni Renzo

"ano yon"

"Kailan ang divorce" seryosong tanong nito. Napatigil ako pero kalaunan ay sumagot din ako.

"Bakit mo naman naitanong yan?" Tanong ko

"G-gusto na kasi kitang ligawan" diretso nitong sagot nito. Napangiti na lang ako ng sapilit kahit alam kong masasaktan ko lang si Renzo.

"Ayaw mo ba na magkaibigan tayo?" tanong ko

"Mas higit sa magkaibigan ang gusto ko Valeen. Sana pumayag ka" sabi nito.

"R-renzo kasi-...k-kasi-"

"Kasi hanggang kaibigan lang tingin mo sakin? Alam ko. Pero mahal kita Valeen. Kaya kong maghintay" saad nito tsaka hinalikan ang likod ng kamay ko.

Napansin ko ang lalaking nakatayo sa may pinto kung saan  halatang kanina pa doon nakatayo. Agad akong nasaktan sa luhang nasa mukha nito.

"Erroze" tawag ko sa kanya nang ngitian niya ako ng mapait tsaka umalis.

"Erroze sandali" tawag ko sa kanya pero pinigilan lang ako ni Renzo.

"Hayaan mo siya" saad nito.

"Renzo hindi pwede-"

"Please" Wala na akong nagawa kundi ang umupo na lang habang pigil ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata.

"g-gusto ko ng magpahinga" sabi ko tsaka nagkulong sa kwarto ko.

Nakaramdam ako ng guilty dahil sa pangyayari kanina. Yung luha sa mga mata at mapait na ngiti ni Erroze bago umalis ng bahay. Ramdam at kita ko ang sakit.

Hindi ko akalaing napakinggan niya lahat ng usapan namin ni Renzo. Wala ba silang lakad ni Jaya? pumunta doon si Jaya eh.

KINABUKASAN palabas ako ng room ng mga pasyente kasama si Claire nang makasalubong si Jaya na tumatakbo na mukhang nag-aalala.

"Doc bakit po?" tanong ni Claire pero hindi lang pinansin ni Jaya kaya napasunod na lang kami ni Claire.

Naabutan namin si Erroze, Renzo at ibang kalalakihan na may naglalakihang sugat at gasgas. Si Renzo at Erroze na matamang nagtititigan ng dumating kami ni Claire.

Agad lumapit si Jaya kay Erroze at ginawan first aid para sa mga sugat ni Erroze. Napatingin ako kay Renzo kaya agad ko naman nilapitan at sinimulang gamutin.

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

"Ouch!" tili ni Renzo na ikinatawa ko.

"Oh ayan, alcohol lang po yan" tawang usad ko sabay dampi ng cotton sa sugat nito.

"Pinapatawa lang kita, mas lalo ka kasing gumaganda kapag masaya ka" ngiting usad nito na ikinakilig ng ilan sa mg kasama namin.

"Ayiieehh!!"

Napalingon ako kay Erroze na sa ibang direksyon nakatingin habang nakayukom ang kamao. Ginagamot naman ni Jaya ang kanyang mga sugat.

"Manahimik ka nakakahiya. Ano ba kasing nangyari? bakit buong angkan na yata ng mga basagulero nandito?" biro ko

"Nah! basagulero talaga? hindi ah. Nagpapakabait ako palagi para sayo" muling banat nito

"Ayieehh" muling tilian ng mga tao

"Ganon ba?" tanong ko sabay diin ng cotton na may alcohol sa sugat nito.

"Arruyy!!" usad nito. Muli akong napatawa. Alcohol lang pala katapat nito eh.

"Erroze!" biglang tawag ni Jaya kay Erroze kaya agad akong napatingin.

Sinipa ni Erroze ang upuan tsaka lumabas ng room kung saan namin ginagamot ang may mga sugat. Sinundan pa nito ni Jaya.

"Ano bang nangyari?" pangiiba ko ng usapan.

"Napaaway si Erroze eh. Hindi ko alam kung bakit hindi lumaban. Ngayon lang ata hindi pumalag yon. Sakto namang napadaan kami nakita namin siya kaya nakisama na din kami sa away. At dahil masyado silang madami at lima lang kami, dehado kami" kwento nito.

hindi na lang ako umimik tsaka tinapos ang panggagamot kay Renzo. Sa kalagayan nila halata ngang si Erroze ang may pinakamalalang sugat at pasa.

Pero bakit siya umalis? Hindi pa siya magaling ah. Hindi pa nagagamot sugat niya.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon