Valeen's POV
TANGHALI na ng magising ako. wala na din si Erroze sa tabi ko, ibinilin na lang ni Erroze kila manang na kailangan niya daw agahan sa pagpasok dahil importante daw ang gagawin nila kaya hindi na daw siya nakapag paalam sa akin.
nalungkot lang ako dahil ito pa lang ang unang pagkakataon na hindi kami sabay gumising ni Erroze. pero okay lang, naiintindihan ko.
Dahil hindi kami sabay kumain, naisip kong sumunod na lang sa office ni Erroze. Pagkaligo ko'y agad akong nagbihis at umalis.
Nagpahatid lang ako sa driver dahil hindi naman ako papayagan ni Erroze mag drive mag-isa.
Nang makarating ako dito sa building. Papuri akong sinalubong ng secretary ni Erroze. Inutusan daw siya ni Erroze na bumili ng kape kaya nagkataon naman na nagkasabay kami.
Nabanggit lang niya na may meeting daw siya kanina-kanina lang natapos. Okay na naman daw kaya hindi naman siguro ako nakakaabala.
"ako na magdadala ng kape ni Erroze" ngiting usad ko. Maingat na iniabot sakin ang kape.
Nang buksan ko ang pinto. Nagulat ako sa nakita ko, si Jaya na nakapatong kay Erroze habang masayang naghahalikan.
dahil sa pagkagulat ay nabitawan ko ang baso dahilan ng pagkagulat nilang pareho nang mapansin ako.
agad tumulo ang mga luha ko dahil sa sakit ng puso ko.
"V-valeen" gulat na tawag sakin ni Erroze. Ngumiti ako ng mapait tsaka tumango ng sige-ituloy-niyo-lang-look tsaka ako lumabas.
"Valeen!" tawag sakin ni Erroze pero hindi ko ito pinansin bagkus ay naglakad ako ng mabilis palayo kung saan nagtaksil ang asawa ko.
pagkapasok ko ng taxi agad akong humagulgol ng tahimik. Nagpahatid ako sa bahay. Dito sa bahay kung saan ako lumaki't nagkaisip.
Ayoko munang umuwi kay Erroze. Kaibigan ko si Jaya pero bakit nagawa niya sakin to? ang sakit sakit ng puso ko. Tumalukbong lang ako ng unan habang dinadama ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko ganon na din ang sunod-sunod na patak ng luha ko.
Hindi naman ako nagkulang hindi ba? Hindi ko naman pinagtaksilan si Erroze bakit niya nagagawa ang mga bagay na to?
Bigla ko na lang naalala si Renzo, gusto ko ng makakausap kaya agad kong inopen ang cellphone ko ngunit 57 missed calls at massages ang bumungad sa akin galing kay Erroze.
Hindi ko ito pinansin tsaka tinawagan si Renzo upang puntahan ako dito. Maliban kasi kay Jaya, si Renzo na lang ang natitirang kinikilala kong tunay kong kaibigan.
"napaka gago talaga ng kapatid ko!" iritang saad ni Renzo ng makwento ko sakanya lahat ng hinanakit ko habang umiiyak.
"Hindi ko kasi alam kung anong bigat ng kasalanan ko kay Jaya para gawin niya sakin to. Naalala ko lahat ng sakit na mga salitang binitawan niya mula sa chat. Nagtaka na lang ako magkaaway na kami" saad ko sabay punas ng luha ko.
"S-so you mean wala kapang kaalam-alam?" takang tanong ni Renzo na mas lalong ikinataka ko.
"a-anong walang alam? a-anong i-ibig mong sabihin?" tanong ko. Agad naman itong napalunok.
"w-wala-"
"Renzo hindi pwedeng wala. Maski si Erroze may hindi sinasabi sa akin. Ano to? wala akong kaalam-alam." Hagulgol ko.
"Valeen kasi-"
"Kasi may amnesia ako? kasi hindi pa ako magaling? Pakiusap gusto kong malaman kung anong problema. Anong kwento bago ako naaksidente" pagpupumilit ko.
Huminga ito ng malalim tsaka nagsimulang mag kwento. Doon ko na lamang nalaman ang lahat. Muli akong napahagulgol.
"k-kasalanan ko" paninisi ko sa sarili ko.
"wala kang kasalanan Valeen. Sumunod ka lang sa utos ng daddy mo. Tsaka gaya ng usapan niyo ni Erroze, divorce na after niya makuha ang mana" kalmadong sabi nito.
Napatigil na lang ako sa narinig ko. Mahal ko na si Erroze kaya paano ko bibitawan ang pinahalagahan at minahal ko ng sobra kahit hindi ko naman ito pagmamay-ari.
"okay lang yan. Nandito lang ako para sayo" Napayakap ako ng mahigpit sakanya habang nakapikit.
Ngayon naiintindihan ko na lahat kung bakit kaaway ako kung ituring ng kaibigan ko.
Itatama ko lahat ng pagkakamali ko. Para na din sa katahimikan ng lahat.
Pagkatapos naming mag-usap ni Renzo nagpaalam na itong umalis. Naiwan muli akong malungkot at nag-iisa.
okay na din ito upang makapag-isip ako ng maayos. Yung galit ko kay Erroze at Jaya ay humupa at bumaling ang paninisi ko sa sarili ko.
NAKATULOG ako dahil siguro sa pagod at kakaiyak. Nagising na lamang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.
Agad akong bumangon at naligo tsaka bumaba ng hagdan nang makita si Erroze na nakaupo sa sala.
"Mahal" tawag nito sa akin ngunit hindi ko pinansin. Dumiretso ako sa kusina at umupo tsaka kinausap si mommy sa laptop.
Agad sumunod si Erroze tsaka ako niyakap sabay halik sa leeg ko ngunit pasimple ko itong itinulak.
"Oh Erroze kamusta? inaalagaan mo ba ng maayos ang anak ko?" masayang tanong ni mommy kay Erroze.
"oo naman po mom. Alagang-alaga si Valeen sa akin. Mahal ko po anak niyo mom" ngitiny sagot nito.
Napatayo na lang ako tsaka kunwaring kumuha ng maiinom para na din makaiwas sa asawa ko.
Ilang sandali lang sila nag-usap nang magpaalam sila sa isa't isa. Pagkatapos ay bumaling sakin si Erroze.
"Valeen. Mahal mali ang nasa isip mo, nagkataom lang na-"
"Nakuha mo na lahat ng mamanahin mo hindi ba?" tanong ko.
"o-oo" utal nitong sagot
"Okay. Magdivorce na tayo" diretsong usad ko na ikinabigla nito.
"Mahal diba napag-usapan na natin ito?"
"oo. Pero nagbago na isip ko, gagawin natin to para sa katahimikan ng lahat. Para sa amin ni Jaya" pigil luha kong sabi sa kanya.
"Valeen alam mo namang mahal kita di-"
"tama na pakiusap. Bukas na bukas din ipapadala ko na mga kakailanganin mong pirmahan sa paghihiwalay natin" ngiting usad ko. Kita ko ang sandaling pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.
"Hindi tayo maghihiwalay" saad nito
"Ayoko ng gulo Erroze. Mahalaga ang pagkakaibigan namin ni Jaya, kapag magdidivorce tayo tatahimik na lahat"
"Mas mahalaga pa sayo si Jaya kaysa saking asawa mo?" Galit nitong tanong
"Umalis kana. Ayaw na kitang makita" sabi ko tsaka mabilis na umakyat ng hagdan at humagulgol sa kwarto ko
