Chapter 30

1.7K 40 2
                                    


Valeen's POV

MATAPOS ang usapang hindi ko inaasahan ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung masasaktan ba ako o magiging masaya.

"Okay ka lang?" tanong ni Erroze sakin habang nakaunan sa hita ko't nakahiga dito sa sofa. Hinahaplos ko lang ang buhok nito habang tulala.

"O-oo naman" pagsisinungaling ko. Huminga ito ng malalim tsaka pumikit. Alam kong hindi ito naniniwala sa sagot ko pero sana naman huwag na itong mangulit.

"Hindi ka daw kumain kaninang umaga" pangiiba nito ng usapan. Mabuti naman kung ganon.

"Wala akong gana eh" sagot ko. Ewan ko ba, paggising ko kaninang umaga feeling ko wala akong gustong gawin kundi ang matulog maghapon pero hindi ako pwedeng umabsent dahil madami akong pasyenteng nangangailangan sa akin.

"May dala akong pagkain diyan" sabi nito tsaka bumangon at kinuha ang lunch box sa lamesa katabi ang bulaklak.

Napangiti na lang ako sa kasweetan ng lalaking to. Ngayon ko lang din napansin na may dala pala siya.

"Kain kana" sabi nito tsaka binuksan ang lunch box tsaka inayos at ibinigay sakin.

"Next time ayoko ng hindi ka kumakain lalo na sa umaga" sabi nito. Tumango na lang ako tsaka akmang susubo ng pagkain nang biglang sumama ang sikmura ko sa amoy ng ulam.

"Ang baho. Panis ba to?" tanong ko. Napataas ito ng kilay tsaka nagsalita.

"Tingin mo papakainin kita ng panis mahal ko?" Nga naman. Pero bakit ganito? Napaka baho.

"Ang baho, ayoko niyan. Kain nalang tayo sa canteen" sabi ko.

"Hmm. Ayoko sa canteen, McDo na lang tayo" usad nito tsaka inayos ang pagkain tsaka kami sabay lumabas.

Pagdating namin dito sa McDo agad kaming naghanap ng mauupuan. Naglakad papuntang counter si Erroze tsaka umorder.

Nanatili lang akong nakaupo at naagaw naman ng pansin ko ang batang naglalaro tsaka napunta sa may tabi ko.

"Kain na" sulpot ni Erroze hawak ang makakain namin.

Agad ko itong kinain dahil gutom na gutom na ako. Hindi lang ako nagsasalita at tahimik na kumakain. Alam kong pinagmamasdan lang ako ni Erroze pero hinayaan ko na lang.

"Gutom kana talaga no?" salita nito.

"Sa bahay ka uuwi mamaya ah" sabi nito. Napatingin ako sa kanya pero tumaas lang ang kilay nito.

"Dapat nga magkasama tayo sa iisang bahay tapos ikaw naman tong sa ibang bubong nakatira" saad nito.

"Sorry na. Pwede ka naman sa bahay ko na lang matulog" sabi ko tsaka uminom ng juice.

"Hmmm. Ayaw mo ba sa bahay?" tanong nito sakin.

Ang totoo niyan ayaw ko talaga sa bahay niya dahil makikita ko lang doon ang mga litrato nila ni Jaya nung panahong masaya pa sila.

Madami ding nangyaring hindi maganda don. Kaya kung pwede lang ayoko na talagang tumira doon.

"Hayy. Sige, ibebenta ko na lang ang bahay na yon at bibili ng iba para sa atin. Naiintindihan kita dahil pati ako mismo ayoko na din doon" sabi nito.

Napangiti ako tsaka humawak sa kamay nito. Ngumiti ito pabalik habang nakatitig sa akin. Iniangat nito ang kamay ko tsaka hinalikan.

Napaka swerte ko sa lalaking to.

"Busog kana?" ngiting tanong nito.

"Yep. Thank you mahal ko" sabi ko pero bigla na lang ako nitong hinalikan sa labi.

"Ano kaba, madaming tao" sabi ko tsaka kinuha ang bag ko't tumayo.

"Okay nga yon eh. Nang makita nilang may nagmamay-ari na sayo" sagot nito.

UMUWI lang kaming bahay ko at dito na din siya natulog. Nagpahatid lang siya ng masusuot niya since nirequest ko naman na dito na siya tumira.

Nagpahanap na din siya ng taong bibili ng lupa't bahay niya at babayaran na nila by next week.

Ang bilis lang dahil madami talagang gustong bumili sa bahay na iyan. Sa laki't ganda ba naman kahit sino'y mangangarap tumira dun.

Pagkagising ko wala na si Erroze sa tabi ko. Siguro nasa baba na naman yon nagluluto. Iyan ang palagi niyang ginagawa kaya sigurado akong nasa kusina ngayon yon.

Ngayong paggising ko kagaya kahapon feeling ko wala na naman ako sa mood sa lahat. Gising na ako pero heto nakahiga parin

Parang ambigat ng katawan ko. Bumukas ang pinto tsaka pumasok si Erroze dala ang pagkain ko. Napataas ako ng kilay habang nakangiti.

"Anong Meron?" ngiting tanong ko

"Wala, gusto ko lang pagsilbihan asawa ko" sagot nito.

"Ahhh" tanging sagot ko habang tumatango.

"Mahal ko" tawag sakin ni Erroze habang abala ako sa pagkain.

"hmmm?" baling ko sa kanya. Nakatingin ito sa katawan ko. Ano na naman plano nito?

"Nangangayayat ka. May sakit kaba?" tanong nito sakin.

napatingin naman ako sa mga kamay at paa ko. Parang hindi naman ah.

"Ha? wala akong sakit. Tsaka siguro dahil sa problema kaya ako nagkakaganito." tanging sagot ko.

Tumango ito tsaka ako hinalikan sa gilid ng labi.

"Sarap" sabi nito sabay nguya habang nakangiti.

"Sarap alin?" tanong ko

"Gusto mo alamin kung saan banda ang masarap?" ngising tanong nito. Napalunok ako nang tignan niya ako sa dibdib pababa ng bewang ko kung saan naka suot ako ng maiksing short at manipis na sando.

"Erroze ano na naman yan" sabi ko nang halikan niya ako sa balikat pababa ng braso ko pataas sa leeg at tenga ko.

"Ipapakita ko lang kung saan ang masarap" mahina at malambing na sagot nito.

"Erroze may pasok pa ako" sabi ko tsaka tumawa.

"Psh" sagot nito tsaka bumitaw ng halik.

Napahagikgik ako tsaka inayos ang kinakain ko tsaka mabilis na hinalikan si Erroze. Humawak ito sa bewang ko tsaka ito humiga.

Wala na, late na talaga ako.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon