Chapter 15

1.6K 40 4
                                    


Valeen's POV

PAGKATAPOS kong ipahatid ang papers na kailangang pirmahan ni Erroze ay may importante lang akong inasikaso para sa pagsunod ko kila mom at dad.

Magpapakalayo ako para dina makagulo at para na din makaiwas kay Erroze. Wala na akong magagawa kung hindi pipirmahan ni Erroze yun ang importante magpapakalayo-layo ako.

Pagkauwi ko ng bahay ay si Erroze agad ang bumungad sa akin. Galit ito habang nagkalat ang punit na papel sa kama ko.

"Nahihibang kana Valeen" mahina ngunit madiin nitong usad sa akin.

"hindi ako nahihibang Erroze. Ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tama-"

"tama? tama bang iwan moko? hiwalayan para sa nararamdaman ng ibang tao? Inisip mo ba mararamdaman ko kapag iniwan mo ako?" Napatulo na lang ang luha ko tsaka muling tumingin sa punit punit na papel sa kama ko

"Kaibigan ko si Jaya-"

"Tangina asawa moko!" doon ay nasilayan ko ang luha mula sa mata ni Erroze. Gusto kong yakapin ngunit hindi ko magawa. kailangan naming maghiwalay para ikakabuti ng lahat.

"Intindihin mo naman ako" hagulgol ko tsaka napaluhod sa harap nito.

Napapikit na lang ako ng malakas na suntukin ni Erroze ang pader tsaka umalis ngunit muling nagsalita.

"akin ka parin Valeen. Hindi ka aalis at mas lalong hindi mo ako iiwan" sambit nito tsaka lumabas.

DALAWANG araw na nang huli kaming mag-usap ni Erroze. Si Renzo lang ang palagi kong kasama at dahil maayos na din ako nagdesisyon akong bumalik muli sa pagtratrabaho.

Heto ako ngayon hinihintay si Renzo na susundo sakin. Nagprisinta kasing siya na daw maghahatid sundo sakin kaya pumayag na din ako.

nang mahatid ako ay mula sa parking lot hanggang sa loob ay sari saring pagbati at pangangamusta ang sumalubong sa akin mula sa mga nurse at doctor.

"good morning doc" bati ng nurse sa akin.

"magandang umaga. Kamusta?" tanong ko tsaka ibinaba ang bag sa mesa ko.

"maayos naman po doc. Ahm doc, alam mo na ba yung balita?"

"balita? balita alin?"

"may bagong doktora daw po na maa-asign dito mismo. Ayon sa sabi-sabi galing ibang bansa daw po kaya sigurado akong magaling na doctor yon. Tsaka maganda at sexy pa daw" kwento nito sakin.

"Oh? magandang balita yan. Mabuti naman at dito siya na asign" ngiting sagot ko

"suss alam mo doc. wala paring makakapantay sa ganda at galing mo" napatawa na lang ako

"ikaw talaga kahit kailangan bulera. Oh siya may pasyente pa akong naghihintay sa operating room. Maiwan na kita diyan" paalam ko.

Maayos ko namang nagawa ang trabaho ko tsaka dumiretso na sa office ko nang makasalubong ko si Jaya. Ngumisi ito nang makita niya ako.

"Oh Valeen, dito ka pala naka asign" usad nito. Tumango ako tsaka sapilitang ngumiti.

"i-ikaw. Dito ka na din ba ini-asign?" tanong ko pabalik.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon