Chapter 28

1.6K 45 3
                                    

Valeen's POV

TINAMAD akong umuwi ng maaga galing trabaho. Tatlong araw na mula nang manggaling kaming boracay. Dumaan lang ako dito sa park malapit sa high way.

Gusto ko muna kasing mapag-isa para naman makapag-isip isip. Hindi na din kasi ako nagpasundo kay Erroze dahil alam kong pagod din yon.

Mula kasi nang mangyari ang pagsagutan namin ni Jaya hindi na namin kailangang itago ang relasyon namin ng asawa ko. Para saan pa lahat ng sinakripisyo ko para sa kanila?

Umasa akong magiging maayos ang lahat kahit kapalit non ay ikakadurog ko pero hindi siya nakuntento. Na kahit anong gawin ko hindi na maibabalik sa dati.

Kung meron lang akong time machine babalik ako sa nakaraan kung saan hindi pa kami kasal ni Erroze. Babalik sa nakaraan kung saan nandoon pa yung ala-ala kong kay tagal nawala.

Lahat naman ibinigay ko, pinaubaya ko lahat ng ikakasaya ko para sa kaibigan ko. Nagpakababa ako para ikakaligaya niya pero hindi yon naging sapat. Hindi niya yon nakita dahil naka focus siya sa kasalanan ko.

Oo mali ako, maling magmahal ako ng taong hindi naman sa akin. Pero kasalanan ko bang mainlove sa taong nagparamdam sa akin na mahalaga ako? Na may silbi ako dito sa mundo?

Kasi mismong magulang ko na kahit nawalan ako ng ala-ala kita ko kung paano nila ako tratuhin katulad na lamang ng ama ko.

Kasi ang tingin niya sakin tanga, walang kwentang anak, inutil at walang alam sa mundo. Masakit yon. Sobrang sakit pero anong magagawa ko? Kailangan ko siyang tanggapin dahil siya ang naging ama ko.

"Sa lahat ng lugar na pinuntahan ng mga tauhan ko, dito lang pala kita makikita!" galit na sulpot ni daddy kasama ang mga tauhan nitong may hawak na baril.

"D-daddy-" Nagulat na lang ako sa malakas na sampal na pinakawalan ni daddy mula sa mukha ko. Napahawak ako dito dahil sa hapdi.

"Wala kang utang na loob! Ang lakas ng loob mong kalabanin ako?!" galit nitong sigaw. Napaiyak na lang ako ngunit pinilit kong pigilan. Pinunas ko ang aking luha tsaka taas noong humarap sa aking ama.

"Ano pa po bang ikinagagalit mo dad? bumalik na ako kay Erroze-"

"Huli na ang lahat Valeen! Sa ibang kumpanya na sumama ang ama ni Erroze at dahil yon sayo! Napaka laki ng perang nawala sa kumpanya dahil sayo!" sigaw nito tsaka ako muling sinampal.

"Yon lang po ba mahalaga sayo dad? Ang malaking halaga ng perang nawala sayo? Eh ako po nung nawala ako sa inyo? Nalungkot ka po ba? Na-miss mo po ba ako? Nagsisi kaba sa ginawa mo? Inisip mo din po ba yung nararamdaman ko? Diba hindi po?" Hagulgol kong sumbat sa kanya.

Mabilis ako nitong hinawakan sa panga tsaka pinisil ito hanggang sa ramdam ko ang pagbaon ng kanyang kuko sa mukha ko.

"Ito ang tatandaan mo Valeen. Kung hindi dahil sa akin wala ka ngayon sa kinalalagyan mo. Kung hindi dahil sa pera ko hindi ka makakapag tapos ng pag-aaral na siyang ginagamit mo para kalabanin ako! wala kang utang na loob!" sigaw nito.

Gusto ko pang sagot-sagutin si daddy pero mas pinili ko na lang ang manahimik dahil kahit papano'y ama ko parin siya pero bigla itong nagsalita ng hindi nagustuhan ng pandinig ko

"Napaka inutil mo! Kung ang kuya mo sana ang nabuhay nung sanggol pa lang siya sana hindi kana nabuo! Wala kang kwenta! Nagsisi akong binuhay pa kita!" sigaw nito. Ano? may kuya ako?

"Kung ayaw niyo sa akin bilang anak niyo wala akong magagawa. Kalimutan niyo ako kung gusto niyo! Dahil mula nang magising ako sa hospital dahil sa pesteng aksidente na yan  wala ni katiting na pagmamahal na naramdaman ko galing sayo. At alam mo dad kung anong masakit? Yung bakit kailangang ako ang magbayad sa lahat ng kasalanan mo dad. Tama kayo, sana hindi niyo na lang ako binuhay dahil kung hindi sana ikaw ang naging ama ko, normal sana ang buhay ko!" nagagalaiti sa galit kong sumbat sa ama ko. Sasampalin sana muli ako pero biglang sumigaw si mommy na bagong dating.

"Huwag mong saktan ang anak mo!" umiiyak sabay takbo ni mommy tsaka pumagitna sa amin.

"Bastos yang anak mo!" sigaw ni daddy. Kahit ngayong gabi lang na ito, hayaan niyo akong ilabas lahat ng galit na kinimkim ko dito sa puso ko.

"Nagiging bastos ako dahil sa pananakit mo! Durog na durog na ako daddy! Hindi ko alam kung saan ba ako pwedeng magsimula ulit kasi kahit anong pilit kong bumangon hinihila niyo parin ako para madapa. Anak mo ako daddy. Kahit minsan isipin mo naman ako! kung okay ba ako o mamamatay na ako. Walang ibang mahalaga sayo kundi ang pera mo!" sabi ko tsaka ako naglakad palayo.

Umiyak ako ng umiyak habang tumatakbo hanggang sa nakarating ako sa kotse ko. Dito ko lahat iniiyak ang lahat.

Hindi nila ako naiintindihan! Ang sakit sakit na. Sobrang sakit! pinong pino na ako! Bakit ganito ang kapalaran ko? Hirap na hirap na ako.

Mabilis akong nagmaneho hanggang sa makarating ako dito sa bahay. Nakita ko ang kotse ni Erroze sa garahe. Nandito ba siya?

Pagkatapos kong i park ang sasakyan ay dumiretso na ako sa loob at tama nga ako. Nandito si Erroze. Agad itong napatingin sa mga mata ko hanggang sa dinig ko ang pagmumura nito

"Tangina sino may gawa sayo nito?" mabilis itong lumapit sa akin tsaka hinawakan ang mukha ko tsaka pinunas ang konting dugo sa may mukha ko dahil sa pagbaon ng kuko ng ama ko.

"Erroze magpapahinga na ako-"

"Sino ngang may gawa niyan sayo? Ano hahayaan ko na lang na saktan ka nila? Ni kalaban ko sa gang takot saktan ka dahil alam nilang asawa kita kaya bakit ko hahayaang saktan ka ng iba?" nag-aalalang tanong nito.

Napaiyak na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Agad akong niyakap ni Errose tsaka hinalikan ang noo at mata kong lumuluha.

"Ang sakit-sakit. Gusto ko ng mamatay!" sigaw ko habang umiiyak.

"Ano bang sinasabi mo? Kung mawawala ka paano ako? Anong problema mahal ko nandito lang ako. Hindi kita iiwan" sabi nito na nagpagaan ng kaunti sa loob ko.

Ikwinento ko lahat sa kanya ang nangyari. Bigla niyang sinipa ang lamesa tsaka napamura sa galit.

"Putangina! Ako nga na asawa mo ni minsan hindi ka pinagbuhatan ng kamay tapos siyang mismong ama mo nagawa yon sayo?!" galit na sigaw nito.

"Hayaan mo na" sabi ko na lang

Hindi na ito umimik pero halata parin ang galit sa kanyang mukha. Nagsisi ako dahil sa pagsusumbong ko sa asawa ko dahil hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ng asawa ko dahil ama ko parin si daddy.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon