Valeen's POV
NANDITO na ako sa kwarto nang magising ako, hindi ko manlang namalayang nakatulog pala ako habang nasa byahe. Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa may gilid habang abala sa laptop nito.
Bumangon ako tsaka isinuot ang tsinelas ko at naglakad palapit sa pinto bigla akong nauhaw kaya kukuha sana ako ng tubig nang makitang napakadilim at patay ang ilaw sa buong bahay maliban na lang siguro sa kwarto namin ni Erroze.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Erroze ng hindi nakatingin sa akin. Muli akong sumilip sa labas ng pinto ng kwarto namin, madilim talaga. Bakit ba kasi sarado ang ilaw?
Napakahilig talaga ni Erroze sa madilim, kasing dilim ng pag-uugali niya. Bata pa lang ako takot na ako sa dilim at mas lalo na ngayon na ni isang kislap ng ilaw wala kang maaninag sa sobrang dilim ng bahay.
"Nauuhaw kasi ako, kaso madilim. P-pwede bang pasama?" nag aalangang tanong ko. Hindi ko kasi alam kung papayag. Eh kasi naman bakit ba kailangan madilim?
"Okay" saad nito tsaka naglakad patungo sa akin tsaka hinawakan ang kamay ko at inalalayan palabas ng kwarto.
Napaka weird dahil sa pagdikit ng aming kamay ay isang malakas na kuryente ang aking naramdaman kaya't mabilis ko itong binawi.
"Bakit?" hindi ko nakikita ang mukha ngunit alam kong nagtataka ito.
"W-wala naman. Pwede bang pakibukas na lang ang ilaw? Nang may makita naman ako?" tanong ko.
"Hindi kaba nakakakita sa dilim?" tanong nito.
"H-hindi eh" sagot ko. Bigla na lamang natahimik at tanging yapak lang nito ang naririnig ko ng biglang bumukas ang ilaw. Hayy sa wakas.
"Pwede ka ng bumalik sa kwarto, ok na ako dito. Thank you" usad ko pero hinawakan lang ako sa kamay at hinila papuntang kusina tsaka siya dumiretso sa ref at kumuha ng tubig sabay inabot sa akin.
"Thank you" sabi ko sabay kuha ng baso tsaka ito ininom. Nang maubos ko ang laman ng baso, inabot niya din ito tsaka inilagay sa lababo sabay akbay sa akin at bumalik sa kwarto.
"Hindi ka paba matutulog?" tanong ko nang bumalik ito sa laptop.
"Mamaya na" tanging sagot nito.
Napatingin naman ako sa oras sa cellphone ko. 2:37 am na pala. Hindi pa siya tulog?
"Madaling araw na, hindi ka paba inaantok?" tanong ko pero hindi na ito nagsalita.
"S-sige, sunod ka na lang" sabi ko tsaka humiga at tumalikod sa kanya, ilang sandali lang nang maramdaman kong humiga ito tsaka isiniksik ang braso sa pagitan ng bewang at braso ko tsaka ako niyakap mula sa likod.
Napadilat ako ng mata nang maramdaman ito. Bakit ba siya ganyan sa akin? Ginagawa niya ba ito dahil gusto niyang matuloy ang kasal namin? Dahil sa mamanahin niya?
Nasasaktan ako eh. Mas okay pa sa akin yung cold siya, yung masungit siya, palaging galit kaisa yung ngayon na ako mismo gusto ko siyang yakapin pabalik.
Ayoko ng lambing mo Erroze, ayoko dahil maski ako hindi na kayang pigilan ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko kayang pagilan ang unti-unting pagkahulog ko sayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/212895748-288-k368999.jpg)