Valeen's POV
D
UMAAN kami ni Renzo sa bahay upang mamasyal. Miss na miss ko na si daddy at mommy kaso hindi kami pumasok sa loob. Panigurado kasing magagalit na naman si daddy dahil hindi si Erroze ang kasama ko.
Pinagmamasdan ko na lang ang buong bahay mula dito sa labas. Nakita ko din si mommy na masayang kausap ang nga amiga nito. Base sa aura nito parang sobrang saya.
Masaya ba siya kahit ilang araw na niya akong hindi nakikita? Ni hindi manlang ako tinawagan mula nang kay Erroze na ako umuuwi. Trinay kong tawagan noon kaso hindi makontak.
"Hindi mo ba pupuntahan?" tanong ni Renzo. Umiling na lang ako habang malungkot.
"Bakit naman? Okay lang, maghihintay na lang ako dito sa kotse" usad nito.
"Pagagalitan din naman ako kapag hindi si Erroze ang kasama ko kaya okay na yung ganito. Tara na, baka magalit na naman si Erroze kapag wala pa ako sa bahay" sagot ko,
Tumango na lamang ito tsaka maingat na nagmaneho, nang makauwi kami ni Renzo. Agad itong lumabas ng pinto tsaka umikot at pinagbuksan ako ng pinto, hinawakan din nito ang kamay ko tsaka napatitig sa nga mata ko.
Nagandahan ako sa brown eyes nito kaya nakipagtitigan na din ako. Agad umiwas si Renzo ng tingin sabay napangiti ng pagkatamis-tamis. Napansin ko ang lalaking nakatayo sa may pinto habang nakatingin sa amin.
Si Erroze na halos hindi na kayang ipinta ang mukha sa galit. Matalim ang tingin nito sa amin at sa ano mang oras pwede na kaming mapino sa talim ng titig nito.
"Tara?" Tawag sakin ni Renzo tsaka ako sinabayan maglakad.
Nang magkatapat kami ni Erroze hindi ko ito kinibo at tsaka nilampasan. Rinig ko ang pagmura niya ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kwarto ni Erroze
Pagkarating ko dito, wala na ang mga gamit ko. Nagtaka ako kaya agad akong lumabas at nagtanong sa mga katulong.
"Maam pinalinisan po ni sir Erroze ang kwarto sa tapat ng silid niya para daw po sa inyo. Nandoon na po lahat ng gamit mo maam" sagot nito. Gusto ko ito pero bakit nasasaktan ako? Nasaktan ako na pumayag siyang maghiwalay kami ng kwarto.
Ito naman ang gusto ko pero bakit nasasaktan ako ng ganito. Pagpasok ko ng kwarto, namangha ako dahil gayang-gaya nito ang design ng kwarto ko sa bahay. Mag kurtinang tatak spongebob ganon na din ang bed sheet, pillows at blanket ko.
Ang makapal na carpet sa sahig na si patrik at spongebob ang nasa picture, ganon na din ang mga spongebob stuff toys. Maging ang wallpaper ng dingding spongebob din.
Sa saya ko ay agad akong napatakbo sa kama ko tsaka dumaba at niyakap ang unan ko. Napakaadik ko talaga sa spongebob kahit kailan.
"Nagustuhan mo ba?" biglang sabi ni Erroze sa pinto kaya napalingon ako sa kanya.
"Y-yeah thank you" sagot ko tsaka tumahimik.
Naglakad ito papasok tsaka ni-lock ang pinto at umupo sa sofa kung saan spongebob din ang tatak tsaka seryosong tumingin sa akin.
Hinayaan ko lamang siya at hindi kinibo, inayos ko na lang ang gamit sa bag ko at tinanggal ang nag balatan ko ng biscuit kaninang break time tsaka nilagay sa basurahan.
"Anong nagawa ko? Bakit ganyan ka sakin?" ramdam sa boses nito ang sakit kaya nagtaka ako, mula sa likod ay niyakap niya ako tsaka hinalikan ang ulo ko.
"Nagawa? Wala naman ah" maang-maangan ko. Ang totoo niyan hanggang ngayon bumabalik parin sa isipan ko yung sinabi niya kaninang umaga.
"Bakit hindi mo ako pinapansin? Puro na lang si Renzo" usad nito na para bang nasasaktan sa pakikipag usap ko kay Renzo. Problema ba nito?
![](https://img.wattpad.com/cover/212895748-288-k368999.jpg)