Chapter 23

1.6K 43 6
                                        

Valeen's pOV

GUSTO niya akong umalis sa buhay niya? Sige gagawin ko. Kakalimutan ko siya kagaya ng gusto niya. Pagod na pagod na akong intindihin at magpakababa ng pride para sa kanya.

Ayoko na, sukong-suko na ako sa lahat ng ito. Lalayo ako, mamumuhay mag-isa.

PAGKATAPOS kong ayusin ang mga gamit ko'y nagmadali na akong umuwi. Ilang linggo na din akong umiiwas at hindi nagpapakita sa pamilya ko lalong-lalo na kay Erroze at Renzo.

Nakiusap ako sa mga nurses at guard na hindi ako pwedeng ipagsabi sa iba lalo na sa mga taong iniiwasan ko.

Ito din ang gusto ni Jaya kaya alam kong hindi ito umiimik kapag tinatanong nila ako sa kanya.

"Ingat po doc" usad ni manong guard habang nakangiti nang makalabas ako.

"Salamat" sagot ko tsaka tuluyan ng umalis at naglakad papuntang parking lot nang may nagsalita't sumulpot sa likuran ko.

"Hanggang kailan mo ako kayang iwasan?!" galit at madiing boses ng pamilyar na boses. Dahan-dahan akong humarap sa kanya habang nakayuko. Kinakabahan ako.

"Sabihin mo, bakit mo ginagawa to?!" sigaw nito tsaka ako isinandal sa kotse sabay kulong sa mga bisig nito at tinitigan sa mga mata. Umiwas ako ng tingin pero sinigawan lang ako nito.

"Tumingin ka ng diretso sa mga mata ko!" sigaw nito kaya dahil sa takot ay agad akong napatingin.

Kita ko ang sakit, pagmamahal, lungkot at pagkasabik sa mga mata nito pero hindi ako umimik at napapalunok.

"Sorry-" tanging saad ko nang mabilis ako nitong hinila at pinapasok sa kotse ko tsaka ito umikot, sumakay at magmaneho.

Pinaharurot nito sa kung saan-saan tsaka inihinto sa walang katao-tao. Tahimik lang kami at tanging ang kabog ng dibdib ko lamang ang naririnig ko.

"Masaya kaba sa ginagawa mo?" tanong nito na ikinabigla ko.

"Tagal mong nawala tangina!" saad nito.

"Mahigit isang buwan lang-"

"Tangina kahit isang linggo lang Valeen pakiramdam ko ilang taon na yon." mura nito. Napayuko na lang ako tsaka pinigil ang hikbi ko.

"Sabihin mo sa akin bakit kailangan mong gawin to?" tanong nito sabay palo sa monubela.

"H-hindi ko kasi kayang makita na nasasaktan si Jaya-"

"Pero kaya niyang makitang saktan ka! tangina Valeen umayos ka nga!" usad nito.

"Gusto ko lang din maging masaya siya lalo kana kapag-" hindi ulit nito pinatapos ang sasabihin ko at pasigaw itong sumingit.

"Anong alam mo sa kung saan ako magiging masaya? Manhid ka. Napaka manhid mo-"

"Hindi ako manhid Erroze. Ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tama-"

"Tama bang iwan mo ako dahil lang sa alam mong ikakasakit ng iba? Asawa mo ako at dapat lang na ako ang piliin mo. Nangako tayo sa altar na walang iwanan sa hirap at sa ginhawa pero ikaw tong hindi tumutupad. Fuck! Mahal kita Valeen, mahal na mahal kita! sayo ako masaya, sayo ako masaya at hindi sa kanya!" umiiyak nitong sigaw sa akin.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon