Chapter 32

1.7K 43 2
                                        

Valeen's POV

PATULOY akong sumusuka habang si Erroze hinahaplas ang likuran ko. Tubig lang naman ang isinusuka ko. Siguro may nakain lang ako.

"Mahal okay ka lang?" tanong nito sa akin.

"Okay lang, nasuka lang ako sa kinain ko kanina" sagot ko tsaka lumabas.

"Okay ka lang?" sabay na tanong ni daddy at Renzo. Ngumiti lang ako kahit pakiramdam ko hindi ako okay.

Pagkalabas ko ng room ni daddy dumiretso akong office ko tsaka humiga sa sofa kasi feeling ko antok na antok na ako. Wala akong gana sa lahat. Heto na naman ako eh.

"Mahal ko hindi ka okay eh" alalang tanong ni Erroze tsaka umupo sa uluhan ko't hinahaplas ang ulo ko.

"Okay lang ako mahal. Siguro ipapahinga ko lang ito" sabi ko tsaka pumikit.

Ramdam ko ang labi ni Erroze sa ulo ko. Ang halik niyang nagpagaan ng pakiramdam ko. Ngumiti ako habang nakapikit.

"I love you" sabi nito hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako nang 2pm na pala ng hapon. Nakita ko na lang si Erroze na wala dito sa office ko.

Bumangon ako tsaka nagtungo ng cr upang mag-ayos ng konti tsaka ako nagpunta sa pasyenteng hawak ko tsaka dumiretso sa ama ko.

Papasok na sana ako nang maabutan ko si Erroze at daddy na seryosong nag-uusap. Pareho silang napatingin sa akin.

"N-naistorbo ko yata kayo. S-sige mamaya na lang" sabi ko tsaka aalis sana nang pigilan ako ni daddy.

"Wait" saad nito kaya napatigil ako.

"Excuse me" usad ni Erroze tsaka ako hinalikan tsaka lumabas. Naiwan kami ni daddy dito na tahimik.

"K-kamusta na po pakiramdam niyo?" pambabasag ko ng katahimikan.

"Okay na ako. Pwede na akong uwi" sagot nito tsaka muling natahimik.

Matagal-tagal din kaming natahimik nang magtanong si daddy.

"Nakausap mo na ba ang mommy mo?" tanong nito.

"Yes dad" sagot ko habang nakayuko.

"Kailan daw uuwi" pigil luha nitong tanong na pati ako'y naluha sa tanong nito.

"H-hindi ko po alam dad. Wala pa pong sinabi" sagot ko tsaka pinunas ang luha ko tsaka muli kaming natahimik.

Naisip ko na baka ito na ang pagkakataon para makausap si daddy ng kami lang dalawa.

"Dad" tawag ko sa kanya. Tumingin ito sa akin tsaka muling umiwas.

Natahimik ako tsaka napaiyak na agad naman napansin ni daddy pero tumahimik lang ito.

"H-hindi ko gustong saktan ka dad" pauna ko habang umiiyak na nakaupo sa tabi nito.

"Hindi ko gustong suwayin ka pero dad kasi ang sakit sakit na. Hirap na hirap na ako, hindi ko na po kasi alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko para di kayo masaktan pareho dahil mahal ko kayong dalawa. Ang gusto ko lang naman po dad ay maintindihan niyo ako. Pero hindi po iyon ang nangyari, ako lang po kasi ang nakakaintindi sa sitwasyon at nararamdaman ko" sabi ko habang hirap sa paghinga dahil sa pag-iyak.

Hinawakan ni daddy ang aking kamay tsaka huminga ng malalim tsaka nagsalita.

"Alam mo iha, simula nang bata ka? Hindi kita nakitang tumawa. Yung tawa na dahil sa saya" usad nito. Natahimik lang ako habang nakikinig.

"Kahit kailan hindi ka nakarinig ng papuri mula sakin kahit ikaw itong palaging nangunguna sa klase. Kahit halos dina mabilang ang dami ng medal sa bahay dahil sa natatanggap mo. Naalala ko pa noong bata ka, naglayas ka dahil may nagawa kang kasalanan. Natakot ka dahil alam mong iba ako magalit. Na para kang ibang tao kapag pagalitan ko." kwento nito kahit wala akong maalala.

"Nakakalungkot lang anak dahil ngayon ko lang na-realise na sakal na sakal kana pala" sabi nito tsaka umiyak.

"Hanggang ngayon utos at salita ko parin ang sinusunod mo. Hindi ko alam na aabot na pala sa ganito. Sa puntong pareho ko kayong nasaktan ng ina mo't diko inasahang dahil sa akin masisira tayong tatlo. Ikaw na lang nabuhay sa inyong magkakapatid sinasakal ko pa, kinokontrol ko pa. Hindi manlang kita binigyan ng pagkakataong maging malaya."

"Sinisi kita dahil bumagsak ang kumpanya na hindi ko inisip na ako din ang may pagkukulang."

"Patawarin mo ako anak" paghingi ito ng tawad sa akin.

"Im sorry kung hindi ako naging mabuting ama't asawa sa inyo"

"Mahal kita anak, gusto ko lang mapabuti ang kinabukasan mo dahil matanda na ako. Gusto ko na bago ako mawala ay iiwan kitang may magandang buhay" sabi nito.

"Daddy im sorry. Hindi ko naintindihan ang point mo. Sana inintindi ko muna ang side mo bago ako nagkaganito" sabi ko tsaka niyakap ang ama ko.

"Shhhh. Huwag ng umiyak anak, ako ang dapat humingi ng tawad" usad nito.

Walang kasiguraduhan pero ito na ba ang simula ng pagbabago ng lahat? Ito na ba ang kapalit ng pagdurusa ko?

Yung unti-unting pag-ayos ng pamilya ko

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon