Valeen's POV
BUMALIK din kami ni Erroze agad sa room namin dahil baka may magising at makita nilang wala kaming dalawa. Lalo na si Jaya.
Sa inaasta ni Erroze na realize kong kahit minsan din pala kailangan kong makinig sa sinasabi ng puso ko't hindi ang ang isip ko
Tanghali na ng magising ako dahil 2am na ako nakatulog. Napatingin ako sa cellphone ko at 11:35 am na pala.
Bumangon ako tsaka tinupi ang hinigaan ko. Wala ang lahat dito at sigurado akong nasa labas na silang lahat. Nanguha ako ng masusuot ko sa bag tsaka nagtungo ng banyo.
Mabilis lang ako naligo tsaka nag-ayos ng sarili ko. White sando at black sexy short lang ang isinuot ko. Pinaresan ko na din ng mahaba at manipis na sweater na tamang tama sa mainit na panahon tsaka lumabas ng bathroom nang makita si Errose na may hinahanap sa kama nila ni Jaya.
Napatingin ito sa akin pababa sa aking paa at muling napataas sa aking mga mata.
"Jesus Christ!" sabi nito tsaka ngumisi.
"Magpalit ka" sabi nito na ikinataas ng kilay ko.
"Bakit naman? okay nga to eh. Mainit kaya alangan naman na mag pajama at T-shirt ako?" tanong ko.
"Babe-" sulpot ni Jaya sa pinto habang nakangiti tsaka napatingin sa akin.
"Oh Valeen. Gising kana pala, babe tara na" sabi nito sakin tsaka binalingan si Erroze. Babe? babe daw?
"Mamaya na-" Erroze
"Please?" pamimilit nito kaya sa huli ay pumayag na din si Erroze.
Umalis silang magkahawak ang kamay. Napangisi na lang ako tsaka napangiti ng mapait. Masaya si Jaya pero ako? heto nasasaktan ng sobra.
Lumabas ako ng room tsaka nagpunta sa kung saan. Nakasalubong ko naman si Mori kasama ang isang hindi pamilyar na gwapong lalaki. Napatawa na lang ako tsaka nainggit din dahil buti pa sila may kasama
"Valeen" tawag sakin ni Renzo. Naka short lang ito at walang damit pang-itaas. Napatingin ako sa matipunong katawan nito pero agad din umiwas.
Baka kasi mapansin niya pag-isipan pa ako ng masama. Lumapit sa akin tsaka ako inakbayan.
"Late kana nagising miss beautiful. Tara kain" malambing at nakangiting sabi sakin ni Renzo. Ngumiti ako tsaka tumango.
TATLONG araw lang kami dito at kahapon pa naunang umuwi si Vain, Mori at Claire dahil kailangan pa nilang pumasok sa trabaho. Naiwan kami nila Renzo, Jaya at Erroze dito.
Gusto ko na sanang umuwi kahapon pa pero hindi ako pinayagan ni Renzo. Nakulitan na din ako kaya sa huli pumayag na din ako na sabay-sabay kaming umuwi.
Heto kami ni Renzo ngayon naglalakad pabalik ng kwarto. Habang naglalakad bumabalik sa isipan ko ang nangyari kagabi.
Habang nag-iisa akong nakaupo dito sa buhangin bigla nalang sumulpot si Erroze sa tabi ko. Nakangiti itong nakaharap sa akin.
Nag-kwentuhan lang kami ng bigla niya akong halikan. Hinayaan ko lang ito dahil gusto ko din naman.
Hindi ko lang inasahan na sinundan pala kami ni Jaya at nakita niya ang pangyayari.
At heto kami ngayon magkaaway na naman. Pinagtanggol ako ni Erroze pero sa halip na magpaliwanag ako'y naglakad na lang ako palayo sa kanila.
Sawa na ako sa dramang ito. Hindi na din ako apektado sa masasakit na salitang binitawan ni Jaya. Kasi kahit magpaliwanag ako wala din mangyayari.
Kung noon na hindi ako pinakinggan edi mas lalo na ngayon. Kaya naglakad na lang ako palayo.
"Tahimik ka na naman" sabi ni Renzo nang matapat kami sa kwartong nilipatan namin.
Isang kwarto lang ang pagitan bago ang kwarto nila Jaya at Erroze dahil sa hindi na naman kami magkasundo ni Jaya.
"Iniisip mo padin ba yung nangyari kagabi?" tanong ni Renzo sakin.
"Okay lang yan. Nandito lang ako palagi para sayo, mahal kita Valeen. Seryoso ako sa nararamdaman ko para sayo" sabi nito habang seryosong nakatingin sa akin.
Sasagot na sana ako ng natigilan ako dahil kay Erroze at Jaya na nag-aaway.
"Kaya ba ayaw mo sakin dahil diyan sa malanding babaeng yan?!" galit na sigaw ni Jaya kay Erroze nang makalabas sila ng pinto. Kapwa kami napatingin ni Renzo.
"Huwag na huwag mong matawag-tawag na malandi si Valeen-"
"Bakit?! Hindi ba totoo?! Oh- speaking of malandi" baling nito sa akin nang mapansin nila kami
"Tumigil kana-" pagpipigil ni Erroze pero hindi nagpatinag si Jaya't naglakad pa ito palapit sa akin.
"Galing mo din e no? nagpakasal ka lang dahil sa kailangan ni Erroze pero anong ginawa mo?! sinamantala mo ang pagkakataong wala ako?" sigaw at galit nitong tanong sakin.
Kalmado lang ako kahit masasakit ang binibitawan ni Jaya. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako apektado at hindi na din napapaluha ng simpleng salita.
Siguro nang dahil sa puro sakit ang nararanasan ko'y nagiging matapang at pusong bato na ako.
Bigla na lamang akong sinampal ni Jaya na ikinagulat ko.
"Jaya ano ba?!" pigil ni Erroze pero muli akong sinampal ng isa pang beses.
"Yang dalawang sampal na yan, para yan sa sinira mong tiwala't pagmamahal ko sayo" sabi nito tsaka muli akong sinampal
"Para yan sa pang-aagaw mo!" sigaw nito. Napapahawak na lang ako sa sakit na pisngi ko nang muli niya akong sampalin pero mabilis ko itong sinalo tsaka gumanti ng sampal.
"Wala kang alam sa lahat ng sakripisyo ko. Kaya kailan kapa nagkaroon ng karapatang saktan ako?" matapang na sagot ko. Natigilan ito habang nakatingin sa akin.
"Hindi mo alam yung hirap na pinagdaanan ko mapaubaya lang si Erroze sayo. Na hindi ko alam kung saan ba ako pwedeng lumugar para hindi makasakit ng tao. Wala kang alam sa dami ng luhang nanggaling sa mga mata ko at sakit dito sa dibdib ko. Pinagsisihan ko na lahat, hindi paba sapat yon?" sagot ko.
Hindi ko alam kung saan ba ako kumukuha ng lakas para banggain ang kaibigan ko. Hindi ko dapat pinatulan si Jaya pero nangyari na eh.
"Dapat lang na magdusa ka dahil karma't parusa mo yan sa pagiging kabit mo-"
"Sa tingin mo sino sa atin ngayon ang kabit?" tanong ko. Natigilan ito't hindi nakasagot sa tanong ko
Inirapan ko ito tsaka pumasok sa kwarto't isinarado ito.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nalabas ko lahat ng galit at sama ng loob ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/212895748-288-k368999.jpg)