Jaya's POV
HINDI ako ngayon pumasok dahil wala naman akong importanteng aasikasuhin. Isa pa, wala namang dahilan para pumasok pa ako araw-araw.
Wala na yung mahal na mahal kong naghahatid at nagsusundo sa akin. Wala na yung lalaking nandiyan palagi para sa akin.
Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ko alam kung hanggang kailan matatapos itong lungkot na ito. Minsan ayoko ng maging masaya, dahil kapalit pala nito'y lungkot at pait.
"Iha hindi kaba papasok?" tanong ni mama tsaka humiga sa tabi ko sa mismong harapan ko.
"Wala naman po akong gagawin ma, Tsaka nandon po si Valeen kayang-kaya niya na yon" sagot ko tsaka ngumiti ng mapait.
"May problema ba kayo ng kaibigan mo anak?" tanong nito sa akin. Wala akong maitatago kay mama kaya sa isang tanong lang nito umaamin na agad ako.
"Ang hirap ma" pauna ko tsaka pinigil ang luha sa mga mata ko.
"Ang hirap po pala na yong taong sobrang mahal mo, makikita mo na lang na inlove na sa ibang tao. Ang masaklap pa doon ay mismong kaibigan mo" pauna ko tsaka pumikit sabay damdam ng sakit ng aking dibdib.
Ramdam ko ang palad ni mama sa mukha ko tsaka pinahid ang luha ko.
"Ganon talaga anak" sagot nito.
"Sa pag-ibig kailangan mo munang masaktan bago dumating yung taong para sayo. Kailangan mo munang mabigo upang sa ganon sa bawat pagdaan ng tao sa buhay mo matututo kang maging matatag."
"Kailangan mong isakripisyo't ipaubaya sa iba kapag alam mong hindi na siya masaya. Kasi ganon ang pagmamahal anak, ang totoong nagmamahal natural lang na masaktan kasi paano mo malalaman na mahal mo ang isang tao kung hindi ka naman nasasaktan" sabi nito. Kagaya ba ng ginawa ni Valeen?
"Kagaya ni Valeen anak, kahit hindi mo sinabi sakin alam ko ang nangyayari kasi anak kita. Kailangan kong alamin upang sa ganon maayos ko ang gulo niyo't matama ang pagkakamali niyo bilang ina mo."
"Ilagay natin ang halimbawa kay Valeen. Mahal ka niya, mahal niya ang kanyang ama at mahal din niya si Erroze. Kahit mahirap at masakit sa kanya binitawan niya si Erroze para sayo kahit alam niyang kapalit nun ay ang pagsuway niya sa ama niya't paghihiwalay nila ng mahal niya. Ayaw ka niyang masaktan kaso sa iba ka naka focus. Hindi mo nakita yung sakripisyo niya't pagdurusa kasi sa pagkakamali niya ikaw nakatingin. Nagpakababa siya para sayo at sa nararamdaman ng mga taong mahalaga sa kanya. Isinakripisyo niya yung nararamdaman niya para itama yung pagkakamaling sa tingin niya'y siya ang may gawa." payo ni mama
mas lalo akong lumapit sa kanya tsaka umiyak at yumakap.
"Nagkamali ako ma" sabi ko.
"Kung magmamahal ka anak, dapat nakahanda kana sa posibleng mangyari. Kasi sa mundong mapaglaro, walang nagmamahal ang hindi nasasaktan" muling sabi nito.
"Ganon na pala ako kasama mama. Napaka selfish ko, bakit ngayon ko lang na-realise na wala sa kanila ang may kasalanan. Na hindi dapat si Valeen ang sisihin kundi ako. Huli na ang lahat" hagulgol ko.
"Sa tingin ko hindi pa anak. Kung talagang nagsisi kana't willing humingi ng tawad dapat lang na ipakita mo ito sa kanya. Iparamdam mo anak na nagsisisi kana. Huwag mo siyang sukuan dahil ang nagmamahal, marunong magpatawad" sabi nito.
"Tama ka ma. Oo, willing akong ayusin lahat ng gusot ko. " sabi ko.
"Suportado kita diyan anak" ngiting saad ni mama.
LUMIPAS ang isang linggong palagi naming pagkikita ni Valeen na wala parin nangyayari. Wala akong lakas ng loob upang kausapin si Valeen.
Lumipas pa ang ilang araw na hindi parin kami maayos ni Valeen kaya't kinausap ko si Erroze para iparating ang paghingi ko ng tawad.
Papunta na sana ako ng office niya nang makita si Valeen na nakabulagta sa sahig. Agad akong kinabahan kaya agad akong tumawag ng nurse.
Inasikaso ko ito't nagulat ako sa natuklasan ko. Kahit masakit, pinilit ko na lang maging masaya para sa tatlong buwang pagbubuntis ni Valeen.
Nakatayo lang ako sa tabi nito habang lumuluha, biglang pumasok si Erroze na nag-aalala. Agad itong lumapit kay Valeen na payapang natutulog tsaka hinalikan sa labi. Umiwas na lang ako ng tingin para hindi lalong masaktan.
"K-kamusta siya?" utal na tanong ni Erroze nang mapansin akong umiiyak. Agad akong umayos tsaka pinunas ang luha't humarap sa kanya.
"Tatlong buwan na siyang buntis at kailangan lang niya ng dobleng pag-iingat para sa maselang pagbubuntis niya. A-alam kong depressed na siya lately kaya kailangan niya muna ng mahabang pagpapahinga para sa kalusugan niya at nang batang dinadala niya" sabi ko tsaka nagmadaling lumabas.
Umiyak ako hanggang sa malabas ko sakit sa puso ko.
"Iiyak mo lang" sulpot ni Renzo. Agad akong nagpunas ng luha.
"Di ako umiiyak" pagsisinungaling ko
"Suss. Hindi daw, ayan o basang basa yang maganda mong mata." biro nito kaya napatawa ako
"Buntis siya diba?" biglang tanong nito tsaka pumait ang mukha
"3 months" sabi ko
"Paano mo nalaman?" tanong ko
"hula ko lang"
"Eh bakit nandito ka, di tayo close"
"Grabe ka. papaalam lang ako kay Valeen, mamayang 2pm na ang flight ko"
"Aalis ka?"
"Oo. Bakit? gusto mo sumama?"
"Baliw!" sabi ko na ikinatawa naming dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/212895748-288-k368999.jpg)