Valeen's pOV
KAKAGALING ko sa office papuntang canteen dahil wala naman akong pakikisuyuan dahil absent si Claire ngayon. May importanteng gagawin daw.
"Isa pong burger tsaka coke lang ate" order ko sa babae.
"okay po doc" sagot nito. Once a week lang ako uminom ng coke at hindi palagi.
Binuksan ko ang wallet ko tsaka kumuha ng pera upang ipambayad nang may magsalita sa tabi ko.
"Magte-thank you na ba ako dahil kahit papano nasolo ko ang dating akin kahapon?" tanong ni Jaya.
Napalingon ako sakanya habang nagtataka. Nahalata nito ang pagkagulat ko kaya naman tumawa ito tsaka nagsalita.
"Kahapon kasi kasama ko si Erroze. Kumain kami sa labas ng kami lang dalawa. Ahm kagaya ng dati naming ginagawa" usad nito na sa ibang direksyon nakatingin.
Nasaktan ako pero inihahanda ko na ang sarili ko para dito. Alam kong mahirap pero kakayanin ko para naman mabalik ang dating ako.
"M-mabuti kung ganon" tanging sagot ko nalang tsaka inabot ang barya ko pero muli itong nagsalita kaya tumigil ako.
"Umaasa akong mamaya, bukas makalawa at araw-araw..." usad nito.
"Kami na ang magsasama. Kami naman talaga eh. Umagaw ka lang, at please lang. Hayaan mo na kami. Huwag ka ng sumingit" saad nito.
Bigla na lang naglaglagan ang luha ko sa mga narinig ko kaya mabilis akong naglakad papuntang office ko tsaka ito isinarado tsaka umiyak.
Papalayain na kita Erroze. Hindi lang sa papel pati na din sa isip at puso ko. Alam kong mahihirapan ako pero kakayanin ko. Dahil ipinapangako ko sa sarili kong hindi ang pag-ibig na to ang magpapabagsak sakin.
Humarap ako sa salamin tsaka inayos ang sarili ko. Ito na ang huling pagkakataon na iiyak ako. Hindi ko maipapangako pero pipilitin ko.
TINAWAGAN ako ni daddy upang pagalitan at sermonan dahil nalaman niyang hindi ako sa bahay ni Erroze nakatira.
Gusto ko din magpaliwanag pero hindi ako pinakinggan. Ganyan naman silang lahat eh. Ako lang nakakaintindi sa sitwasyon ko. Ako lang nakakaintindi sa nararamdaman ko.
Uuwi daw sila dad by next week at ayaw daw ni dad makita akong dito nakatira sa bahay dahil nakakahiya daw kay mr. Valdez na ama ng asawa ko kung malaman niya ang tungkol dito. Usapan pa daw nilang gusto na nilang magkaroon ng little apo. Nasaktan ako kaya naman kumuha ako ng malaking halaga ng pera sa banko upang pambili ng sarili kong lupa't bahay.
Alam ko din naman na kapag umupa ako ng condo papalayasin lang ako ni daddy. Hindi masarap kalaban si daddy kaya lahat ng pwede niyang gawin ay pinaghahandaan ko na.
Ito pa lang ang unang pagkakataon na magbabanggaan kami ng sarili kong ama kaya hindi ko gugustuhing magkaroon pa ng koneksyon sa kanila pagdating nila.
Bumili na din ako gamit ko sa bahay ganon na din ang mga kakailanganin ko tsaka ako lumipat. Inilipat ko na din sa ATM ko ang perang inipon ko para hindi masama sa paghohold ni daddy sakali.
Kilala ko si daddy, sa tagal kong kasama, nakita ko kung paano niya pabagsakin ang kalaban niya sa kumpanya. Gagawa siya ng paraan o problema para maghirap ito tsaka niya ito lalapitan para sumama o kumapit sa kanya.
Alam ko na din ang bawat galaw ni daddy, kung paano tumakbo ang isip niya. Nakahanda na ako para sa pagdating nila bukas.
Nandito na ako sa bago kong bahay. Isang linggo ko itong pinaghandaan at isang linggo na ding hindi kami nagkikita ni Erroze.
Palagi kong nakikita sa parking lot ang sasakyan nito at mukhang ako ang inaabangan pero sinabihan ko ang guard at nurses dito na huwag sabihing nandito ako.
Na palabasing hindi ako pumapasok. Okay na ito kahit sobrang sakit.
Nag-hire din ako ng isang katulong para naman kahit papano may kasama ako. Nalaman kong sobrang galit ni daddy nang malaman ang ginawa ko at kagaya ng inaasahan ko hold lahat ng ATM account ko.
Palabas na ako ng hospital upang umuwi nang makasabay ko si Jaya. Mabilis ako nitong hinila tsaka ipinasok sa kotse niya. Nagpahila na lang ako dahil gusto ko din naman siya makausap.
"Galing mo din e no? Umalis ka ng walang paalam. Ginawa mo yon para sisihin nila ako." galit nitong sigaw nang makapasok din siya sa sasakyan.
"Ginawa ko yon para sayo at hindi para sa gusto kong sisihin ka ng lahat" malamig kong sagot. Huwag kang iiyak Valeen. kaya mo yan. kaya mo. Kakayanin mo.
"Huh! kumpulan ng kalandian, kumpulan pa ng kasinungalingan! akala mo ba maloloko mo ako diyan sa kasinungalingan mo?! Hindi mo alam ang nararamdaman ko sa tuwing saakin lahat ang paninisi nila lalo na si Erroze. Sinisis niya ako sa pagkawala mo. Ang magulang mo, sinisisi nila ako kung bakit hindi kayo maayos ni Erroze. Ganon na din ang daddy ni Erroze, sinisisi ako dahil sayo!" mataas na boses nito sakin.
"Hindi yan ang plano ko Jaya. Hindi mo kasalanan" usad ko tsaka humagulgol.
Heto na naman ang luhang ayaw magpapigil. Na nagiging mahina ako sa harap ng kaibigan ko.
"Kasalanan ko, oo kasalanan ko. Kung pwede ko lang akuin yung sakit diyan sa puso mo tagal ko ng ginawa. Ginawa ko yon hindi para sisihin ka kundi dahil gusto kitang maging masaya. Kung aalis ako sa buhay ni Erroze mababalik kayo sa dati. Ayaw kitang masaktan kaya gusto ko masaya ka" usad ko habang humihikbi.
"Anong alam mo sa kung saan ako sasaya samantalang puro sakit at pait lang naman ang naging papel mo sa buhay ko!" sagot nito na mas lalo kong ikinahagulgol.
"Hindi mo ako naiintindihan Jaya dahil wala ka sa sitwasyon ko-"
"Umalis kana sa buhay ko" singit nito sa sinasabi ko dahilan din ng ikinatigil ko.
"A-ano?" tanong ko
"Umalis kana sa buhay ni Erroze. Kalimutan mo na lahat-lahat sa atin ganon na din ako. Umalis kana sa buhay ko! layas!" sigaw nito tsaka ako pinagtulakan palabas ng kotse.
