Chapter 29

1.6K 42 3
                                        

Erroze's POV

PATUNGO akong hospital ngayon para hatidan ng pagkain ang asawa ko. Dumaan ako kanina sa bahay niya sabi ng katulong niya maaga daw siyang umalis at hindi na kumain pa.

Nagluto na lang ako dito sa bahay niya tsaka ihahatid sa kanya. Nagka emergency kasi sa bahay kaya ako umuwi kagabi.

Si Lawrence at Vince nasangkot sa gulo at yon' nagtago sa bahay ang mga gago. Niresbakan din namin kagabi ang lahat ng may pakana ng gulong iyon.

"Good morning ser. Ano pong atin?" tanong ng guard nang matapat ako sa harap nito.

Napataas ako ng kilay nang maalala ang kahibangan ng guard na to. Kung makatitig at makangiti sa asawa ko parang siya tong asawa ah.

"Akin lang, walang atin" sagot ko. Napakamot ito ng ulo.

"E-ehh ser, a-ano nga po?" tanong nito.

"Hahatidan ko ang mrs ko ng pagkain. Bakit? gusto mo sumama?" tanong ko na mas lalong nagpakamot sa ulo niya.

"Si doc Valeen po ba?" tanong nito. Napangisi ako. Konti na lang talaga sasapakin ko na to. Bakit ba ang dami niyang tanong tungkol sa asawa ko? gago to ah.

"Meron pabang iba? May ibang Valeen paba diyan sa loob?"

"Wala na po ser. Pero akala ko po kasi dalaga pa si doc-"

"Hindi na siya dalaga. May asawa na siya, ako ang asawa niya. Nag-iisang ako. Kaya kung ayaw mong mawalan ng trabaho papasukin mo ako dahil hindi pa kumakain ang ASAWA KO!" inis kong sabi.

Kung hindi lang ako aawayin ng asawa ko, kanina ko pa pinatulan to. Kaso nandito si Valeen. Ayokong magalit siya sakin dahil lang sa pagpatol ko sa pipitchuging guard na nagkakagusto sa asawa ko.

"Ser Erroze?" tawag sakin ni-- sino ba ito? Si-- si Claire.

"Ano kaba naman guard. Asawa ni doc Valeen yan. Ser hinahanap mo po ba si doc?" tanong nito. Tangina bakit ba ang daming papansin!

"Natural! alangan na hahanapin kita? Asawa ba kita para ikaw ang hanapin ko?! pwede ba?! dalhin mo na lang ako kay Valeen dahil hindi pa yon kumakain! Pag yon nagkasakit humanda kayong dalawa sakin!" sabi ko.

Agad naman nataranda si Claire at naglakad na lang. Sinundan ko lang ito dahil wala daw si Valeen sa office nito.

Nagtungo na lang akong office ni Valeen tsaka umupo dito sa sofa nang makita si Jaya na nagbukas ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito sakin.

"Para saan pa?"

"Kahit sandali lang." sabi nito. Nanahimik na lang ako at inantay ang sasabihin nito.

"Ayaw mo na ba talaga sakin?" tanong nito. Napangisi ako tsaka umiling.

"Ano sa tingin mo Jaya?" sagot ko.

Umiyak ito tsaka umupo sa harap ko.

"Anong kulang sa akin? Bakit mo nagawa sakin to? Mas better ako kaisa sa kanya-"

"Mali ka Jaya. Dahil sa kanya ang dami kong natutunan. Dahil kay Valeen natutunan kong maging masaya. Kung paano pahalagahan yung taong kahit malabo kong tanggapin nandito parin para mahalin at suportahan ako. Natuto akong mangarap dahil sa kanya, maging mabait at matyaga dahil lang sa simpleng siya. Natutunan kong maging mapagpakumbaba kapag nasasaktan ka dahil nakita ko sa kanya na kapag sinasaktan niyo siya pinipilit niyang bumangon ulit, mangarap at lumaban ulit kahit hirap na hirap na siya. Dahil sa kanya natutunan kong mahalin at pahalagahan ang sarili ko na kailan man hindi ko nagawa nung tayo pa. Wala sayo ang lahat ng yan' Kaya paano mo nasabing mas better ka kaisa sa kanya? Paano mo nasabing mas worth it kang mahalin samantalang wala ka ni isa sa pag-uugaling meron si Valeen" sagot ko. Napayuko ito habang humahagulgol. Hindi na magbabago ang isip ko, na kahit anong anong mangyari si Valeen parin ang pipiliin ko.

"Anong nangyari Erroze? Ako ito, si Jaya. Yung babaeng pinangakuan mong mamahalin at papakasalan mo" pakilala nito tsaka tinuturo ang sarili niya.

"Dati yon Jaya. Nagbago ang lahat simula nang makilala ko si Valeen. Hindi ko napigilan eh. Bigla nalang nagagalit ako kapag may iba siyang kasama lalo na si Renzo. Kaya noon palang alam ko na sa sarili kong nahulog na ako. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sakin." Usad ko. Nakita ko si Valeen sa may pinto nakatayo habang nakikinig.

Siguro ito na ang pagkakataon para marinig niya kung gaano ko siya kamahal. Para na din malinaw sa kanya na mas kailangan ko siya kaisa sa iba.

"Paano naman ako? paano lahat ng pangako mo?" tanong ni Jaya. Napailing ako tsaka sumagot.

"Kalimutan mo na lahat ng iyan dahil ang tagal ko ng kinalimutan." Saad ko

"Nasasaktan ako-"

"Nasasaktan ka? Paano si Valeen? nasasaktan din siya. Mas pa! palagi na lang siyang nagpaparaya para sayo. Nagpapakababa siya para sa ikakasaya mo kahit pa alam niya sa sarili niyang ikakadurog niya.  Sana naman kahit ngayon lang ibigay mo na sa kanya to." sabi ko tsaka muling napasulyap sa pinto. Nasaktan ako dahil pati si Valeem umiiyak sa kadramahang ito.

"Ano bang meron siya na wala ako?" hagulgol na tanong ni Jaya.

"Madami" sagot ko.

"Iniwan mo ako ng ilang taon. Umalis ka dahil sa pansariling pangarap at kagustuhan mo" Pauna ko. Pumikit ito tsaka hinaplos ang mukha tsaka muling nagsalita.

"Iniwan ka din naman niya-"

"Magkaiba yon Jaya. Iniwan niya ako para sayo. Kung hindi dahil sa makasarili ka, hindi niya nagawa sakin yon" Singit ko.

Hanggang saan kaya mapupunta ang usapang ito? May mababago ba?

"Hindi mo manlang ako naintindihan?" panunumbat nito. Ngumisi ako tsaka napailing.

Alin paba ang hindi ko maintindihan doon? Na tsaka lang siya uuwi kapag wala ang lahat?

"Alam mo sa sarili mong inintindi ko Jaya. Pero sa tagal mo tingin mo mag wowork yon? Usapan natin mag-aaral ka lang pero tangina! Graduated kana, ganap ka ng doctor pero nandun ka parin. Sa pangako natin sa isa't isa ikaw itong unang sumira. Nangako ka diba? nangako kang babalik ka pero hindi mo ginawa. Yung pagkukulang mo sakin, pinuno yon ni Valeen. Kaya anong karapatan mong manumbat ngayon? kasalanan mo lahat ng ito. Wag mong isisi sa kanya" sagot ko tsaka tumayo at binuksan ang pinto.

Bumungad sakin ang asawa kong tahimik na umiiyak. Agad ko itong niyakap tsaka hinalikan sa noo.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon