Chapter 34

1.9K 37 4
                                        

Valeen's POV

NAGISING na lang akong nakahiga dito sa hospital bed kasama si Erroze habang yakap ako't payapang natutulog.

Kita kong napalitan na din ng medyo maluwang ang damit ko. Siguro binihisan ako ni Erroze. Babangon na sana ako nang magising si Erroze.

"Mahal ko, kamusta pakiramdam mo?" alalang tanong nito sa akin.

"Okay na ako" ngiting sagot ko para na din hindi na siya lalong mag-alala. Ngumiti ito tsaka ako sandaling hinalikan sa labi.

"Mahal ko, good news" usad nito na halata ang labis na pagkasaya.

"Hmmm?" tanong ko tsaka ngumiti.

"Magiging daddy na ako!" malakas na boses nito tsaka ako hinalikan sa labi't yumakap ng mabilis.

Ano daw? daddy na siya? kanino?

"Anong-"

"3 months pregnant kana mahal ko. Daddy na ako. Shit ang saya ko, thank you mahal ko" saad nito tsaka ko nasilayan ang luhang nanggilid mula sa kanyang mga mata.

Napatawa ako tsaka yumakap sa kanya. Bakit hindi ko naisip na icheck kung buntis ako? Dahil siguro sa dami ng problemang pasan-pasan ko'y nawala na sa isip ko na pasibleng makabuo kami ng asawa ko.

HAPON na nang umuwi kami ni Erroze at daddy dito sa bahay, wala kasing mag-aalaga kay daddy kapag umuwi siya dahil wala naman si mommy doon.

Minsan nahuhuli kong tulala si daddy habang lumuluha kaya naman ginagawa ko ang lahat para mapasaya naman siya. About kay mommy? Ayon, wala daw siyang lakas ng loob para magpakita kay daddy kasi sobra daw siyang nasaktan sa masasakit na salitang binitawan ni daddy.

Uuwi daw siya pero hindi muna ngayon, hindi ko na sinabi kay daddy ang rason kung bakit hindi pa umuuwi si mommy dahil delikado ito sa kalusugan ng aking ama. Ang tanging sabi ko lang ay babalik si mommy at yun ang paniniwalaan ko. Yun ang aasahan ko.

Tungkol sa pagbubuntis ko, ilang linggo na mula nang malaman kong buntis ako. Maliban sa sayang dulot ng pagkakaroon namin ni Erroze ng anak ay maayos na kami ni Jaya.

Umiyak siya sa harapan ko habang nakaluhod at humihingi ng tawad. Hindi ako Diyos para magalit ng sagad sa buto. Tao lang ako kaya kailangan kong magpatawad kagaya ng pagpapatawad niya sakin noong minahal ko ang lalaking mahal niya.

Nagising na lang din ako isang araw na akala mo'y hindi na bago sa akin ang nakaraan. Na akala mo nananaginip kapa pero hindi pala. Kusang bumalik ang aking alaalang kay tagal nawala.

"Hindi ko alam kung alin diyan ang gusto mo kaya binili ko na lahat" saad ni Jaya sabay lapag ng pagkain sa mesa.

"Nag-abala kapa. Salamat" ngiting sabi ko.

"Naku Valeen, para yan sa inaanak ko ha" natatawang saad nito tsaka muling nagsalita.

"May sorpresa pa ako sayo" sabi nito tsaka tumayo at nagpunta sa pinto.

Dahan-dahan nitong binuksan at bumungad sa akin ang lumuluha kong ina dahil sa saya. Napatakip ako ng bibig tsaka humikbi't pumikit dahil sa labi na kasiyahan.

"Mom" tawag ko sa kanya tsaka tumayo at naglakad palapit sa kanya tsaka niyakap.

"Valeen, anak ko" saad nito yakap ako.

Pagkatapos ng yakapan at iyakan ay masinsinan kaming nag-usap ni mama na bumalik na sa bahay. Ikwinento ko din sa kanya ang tungkol kay daddy at nang pagbubuntis ko.

Labis ang kasiyahan ni mommy para sa akin. Kagaya nga ng usapan namin, umuwi si mommy at nakipag-ayos kay daddy.

Pagkauwi namin ng bahay ni Erroze ay muling iyakan na naman. 

"Masaya ba asawa ko?" malambing na tanong ni Erroze sabay higa sa tabi ko. Matutulog na kasi kami.

"sobra" sagot ko tsaka ngumiti.

"Sana lagi kang ganyan" sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko.

"Hindi lang ako, kundi tayo. Tayo at nang mga taong mahahalaga sa buhay ko" sabi ko tsaka hinalikan ang labi ni Erroze.

"Sarap" saad nito na ikinataas ng kilay ko habang nakangiti.

"Alin?" tanong ko

"sarap mo mahalin. Napaka worth it mong mahalin. Hindi ako magsasawang suportahan ka  kahit sa kalokohan pa" sabi nito tsaka tumawa.

Itinaas nito ang damit ko tsaka hinalikan ang anim na buwang tiyan ko. Paulit-ulit nitong hinalikan tsaka lumipat sa mga labi ko.

"Salamat sa pagmamahal mo, nagbago madilim kong mundo" sabi nito tsaka ako niyakap.

"Mahal kita" sabi ko tsaka pumikit.

NAG-LEAVE ako ng 5 months para sa pagbubuntis at panganganak ko dahil iyon ang gusto ni Erroze.

Sobra kung mag-alaga kaya naman naging madali sa akin kahit napaka selan kong magbuntis.

Ganon kasi kapag nagmahal ka. Kahit nahihirapan ka lumalaban ka.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon