Valeen's POV
NANDITO kami ngayon sa harap ng mall ngunit kasalukuyang nasa sasakyan pa. Naunang bumaba si ate Minda at ate Anna na katulong ni Erroze, sumunod ang dalawang tauhan nito bago si Erroze. Sumunod naman na bumaba ng van si Renzo tsaka ako sumunod.
Lalabas na sana ako nang inilahad ni Renzo ang kanyang kamay upang alalayan ako sa pagbaba ng sasakyan. Ngumiti naman ako tsaka ito inabot at bumaba.
"Tss" iritang usad ni Erroze tsaka naunang naglakad patungong loob ng mall.
"Saan tayo?" tanong ni Renzo kay Erroze nang makarating kami dito sa loob.
"Kami lang ni Valeen hindi ka kasama" masungit na sagot nito, napataas naman ang isang kilay ko. Kami lang dalawa? So bakit isinama-sama niya pa mga katulong at tauhan niya kung kami lang dalawa?
Eh mas gusto ko pa ngang kasama si Renzo kaysa sa mokong na to. Kala mo naman kung sino!
"Doc?" sulpot ng pamilyar na boses ng lalaki.
"Kamusta, ang ganda mo lalo sa simpleng suot mo" papuri ni Edwin sa akin. Doctor din sa hospital kung saan ako na assigned.
"Thank you, okay lang naman ako" ngiting sagot ko.
"Ah ganon ba? Pinupuntahan kita sa office mo hindi manlang kita naabutan. Ahm free kaba tonight?" ngiting tanong nito.
"Ehem"
"Ahm busy ako eh. Sorry" pagsisinungaling ko. Si doc Edwin kasi ang isa sa makulit na manliligaw.
"Ehem!"
"Ganon ba-mr. Valdez ? nice to meet you po. Im Edwin Galanza-"
"Wala akong pakialam, bitawan mo ang kamay ng asawa ko" pagsusungit nito. Mabilis namang binitawan ang kamay ko na pati ako hindi ko napansing hawak pala nito.
"A-asawa?" halata ang gulat at lungkot sa mukha nito.
"A-ah hehe, b-biro niya lang yon. P-pinsan ko siya" pagsisinungaling ko. Ako daw asawa niya? As if matutuloy ang kasal pweh!
"Haaayyy. Mapagbiro ka po pala mr. Valdez -"
"Hindi lang ako mapag biro, pumapatay din ako ng tao" agad napatigil si Edwin sa sinasabi ni Erroze.
"H-hehe. B-biro niya lang yon. S-sige doc, mauuna na po kami ng pinsan ko" palusot ko tsaka hinila sa kamay si Erroze palayo kay Edwin.
"Bakit mo naman yon sinabi sa kanya. Nirerespeto ka ng tao kaya respetuhin mo din" sermon ko sa kanya habang nakapamewang sa harap niya.
"Eh ako? Nirerespeto mo din ba nararamdaman ko? Asawa mo ako nakikipaglandian ka sa iba sa mismong harap ko!" iritang sagot niya. Nirerespeto nararamdaman niya? Bakit nagseselos ba siya? Wala naman siyang nararamdaman para sakin para magselos o irespeto yung mararamdaman niya.
"Kahit na, hindi parin tama na bastusin mo yung tao. Tsaka hindi pa tayo mag-asawa. Pinaplano ko pa lang kung paano malulusutan tong pesteng kasal na to" sumbat ko. Kita ko ang pagtalim ng tingin niya sa akin, magsasalita na sana ito ng sumulpot si Renzo.
![](https://img.wattpad.com/cover/212895748-288-k368999.jpg)