Chapter 19

1.6K 40 3
                                        


Valeen's pOv

NAGISING ako na wala na sa Erroze sa tabi ko. Biglang nag flashback ang nangyari kagabi lang. Nahiya ako bigla, oo asawa ko si Erroze at natural lang yon pero paano kung malaman ni Jaya? Anong mangyayari?

"Maam?" katok ni manang sa pinto. Agad akong bumangon tsaka hinanap ang damit ko pero wala na ito. Nasa kabilang kwarto pa ang damitan ko kasi ipinalipat ko kay manang nung umalis ako. Baka kasi makita ni Jaya sakaling bumalik siya dito.

Maliligo na sana ako ng maramdaman ko ang kirot sa pagkababae ko naglakad ako papuntang cr habang iika-ika.

Wala akong susuotin dahil kakatapos kong naligo kaya nanguha na lang ako ng damit ni Erroze. Malalaki naman ang damit ni Erroze kaya pwede na ito. Isa pa, mabuti na lamang at palagi akong may extra underwear sa bag ko in case na magkaroon ako ng regla tapos nasa hospital ako.

Biglang kumalam ang sikmura ko kaya naman bumaba na ako habang nagsusuklay pa. Papasok ako ng kusina nang maabutan si Erroze at nang daddy niyang masayang nag-uusap.

Pareho silang nakangiting nakatingin sa akin nang mapansin nila ako.

"Good morning beautiful" matamis na kindat at ngiting bati ni Erroze sa akin.

"Oh good morning iha. Halika may pasalubong ako" masayang bati ng daddy ni Erroze. Ngumiti na lang ako tsaka pupunta sana ng kabilang upuan ng hilain ako ni Erroze sa may kandungan niya.

"How sweet. Anyway, nandito ako para kamustahin kayo. Para iinvite na din ng personal sa birthday ng stepmom mo" ngiting usad ng daddy ni Erroze sabay lagay ng pagkain sa plato nito.

May stepmom pala si Erroze? na meet ko na ba siya before ako ma accident? sana naman mabait siya no?

"Iha? may problema ba? tahimik ka" napailing ako tsaka ngumiti ng sapilitan tsaka umayos ng upo sa tabi ni Erroze.

"Masakit paba?" bulong ni Erroze sakin na ikinapula ko

"Tama na yang harutan oh siya kain na tayo"

Masaya at maingay na kainan ang nangyari sa hapagkainan. Makulit at palabiro din pala itong daddy ni Erroze kapag nakilala mo ng husto.

Parang version lang ni Renzo. Pero kapag nasa trabaho, makikita mo sakanya ang isang seryoso at tahimik na Erroze.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid ko si daddy sa gate habang si Erroze nagtungo ng kwarto upang maligo. Ilang sandali lang ay sumunod akong kwarto nang madatnan si Erroze na nakangiting hinahaplos ang kaunting bahid ng dugo sa may bedsheet.

"Uuwi na ako" sabi ko pero hindi lang ito umimik tsaka humiga ng kama sabay tingin sa akin.

"May kailangan pa kasi akong ayusin sa bahay at sa hospital. Bukas ang schedule ng batang ooperahan ko dahil may sakit sa puso. Kailangan kong tapusin ngayon dahil nakakahiya naman sa daddy mo kapag hindi ako nakaattend" saad ko pero hindi padin ito umiimik kaya napalingon ako sa kanya.

Ngingiti-ngiti ito habang pinagmamasdan akong nag-aayos ng bag.

"Erroze nakikinig kaba?" tanong ko.

"Ang ganda ng asawa ko" biglang saad nito. Natahimik na lang ako tsaka napatalikod kay Erroze tsaka ngumiti.

"Napakabango pa" sulpot nito tsaka ako niyakap mula sa likod

"At sana..."

"Sana alin?" tanong ko

"Sana hindi mo ako kailan man iiwan. Nangako tayo sa altar na walang iwanan. Magsasama habang buhay sa hirap at ginhawa" saad nito na ikinatahimik ko.

"Pero Erroze si Jaya ang nararapat para sayo. Alam ko naman na mahal niyo isa't isa. Isa pa, nakuha mo na mana mo diba? or sabihin na nating regalo mo noong kasal mo" paliwanag ko. Biglang lumungkot ang mukha nito tsaka bumitaw ng yakap.

"Anong oras ka aalis?" malamig na tanong nito. Nasaktan ako dahil feeling ko gusto niya ng umalis ako kaya pinaaga ko ng umuwi.

Hindi na din ako nagpahatid dahil nandito naman ang kotse ko. Pagkatapos kong naligo at nag-ayos ay nagtungo akong trabaho kahit late na ako.

Maaga kong tinapos lahat ng gagawin ko, hindi ko na nga pinansin lahat ng pambabatikus ni Jaya.

Gabi na din ng makaalis ako ng hospital. Sinundo din ako ni Renzo para daw safe ako pag-uwi. Suss gusto lang ako makita eh.

Pagkatapos kong nag shower upang matulog na sana ng mag ring ang cellphone ko. May message si Erroze kaya agad kong binuksan

Pabukas ng pinto ng kwarto mo mahal ko

Napalaki ang mga mata ko dahil sa nabasa ko. Bakit ko bubuksan ang pinto ng kwarto ko eh matutulog na nga ako.

Kahit nagtataka ako'y binuksan ko ang pinto at agad si Erroze na may dalang bulaklak ang bumungad sakin.

"Bakit ka nandito?" takang tanong ko sabay kuha ng bulaklak. Hindi ito nagsalita tsaka pumasok ng kwarto ko tsaka naghubad ng damit at pantalon na tanging boxer na lamang ang natira sabay higa sa kama ko ng hindi ako kinikibo.

Problema ng lalaking to?

"Anong ginagawa mo dito? tsaka bakit parang lasing ka na naman?" tanong ko ng maamoy ko ang alak sa kanya.

"uminom lang konti" malamig nitong sagot.

"Konti lang eh parang lasing kana" maalumanay kong tanong ngunit hindi parin ako kinibo.

Ilang minuto pang walang kibuan at kahit nililibang ko ang sarili ko sa laptop ay nababagabag parin ako dahil sa labis na katahimikan.

Ano bang problema nito? Hindi na ako nakatiis at naglakad na papunta sa kama sa tabi nito tsaka nagtanong.

"E-erroze may problema ba?" tanong ko pero hindi ako kinibo.

"k-kung may problema p-pwede kang magsabi sakin" muling saad ko pero tahimik padin ito habang naglalaro ng mobile legend sa cellphone

Wala akong idea kung bakit siya ganyan pero nasasaktan ako. Hindi ako sanay na ganyan siya sakin.

"May nagawa ba ako?" tanong ko.

"Uy. Sumagot ka naman" pagpilit ko sabay hikbi.

Mabilis itong napalingon sa akin tsaka ibinaba ang cellphone kahit nagrarank ito. Jusko sayang star and credit. humarap ito sa akin tsaka pinunas ang luha sa aking mga Mata

"Bakit ganon Valeen. Ako ang asawa mo pero si Renzo ang mas malapit sayo?" malungkot nitong tanong.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"Susunduin sana kita kanina nang makita kitang sumakay sa kotse ni Renzo kaya umalis na lang ako" sabi nito.

Pinuntahan niya ako kanina? na gu-guilty ako. Tama siya, siya ang asawa ko pero iba ang hatid sundo ko. Pero sana naman maintindihan niya ako. Na kapag makita ni Jaya na magkasama kami masasaktan yon

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon