Chapter 21

1.6K 39 3
                                        

Valeen's POV

"Ano pa bang ikinagagalit mo Jaya? maghihiwalay din kami ni Erroze kagaya ng usapan-"

"Usapan?! usapahan hah?! tagal-tagal na niyan Valeen. Ang tagal na mula nang nakuha ni Erroze ang kailangan niya at hanggang ngayon asawa ka parin niya sa papel!" sumbat nito. Pinunas ko ang luha sa mga mata ko tsaka kusang kumalma nang masilayan ang mga luhang tumulo mula sa mata ng kaibigan ko.

"Im sorry Jaya. Kaibigan kita ayokong masaktan ka-"

"Yun nga eh. Kaibigan mo ako, ayaw mong saktan ako pero ginawa mo. Lakas ng loob mong pakasalan boyfriend ko. Oo alam kong pakana ito ng daddy mo pero tangina Valeen! Alam mong hindi pwede pero ginusto mo! ginusto mo dahil nga gusto mo!" mariing sigaw nito sa akin habang humahagulgol.

Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pait at sakit. Kung pwede ko lang akuhin lahat ng hinanakit niya sana tagal ko ng ginawa. Na okay lang kahit ako lang yung masaktan.

"Jaya kahit nawalan ako ng memorya alam kong hindi ko gugustuhing makipag kumpitensya sayo alam mo yan" sabi ko.

"Oo alam ko pero dati yon. Iba na ngayon, na kinalimutan mo na lahat ng pinagsamahan natin para lang sa sarili mo." Asik ni Jaya.

Napayuko na lang ako habang umiiyak nang muli itong magsalita.

"Kalimutan mo na lahat ng pinagsamahan natin. Kalimutan mo nang naging kaibigan mo ko dahil ako? tagal ko ng ginawa" saad nito tsaka lumabas ng room .

Napasalampak ako sa sahig tsaka umiyak ng umiyak. Bakit kailangang ako ang magbayad sa lahat ng kasalanan ng magulang ko? sa lahat ng maling nagawa nila ako itong sobrang nahihirapan.

Ako itong nagdudusa, pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Napahiga na lang ako sa sahig habang umiiyak.

NAGISING ako dahil sa mahinang pagtapik ni Erroze sa braso ko. Napaikot ako ng tingin nang nasa kama na ako. Sa pagkakaalala ko kasi sa sahig ako nakahiga kagabi.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Erroze. Ngumiti lang ako ng sapilit tsaka umiwas ng tingin sabay kunwaring ayos ng sarili ko para na din maiba ang usapan.

"Valeen okay ka lang ba?" pag-uulit nito.

"Yah. okay lang ako. Anong oras na ba?" tanong ko

"It's already 11:34 am. Lumabas lang ako kagabi dahil tumawag ang secretary ko at pagbalik ko sa sahig kana nakahiga halatang umiyak kapa. Kaya please mahal, kung hindi ka okay sabihin mo na. Nag-aalala ako" saad nito.

Ganon na pala ako katagal tulog.

"Okay lang ako, anong oras tayo uuwi?" tanong ko tsaka bumangon at nagsuklay

"After mo makapag lunch dahil tanghali kana naman nagising. Uuwi na tayo and sa bahay ka uuwi hindi sa bahay niyo, is that clear mrs. Valdez?" tanong nito sa akin.

Merong part na kinikilig ako sa pagiging mrs. Valdez ko pero mas malaki yung part na masakit dahil hindi naman ako dapat yung tinatawag na mrs. Valdez.

"Okay" tanging nasagot ko.

Pagkatapos kong maligo't kumain ay umuwi na kami at gaya nga ng sinabi ni Erroze dito kami sa bahay niya umuwi.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon