Chapter 31

1.7K 41 5
                                        

                   Valeen's POV

TAPOS na ang trabaho ko at inaayos ko na ang mga gamit ko para umuwi. Tinext ko na din si Erroze na pauwi na ako at siguradong nasa baba na siya naghihintay sa akin.

Palabas na sana ako ng hospital nang makita ang kotse ni daddy. Natigilan ako tsaka kinabahan nang lumabas ang isang guard ni daddy tsaka tumakbo papasok tsaka nagsisisigaw.

"Doc tulungan niyo kami" sigaw nito. Agad akong napatingin sa kotse tsaka tumakbo palapit dito.

Kita ko si daddy na hirap sa paghinga hawak ang kanyang dibdib.

"Bilisan niyo ano ba!" Sigaw ko tsaka pumasok sa loob ng kotse tsaka inalalayan si daddy.

Agad siyang dinala sa emergency room tsaka ko siya inasikaso hanggang sa mawalan ito ng malay.

"Anong nangyari manang? Hindi lalala ang high blood ni daddy nang walang dahilan" tanong ko habang pinagmamasdan si daddy na payapang natutulog sa hospital bed.

"Tsaka nasaan si mommy? bakit hindi niyo kasama?" dagdag ko.

"K-kasi maam..." napasalubong ako ng kilay nang mapansing hindi ito mapalagay.

"Manang ano nga?" pag-uulit ko.

"Kasi maam nagtalo sila ni maam Lena" sagot nito habang nakayuko. Napabagsak balikat na lang ako sa narinig ko.

"Ano? Bakit daw?" tanong ko.

"Dahil po sayo maam" sagot nito habang nilalaro laro ang daliri nito.

"a-ano, anong dahil sakin? bakit?" muli kong tanong.

"Gusto kasi ni maam Lena na makipag-ayos si ser sa inyo dahil awang-awa na daw siya sa inyo-"

"Nasaan si mommy?" tanong ko habang nanginginig

"Hindi ko po alam maam. N-naglayas po" sagot nito.

Nanlambot ako sa narinig ko. Sira na ba ang pamilya ko? Sinira ko ba? Kasalanan ko lahat. Kung hindi ko sinuway si daddy hindi aabot sa ganito.

"Mahal" sulpot ni Erroze. Agad akong napatingin sa kanya habang umiiyak.

Agad ako nitong niyakap at hinayaang umiyak.

"Anong plano mo?" malambing na tanong ni Erroze habang yakap ako't nakatingin sa ama ko.

"Dito muna ako. Hindi na muna ako uuwi hangga't hindi nakakalabas si daddy dito" sagot ko sabay punas ng luha ko.

Nasaan kaba mommy? Iniwan mo na ba kami? Naisip kong tawagan ito kaya agad ko naman ginawa.

"Mom" tawag ko sa kanya nang sagutin niya ito.

"A-anak?" hikbi nito kaya mas lalo akong napaiyak.

"mom nasaan ka?" tanong ko sabay takip ng bibig ko upang takpan ang hikbi ko.

"A-anak patawarin mo ako. Naisip ko kasi na kung hindi na kayo magkakaayos mabuti na lang ito. Magkanya-kanya na tayo. Mahal na mahal ko kayo ng daddy mo anak. Kaya nasasaktan ako sa nakikita ko sa inyong dalawa" sabi ni mom habang umiiyak. Ano ba itong nagawa ko.

"mom hindi mo kailangang gawin to-"

"Anak kailangan" singit nito

"Mom pwede naman nating pag-usapan ito. Nasaan ka? pupuntahan kita" tanong ko pero tumanggi lang ito.

"Magpapalamig lang ako anak ko. Babalik din ako pero hindi muna ngayon. Hindi na kami maayos ng daddy mo simula nang umalis ka. Babalik ako pero para lang sayo kasi mahal na mahal kita" hikbing saad nito tsaka ako pinatayan.

Muli kong tinawagan pero nakapatay na ito. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Napaka selfish ko. Sarili ko lang inisip ko, dahil sa ginawa ko pati relasyon ng magulang ko nasira. Ang malas ko, malas lahat ng taong mahal ko dahil sakin.

KINABUKASAN nagising si daddy at gusto niya ng umuwi kahit hindi pa pwede sabi ng nurse kaya heto ako papunta ngayon sa room niya.

Pinauwi ko na muna si Erroze at medyo nagkatampuhan pa kami dahil ayaw niya akong iwan dito. Naiintindihan ko naman na gusto niya lang akong makapag pahinga.

Palabas ako ng office nang makasalubong ko si Renzo. Napangiti ako kasi tagal niyang hindi nagpakita sakin. Saan kaya nagpunta to.

"Renzo" tawag ko sa kanya. Sumabay naman ito sa paglalakad.

"Nalaman ko nangyari sa daddy mo. Kamusta na siya?" tanong nito.

"Sasagot na sana ako nang makasalubong ko si Jaya na namumugtong mga mata.

Nilagpasan lang ako nito na para bang wala siyang nakita. Nasasanay na ako pero ewan ko ba kung bakit bumabalik na naman ang pagkaawa ko sa kanya. Na mas okay na naman sa akin na ako na lang papasan sa sakit na nararamdaman niya.

"O-okay na siya. Actually papunta na nga ako sa kanya" sagot ko tsaka pumasok sa room ni daddy.

Agad itong napatingin sa gawi namin pero hindi ako nito pinansin at si Renzo lang ang kinausap nito.

"Good morning dad, kamusta po pakiramdam niyo?" tanong ko pero hindi ito sumagot.

"Good morning mr. Valdez, why are you here? kamusta" tanong ni daddy kay Renzo na ikinatahimik ko.

Malamang galit sa akin si daddy pero anong gagawin ko?

"A-ah! Good morning mr. Cruz. Nandito ako para bisitahin ka, kamusta na kayo? may masakit paba?" tanong nito tsaka ako sinenyasan. Agad ko naman na gets.

Inulit niya kay daddy ang tanong ko kanina na kung kamusta na ang nararamdaman niya. Ayaw niya kasi akong kausapin.

"Im okay. Gusto ko na nga umuwi eh. Mas lalo akong magkakasakit dito" tumatawang sagot ni daddy kahit halatang hindi pa talaga ito okay.

"Ah ganon po ba? Okay po sana yan mr. Cruz kaso mas okay yung dito ka para maasikaso ka ni doktora" sabi nito tsaka tumingin sa akin tsaka kumindat.

Hindi na umimik si daddy nang icheck ko ito. Pagkatapos ko itong icheck ay dumating naman si Erroze na kakauwi lang kanina.

Bakit nandito ito? halos wala tong' tulog kagabi dahil sa pagbabantay kay daddy tapos hindi pa natulog.

May dala itong pagkain at prutas para kay daddy. Napataas ako ng kilay ng humikab ito.

"Bakit ka nandito?" matigas na tanong nito kay Renzo na payapang naka upo sa sofa tsaka ito lumapit sabay halik sa aking mga labi sa mismong harap ng kanyang kapatid at aking ama.

"Relax bro. Magpapaalam lang ako kay Valeen. Luwas akong London" sabi nito. Nalungkot ako bigla sa narinig ko. Aalis siya? bakit?

"Aalis ka?" tanong ko

"yeah. May business project kasi kami doon and i need to be there. Babalik din naman ako" sabi nito.

"Bakit parang nalungkot ka?" mahina at naiinis na tanong ni Erroze sakin.

"Hindi ah" denay ko.

Ewan ko ba, bakit nalulungkot ako samantalang hindi naman si Erroze ang aalis. Napatingin ako sa dala ni Erroze na saging para kay daddy. Bigla akong natakam kaya ako kumuha ng isa't kinain ito pero nakakaisang kagat pa lang ako bigla akong nasuka kaya napatakbo ako ng banyo tsaka sumuka.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon