Chapter 9

1.7K 43 6
                                    

Valeen's POV

"Kamusta ang bakasyon anak? Nag-enjoy kaba kasama si Erroze?" tanong sakin ni daddy habang nakangiting yakap ako.

"Yes dad" tanging sagot ko na lang tsaka ngumiti ng mapait. Mahigit isang linggo ko na doon at miss ko na si daddy at mommy kaya dito na ako dumiretso.

Madaling araw kami bumyahe pauwi at gabi na din nang makarating kami, nakiusap na lang ako kay Renzo na didiretso na ko dito sa bahay.

"Sabi ko na nga ba bagay kayo e, alam mo ba anak? Next month pa sana ang kasal niyo kaso itong si mr. Valdez masyadong excited magkaroon ng apo kaya minadali na namin ang kasal niyo. Next week okay na. At alam mo ba iha? Sigurado akong ikaw ang pinaka engrandeng kasal sa inyong magpipinsan. Sa yaman ba naman nila Erroze tsaka hindi ako papayag na ang nag-iisang pinakamamahal kong anak ay ikakasal ng simple lang." masayang kwento nito.

Masaya ka dad? Masayang masaya. Habang ako gusto nang kumawala ang luha ko. Mukhang wala ng atrasan to. At tungkol sa pagmamahal, mahal mo ba talaga ako dad?

"Invited na din lahat ng mga nagsisikatang negosyante dito sa pinas ganun na din sa Canada at London. Ang mga magiging ninang niyo from korea na gustong-gusto na kayong makita. Proud na proud ako sayo anak" usad pa nito tsaka ako muling niyakap.

Proud ka sakin dad? Mula bata ako hanggang sa naka graduate ako hindi ko kailan man narinig ang salitang 'proud ako sayo anak' galing sayo. Yung matataas na grades ko, medals and trophies ko hindi mo na appreciate at ngayon?

Proud ka sakin dahil ikakasal ako sa gwapo at mayamang lalaki? Proud ka dahil may mga milyonaryong bisita? Proud ka dahil ninang at ninong ko mga sikat at milyonaryo sa ibang bansa?

Ang sakit-sakit dad! Hindi niyo alam kung anong hirap at gulo ang napasok ko kapag nakasal ako sa boyfriend ng mismong kaibigan ko. Yung nag-iisang kaibigan, tagapag-tanggol at totoong nagmamahal sa akin.

Ano pang silbi ng buhay ko kapag si Jaya ang nawala sa akin? Mas gugustuhin ko pang ako ang masaktan huwag lang siya pero ano, kayo na nagdedesisyon para sa sarili ko?

"Valeen? Okay ka lang ba? Hindi kaba masaya dahil ikakasal kana?" takang tanong ni daddy.

"P-pagod lang po ako daddy. Magpapahinga na po ako" usad ko tsaka umakyat ng kwarto ko.

Pagpasok ko ng kwarto ko agad akong napahiga sa kama tsaka hinayaang magsilabasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Sana mamatay na lang ako!" bulong ko sa sarili ko nang biglang may mag-text sa cellphone ko. Si Erroze.

Erroze: Bakit ibang bahay inuwian mo?

Huh! Gusto ko siyang sumbatan kung bakit niya ako iniwan sa boracay pero diko magawa. Mas nangingibabaw parin yung pagmamahal ko sakanya. Nakakainis!

"Hindi naman siguro masamang umuwi dito sa bahay namin diba?" reply ko. Ilang Segundo lang nang muli itong magreply.

Erroze: Pero dito ka sa bahay ko nakatira, susunduin kita hintayin mo ako diyan

Ako: huwag na, hayaan mo muna ako dito. Isa pa may isip na ako, kaya kong umuwi diyan mag-isa

Erroze: susunduin kita, hintayin mo ako diyan.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon