Chapter 7

1.8K 45 4
                                        

Valeen's POV

Hapon na nang makarating kami dito sa boracay. Agad naman kaming in-assist ng gwapong lalaki kung saan kami mag ka-cottage. Napapatingin lang ako sa gwapong lalaki sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig sakin habang masamang nakikipagtitigan itong si Erroze at Renzo sa kanya.

Ang ganda lang ng cottage dahil hindi lang ito basta kubo na sisilungan kundi para na din itong bahay na kumpleto na lahat. Mula banyo, kama, kusina kung trip mo dito magluto. Meron ding restaurant na nadaanan namin kanina.

"Valeen" tawag sakin ni Renzo habang kasabay ko si Erroze sa paglalakad. Lilingon na sana ako ng mabilis na hawakan ni Erroze ang bewang ko tsaka hinila palapit sa kanya.

"Huwag kang lilingon" matalim na titig nito sa akin. Ano naman sa kanya kung lilingon ako?

"Renzo" tawag ko kay Renzo tsaka binaklas ang pagkakahawak ni Erroze sa bewang ko tsaka lumingon kay Renzo.

"Tangina!" galit na bulong ni Erroze ngunit hindi ko ito pinansin.

"Tara pasyal?" anyaya nito sa akin, upang makaiwas na din kay Erroze ay ngumiti ako tsaka tumango.

Mabuti na yung si Renzo ang palagi kong makakasama, atleast kahit papano umaasa akong makuha muli ang puso ko kay Erroze.

"Hindi mo ba nakikita Renzo? Kasama niya ako. Asawa niya ako, bakit kaba umeeksena? May problema kaba?!" galit na bulyaw nito sa kapatid sabay kwinelyohan. Agad ko naman itong inawat.

"Wala namang masama sa pag-imbita ko diba, Valeen?" ngising tanong sa akin. Tumango ako na hindi ko alam kung bakit mas lalong ikinagalit ni Erroze.

Galit ang aura nitong naglakad papasok ng magiging cottage namin, hinayaan ko na lang kahit sa loob-loobin ko'y gusto ko siyang suyuin.

Magkaiba kasi ang cottage namin, magkasama kami ni Erroze, magkasama ang dalawang katulong, magkakasama din ang limang tauhan ni Erroze at nag solo naman si Renzo.

In case daw na may problema'y nakahanda na sila sabi ni Erroze sa limang tauhan nito. Sa tauhan niyang sunod-sunuran sakanya halata mo nang mahilig sa gulo tong si Erroze.

Nilibot lang namin ang gusto naming puntahan ni Renzo, masarap siyang kasama pero napabalik din kami agad sa kubo upang magpahinga.

"Kita na lang tayo mamaya" matamis na ngiti ni Renzo sa akin bago umalis. Ngumiti lang din ako tsaka papasok na sana ng cottage nang maalalang nasa loob si Erroze.

Umupo na lang muna ako dito sa labas at dinama ang masarap at malamig na simoy ng hangin.

"Nag-iisa ka madam?" sulpot ng lalaking nag turo kanina kung saan kami magka-cottage.

"Bakit ka nag-iisa?" tanong nito sakin tsaka umupo sa tabi ko.

"Wala lang, ang ganda kasi dito. Napakasarap pa ng hangin" sagot ko.

"Ahh... Ahm ako nga pala si Kevin" pakilala nito sabay lahad ng kanyang kamay, tinanggap ko ito tsaka nakipag kamay.

"Valeen" sagot ko

"Ahm kapatid mo ba si mr. Valdez?" walang anong tanong nito.

"A-ahm kaibigan ko lang" tanging sagot ko.

"Bakit kilala mo?" muling tanong ko

"Sa yaman ba naman ng pamilya nila paanong hindi siya makikilala?" ngiting usad nito.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon