Chapter 24

1.6K 37 3
                                        

Valeen's pOV

KASALUKUYAN akong nagpapahinga dito sa office ko at dahil wala naman akong gagawin ay nagbukas na lang ako ng messenger ko.

Napakadaming message ni daddy, Renzo, Erroze at ni mommy. Naagaw ng atensyon ko ang messages ni mommy. Miss na miss ko na ang ina ko pero wala manlang akong magawa kundi ang ma miss lang siya.

Gusto ni mommy na magkita kami na kahit kaming dalawa lang daw dahil sobrang miss niya na daw ako. I know my mom at hindi siya kagaya ni daddy na sakim sa pera.

Pumayag akong palihim na makipagkita sa kanya dito sa office ko para walang ibang makakita. Bukas pa naman at sana maging maayos na kami ni mommy.

"Doc kailangan ka daw po sa room #06" sulpot ni Claire. Ngumiti ako tsaka tumango.

Inayos ko ang sarili ko tsaka isinuot ang facemask ko pero ibinaba ko na lang muna sa may baba hanggang sa leeg ko. Tsaka ko na isusuot ng maayos kapag nandoon na ako para din sa kaligtasan ko.

Nang lumabas ako ng pinto, napatingin ako kay Erroze kasama si Jaya sa tapat ng pinto ng office ko. Napansin niya ako kaya naman ngumiti ito ng pagkatamis-tamis tsaka ako kinindatan.

Wala akong naging reaksyon dahil nagseselos ako. Nahalata yata ito ni Erroze kaya ito sumenyas ng i-love-you. Ngumiti ako tsaka napakagat ng ibabang labi ng bigyan niya ako ng flying kiss.

"Sino yon?!" masungit na tanong ni Jaya kay Erroze kaya napatigil ako. Agad naman tumayo si Erroze at humarang sa may gawi ko para takpan ako

"Huwag mo ng pansinin. Kumain kana ba?" pangiiba nito ng usapan kaya agad naman akong napatakbo pero napabalik din dahil maling direksyon ang napuntahan ko. Dumaan ako sa left side na dapat ay sa right ako papunta.

Napatawa na lang ako mag-isa tsaka tuluyan ng pumasok sa room. Nakangiti akong nakikipag usap sa batang pasyente dahil gusto ko mapagaan ang nararamdaman nito.

"Doktora ang ganda-ganda niyo po. Bagay po kayo ng kuya Jhon ko" saad nito na ikinatawa ko.

"A-ah bata. May asawa na si doc eh. Pwede ako na lang?" tawang biro ni Claire kaya napatawa din ako.

"Ayawww... si doktora po ang gusto ko" sagot ng bata.

"suss! mas maganda at sexy pa ako kay doktora kaya mas bagay ako sa kuya mo" muling sabi ni Claire.

Napangiwi na lang ako tsaka inayos ang ginamit ko pancheck-up kay Sofia na batang pasyente ko tsaka kinausap ang mama nito.

"Ahm maam, pwede na pong lumabas si Sofia bukas ng kahit anong oras. Pina-stay ko lang po muna siya ng kahit isang gabi pa para makapagpahinga siya and bukas po pwede na siyang umuwi" ngiting saad ko. Napaluha sa ngiti ang nanay ni Sofia tsaka ito napayakap sakin.

"Salamat ho doktora. Sa wakas makakalabas na din kami ng anak ko. Ilang doktor na po ang napuntahan namin pero inurungan nila ang anak ko dahil posible daw niya itong ikamatay. Kaya thank you ng madami dahil sa inyo naasign ang anak ko. Hindi lang kayo maganda doktora. Mahusay at napakabait mo pa" sabi ng babae sa akin.

Napangiti na lang ako sabay alala ng unang araw nila dito na halos mag-agaw buhay na si Sofia dahil sa kidney transplant nito.

Pagkatapos kong icheck si Sofia ay napansin kong may nagtatakbuhan sa labas ng pinto kaya lumabas ako upang alamin.

"Doc emergency!. H-hindi ko po kasi makita si doktora Jaya kung nasaan. Siya po kasi nakaasign dito" paliwanag ng isang lalaking nurse.

"Nasaan ba ang pasyente?" tanong ko.

"This way doc" sagot nito tsaka naunang tumakbo patungong room#13 na kung saan medyo malayo sa room ni Sofia. Pagkarating ko dito'y isang kaedad ni daddy na lalaki ang halos agaw hininga.

Nang makalapit ako dito'y tuluyan nang hindi na huminga. Mabilis kong inayos ang mga importanteng gagamitin tsaka idinikit sa dibdib nito.

"Clear!" saad ko. Paulit-ulit kong sinubukang iligtas o gisingin ang pakiramdam ng lalaki. Natagal man ako sa huli'y muli kong napabalik ang paghinga nito.

Mahina at nahihirapang huminga kaya naman agad kong pinalagyan ng oxygen tulong sa paghinga nito.

Isang masigabong palakpakan ang natanggap ko mula sa mga nurses na nandito ganon na din ang ibang nakakita ng ginawa ko. Kinabahan man ako dahil hindi ko akalaing magagawa ko'y napakasaya ko dahil isang buhay na naman ang naisalba ko.

Ilang sandaling pag-uusap lang at lumabas na ako. Papasok na ako ng office ko nang madatnan si Renzo na nakaupo sa sofa habang malamig ang tingin nito sa akin.

Tumayo ito tsaka tumayo sa harapan ko at tuluyan niyang binuksan ng malaki ang pinto kung saan kitang-kita na mula sa labas ang kabuoan ng buong office ko.

"Iniiwasan mo ako?" tanong nito habang malungkot.

"Sorry-" bigla na lamang ako nitong niyakap ng mahigpit. Hinayaan ko na lang ito dahil nabigla ako sa ginawa nito nang may magsalita sa likod ko

"Sweet couple" usad ni Jaya kasama si Erroze na halatang kakagaling ng canteen.

Napatingin ako kay Erroze na para bang gustong manapak ano mang oras.

"Oh salamat. Kayo din" sagot ni Renzo pabalik.

"Mauna na ako uuwi" paalam ni Erroze tsaka naglakad paalis.

"Problema nun?" maang maangan na tanong ni Renzo na kahit alam ko naman na kunwaring hindi niya alam na nagseselos si Erroze.

"Ewan ko" tanging sagot ko na lang.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon